Vente nueve"Lexie?" sabay-sabay nilang tawag dito pero may pagtataka sa tono. Ibang-iba na kasi ang itsura nito, bukod sa kapal ng make up nito at kulang pulang labi ay hapit na hapit rin ang suot nitong unipormeng kulay itim.
Binigyan naman sila ng matamis na ngiti nito. Nais man nilang mag-akila na ito nga ang dalaga ngunit hindi pa rin maitatangging kamukhang-kamukha niya talaga ang dalaga.
"Hindi niyo ba ako namiss?" payakap niyang akto pero walang nais tumugon dahil hindi pa rin sila makapaniwala.
"Nakakatampo naman, mukhang hindi niyo man lang namiss?" sambit nito habang nakanguso.
"My Princess, namiss talaga kita!" yakap ni Claude sa kanya. Pumatak naman ang mga luhang kanina pa nais kumawala.
"Paano ka napunta dito?" tanong ni Xyruz. Ginulo naman ni Claude ang buhok ng dalaga at nginitian niya ito sabay pahid sa mga luha nito.
"Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito, basta paggising mula sa aking pagkakahimbing mula ng gabing iyon. Nandito na muli ako sa Twilight Academy, kung saan una tayong nagkita." tumingin pa siya kay Brent na nakatitig lamang sa kanya.
"Akala namin patay ka na pero sabi nga buhay ka pa. Kaya hindi kami sumuko at ngayon nga, nakita ka na namin muli." ani Kurt.
"Ang laki ng pinagbago mo, Flat? Flat ka pa rin pero sexy ka na?" sambit ni Jules.
"Ganyan talaga, nagmahal, nasaktan, nagpayummy. Hahaha." napatingin siya kay Brent na seryoso lang ang tingin sa kanya. "Oy yabang, hindi mo ba ako namiss?" napatikhim pa si Brent kasabay ang pag-iling.
"Namiss kita Panget kaso hindi lang talaga ako makapaniwala." aniya.
"Ganyan rin kasexy si Ania n'yon. Ang laki pala ng nababago kapag nasasaktan?"
"Oo! Dapat nagpasexy ka rin, Dy?" sabay ang pagtawa ng dalaga. Natawa na lang rin ang iba habang titig pa rin sa kanya si Alex at Brent.
Hindi nila akalain na magiging wild ang babaeng kilalang-kilala nila. Ibang-iba sa dating Lexie na nakilala nila.
"Mag-eenroll ba ulit kayo dito?" tanong ni Lexie kasabay ang pagtalikod sa pito. Nilingon niya muli ang pito at inaya patungo sa main.
"Kailan ka pa nandito?" tanong ni Kurt na sumabay sa kanya. "Buo pa rin ba ang green house na dati nating pinagtataniman dito?"
"Ah?" taas ng daliri ni Lexie, "sorry na Kurt, hindi ko na kasi nadadalaw 'yon. Mas busy kasi ako sa club ko dito."
"Anong club? As in 'yun ba 'yung may mga sumasayaw at naglalasing na kabataan?" sabay sa kanya ni Jules.
"Sira! Hindi ganoon 'yun. May kanya-kanyang club dito sa school ngayon. Kailangan niyong pumili ng isa."
"Ah! Ano-ano bang mga club ang nandito?" tanong ni Xyruz.
"Ipapaalam iyon sa inyo sa office kaya dalian na natin." ngiti niya sa pito.
"Nga pala, napansin mo ba dito sila Shiloh?" tanong ni Dylan.
"Yup! At nasa court na sila para sa inauguration." nanahimik na lang sila hanggang makarating sa main office. Ipinaliwanag sa kanila ang bagong rules and regulations ng school. Ibang-iba na sa dati.
Sa loob ng isang linggo kailangan nilang makapili ng club na sasalihan para sa kanilang curricular activities. Pero wala namang kaalam-alam ang pito dito dahil bago ito sa pandinig nila.
Sasamahan sila ni Lexie para libutin lahat ng clubs na meron ang academy. Basta gusto nilang mag-aral at matuto ay tatanggapin sila kahit pa tapos na silang mag-aral.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampiroThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire