---
48
---
"Chimera?"
"Oo.."
"Isang chimerang anyong aso na may magkaibang kulay ng mata?" nakatingin sa kanila ang kulay itim na aso na malaki pa sa kanila. Umalulong ito ng napakalakas na nagpasakit sa kanilang mga tainga.
"Masyadong malakas.. Anong gagawin natin?" ani Dylan habang takip ang mga tainga dahil sa impact ng echo-ng pumapaloob sa buong mansyon.
Unti-unting lumalapit si Riez na ikinabahala ng dalawa.
"Anong ginagawa mo, Babae?" takang sigaw ni Dylan. "Magpapakamatay ka ba?"
"Hindi.. sinong tanga naman ang magpapakamatay na lang?"
"Pero anong ginagawa mo? Hindi ba't pagpapakamatay ang paglapit mo sa chimera-ng 'yan?"
"Tumahimik ka na lang! Ako na bahala dito.."
"Riez, mapanganib.. bumalik ka na dito.." sigaw ni Kurt pero nagtuloy pa rin siya hanggang sa mas lumakas pa ang pag-ungol ng malaking aso.
Nakalapit si Riez sa aso at natigilan ang aso sa pag-ungol. Bahagya itong lumayo at umangil sa kanya pero nginitian niya lang ito. Nakita niya ang dog tag nito sa may leeg.
"Snowbell?" umamo ang mukha ng malaking aso, tila ba nalungkot ito. "Ang pangalan mo ba ay snowbell? Amo mo ba si Yuki?" umungol ito ng malakas, ngunit malungkot na ungol na tila nangungulila.
Unti-unti pa siyang lumapit dito pero lumalayo lang ito at umaangil sa kanya. Nag-aalala naman si Kurt at Dylan, sa ginagawang paglapit ni Riez sa malaking aso.
"Kilala ko si Yuki, gusto mo dalhin kita sa kanya?" tanong ni Riez sa aso. Tila naintindihan naman ng chimera iyon. Tumigil ito sa pag-angil at nagkaroon ng ipo-ipo sa harapan niya.
"Anong nangyayari?" gulat ni Dylan. Tumigil ang hangin at nawala sa paningin nila ang malaking aso. "Nasaan na 'yung as..."
"Siya na ba yung aso kanina?" takang tanong ni Kurt. Natameme sila sa natunghayan, naging maliit na tuta ang kanina'y malaking aso. Lumapit ito kay Riez na tila maamo.
"Totoo ba, kilala mo si Ms. Yuki?" napatingin sila sa paligid. May batang boses kasi silang narinig.
"May iba pa bang nakatira dito?" sigaw ni Dylan.
"Huwag ka na magtanong Dylan, mukhang ang asong ito ang nagsasalita." ngiti ni Riez. "Hindi ba, Snowbell?" tumango naman ang tuta at kinawag ang buntot.
"Kakaiba naman pala ang chimerang iyan!"
"Hindi ba't kakaiba rin kayo?" balik ni Riez kay Dylan.
"Kaya nga.." Alis nito ng tingin sa dalawa. Lumapit naman si Kurt kay Riez at sa tuta.
"Snowbell, napakacute na pangalan naman ang ibinigay sa iyo ni Yuki ngunit pasensya ka na sa maririnig mong balita sa amin. Nawawala kasi siya at hinahanap namin siya ngayon." umungol naman ang tuta.
"Kung gano'n, hindi ko rin pala makikita ang aking prinsesa."
"Pero huwag kang mag-aalala, gagawin namin ang lahat para makita siya. Isa siya sa mga kaibigan namin kaya hindi namin siya pababayaan."
"Maraming salamat.." ngiti nito.
"Kung gusto mo sumama ka sa amin, hahanapin natin siya.." lumayo ang tuta at umiling.
"Hindi ako makakaalis sa palasyong ito, nangako ako sa kanya na dito lang ako hanggang sa bumalik siya. Hihintayin ko siya dito hanggang sa balikan niya ako."
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampirThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire