Sais

214 10 0
                                    

Sais

---

Kurt point of view.

"Halika ka na, Alex. Tomguts na akooo!" hila ko sa kanya mula sa upuan, magdamag na lang siyang tulog sa klase. Binabato na nga siya ng eraser pero putang-na! Ako 'yung tinatamaan! Ays.

"Ikaw na lang mag-isa! Go with your own dude." aniya at humilig muli sa arm desk.

"Bahala ka nga! Tss." ang hirap maging kaklase si Alex, lalo't naging ganito na siya kabatugan.

Paalis na sana ako ng may tumama sa ulo niya'ng shuttle cock.

"Fvck!" singhal niya. "Sinong gumawa n'yon?"

"Oops. Sorry Kurt at Alex, d'yan lumipad 'yung shuttle cock."

"Badtrip!" singhal ni Alex, tumingin siya ng matalim kay Ayyan.

"Nagsorry na nga ako! Hindi ko naman alam na d'yan pupunta ah!" habang nasa labas siya ng bintana.

"Sabihin mo, you're careless. Clumsy Girl."

"Wow! Grabe siyaaa!" inis na buntong hininga niya.

"Sorry na lang, Ayyan. Ito na 'yung shuttle cock niyo." bigay ko, tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Sabay muling simangot kay Alex.

"Lagi mo na lang bang ihihingi ng sorry 'tong mukhang harina'ng 'to?"

"Harina?" pagtayo ni Alex. Alam kong mainit na ang dugo niya kaya hinila ko na siya palabas. Baka magliparan pa mga upuan namin dito sa loob. Mahirap na! "Bitawan mo nga ako, bakit mo ba ako hinihila Bro?"

"Baka mag-init na naman ulo mo! Tsaka tama na ang pagtulog. Maggala naman tayo."

"Ayoko!"

"Dali naaa."

"Tss. Sige na nga, wala naman kasing magandang makikita dito. Puro lang mga walang kwenta tulad nung isa kanina."

"Hindi naman. Mabait nga siya."

"Tss. Nabulag ka na naman! Hays." buntong hininga niya. Nauna na siyang maglakad sa akin, kaya sumabay na ako. Nakita naman namin 'yung dalawa na naglalakad sa hindi kalayuan.

"Xy! Dy!" tawag ko, kaya ko silang palingunin lang gamit ang isip pero syempre hindi dapat ganoon. Style tao dapat.

Tumingin naman sila sa amin, agad akong lumapit habang kasunod ko si Alex. May kasama silang babae kaya namilog talaga ang mga mata ko.

"Ania?"

"Isa ka pa! Pati ba naman ikaw? Tropa ba kayong lahat? Sabagay, halata naman mga jologs pormahan e."

"At least gwapo." sagot ni Alex.

"Ang kapal!" lumapit sa akin si Dy at may binulong siya.

"Kamukha lang siya pero hindi magkasing-ugali. Putang-na! Basagulera 'yan!"

"Talaga?"

"Oo, nakailang sapok na sa akin ya--"

"Anong pinagbubulungan niyo?" singhal nito.

"Wala!" sagot ko, nakasimangot lang siya habang kibit balikat na pinagmamasdan kami. Lihim akong napangiti. Naaalala ko sa kanya si Lexie.

"Oh bakit nangingiti ka d'yan? May nakakatuwa ba?"

"Wala!" sagot ko muli. Lumapit na lang ako kay Alex at inakbayan siya. "Ako nga pala si Kurt tapos ito si Alex. We nice to know you?." taas-baba ng kilay ko sabay lahad ng kamay sa kanya.

"I'm Riezel Argon. Nice to know you too." sabay ngiti.

Lumapit naman sa akin si Xy at hinila niya ako.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon