Vente Sais.Pinalaki ni Brent at Jules ang mga sandata nila. Pinatago muna nila si Xiel sa isang tabi at lumapit kay Lexie. Nagtinginan pa ang dalawa at ang laki ng ngiti ni Brent. Napangiti na rin si Lexie. Hinawakan niya ito ng kamay.
Mapait namang napangiti si Xiel habang nakatingin lang sa dalawa.
"Masyado kayong nagngingitian d'yan ah! Nagseselos tuloy ako." ani Jules. Nagtanguhan pa silang tatlo bago sinugod ang dalawang bampira.
Mabilis na pinatamaan ni Lexie ng magkabilang palaso ang dalawa na nakailag pero mabilis hiniwa ni Jules ang isa gamit ang kanyang espada. Binaril naman ni Brent ang pangalawa. Unti-unting nagsilab ang mga katawan ito at mabilis na naging abo na kumalat sa sahig ng ospital.
Tinanggal ni Lexie ang shield at tumambad sa kanila ang sirang kama at magulong kwarto.
"Hala! Anong gagawin natin dito?"
"Mabuti pa tumakas na tayo.." suhestyon ni Lexie. Hinawakan niya sa kamay si Brent na ikinangiti nito. "Kilig na kilig si yaba.." ngunit sa isang kumpas lang ng kamay. Bigla silang nagising sa pagkakahimbing.
"Anong nangyari? Bakit? Nakatulog ba tayo?" naguguluhan rin ang dalawa sa tanong ni Brent. Agad siyang tumayo at hinanap ng paningin ang dalaga. Nasabunutan niya ang sarili.
"Hindi ako nananaginip lang, hindi ba? Totoong nakita ko na si Lexie, hindi ba?" naguguluhan niyang tanong.
"Ganoon din ang pagkakaalam ko! Nakita ko siya dito tapos nakipaglaban pa tayo. Imposible naman na hindi totoo 'yon?" gulong-gulo rin na si Jules.
"May mga sira pa nga dito, dapat nga tatakas na tay--"
"Nakatulog lang talaga kayo! Wala naman nangyaring ganon, nakaidlip lang ako pero kayo nakatulog. Hindi ko kayo ginising dahil para bang ang saya ng panaginip niyo. Kaya pala?" pagkukunwari ni Xiel.
"Hindi! Imposible? Kasi parang totoo talaga 'yon! Niloloko mo lang kami Xiel, hindi ba?" umiling naman ang dalaga.
"Naging paru-paro pa nga ang lola mo matapos siyang tamaan ng kidla--" tumawa naman ang dalaga kaya natigilan siya.
"Sira ulo na ba kayo? Paano magiging paru-paro si Lola? Ang ganda naman ng panaginip niyo? Hahaha.." lingon niya sa matanda na mahimbing na natutulog.
"Nakakainis!" singhal ni Jules.
"Kung ganon panaginip lang pala talaga? Kung ganon, imahinasyon lang pala ang lahat." nasuntok niya ang pader. "Akala ko kasi totoo na.." tungo niya. Nasasaktan namang pinagmasdan ni Xiel si Brent.
Hindi niya alam kung totoo ba talaga o hindi, dahil sa totoo ay nakita niya rin si Lexie at nawala ang kanyang Lola. Pero bakit parang nagising lang sila sa isang panaginip at nagbago ang lahat.
Nagsinungaling siya para hindi na hanapin pa ni Brent si Lexie. Ginawa niya 'yon para sa kanya na lang ito nakatingin pa.
"Akala ko rin totoo na, ang saya na ulit sana." nawala ang liwanag sa binti ni Xiel at ang sakit na nararamdaman niya. Umilaw lang naman ito ng ninais niya na sana hindi nangyayari ang mga nasasaksihan niya kanina. Na sana ang lahat ay isang panaginip lamang.
Hindi niya akalaing matutupad ng mapagtanto niya. Hindi kaya 'yon ang kapangyarihang tinataglay niya ngayon.
Matagal silang nanahimik ng basagin niya ang katahimikan. Tumikhim pa siya para makuha ang atensyon ng dalawa pero parehas lang malungkot ang mga ito.
"Tama na nga 'yang drama niyo! Makikita niyo rin siya, hindi ngayon pero soon. Fighting lang." pagbibigay lakas niya ng loob dito. Nagkatinginan naman ang dalawa at nagtanguhan.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampirosThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire