Onse

177 6 0
                                    

----

Natapos na rin ang klase, nagtatakbuhan sila Mike na palabas ng gate. Tumigil naman sila doon at hinintay kaming tatlo nila Lianne.

"Sama ba kayo sa Bar?" tanong ni Ice. Umiling naman ako, samantalang tumango 'yung dalawa.

"Bakit ayaw mo Xiel?"

"Kill joy talaga 'yan si Xiel!" sabi ni Lianne. Tinaasan ko lang siya ng kilay, tumawa naman siya.

"Oo nga, hindi ka na namin makasama. Wala ka man lang bang social life?"

"Hays. Kahit anong pilit niyo sa akin, hindi ako sasama. Kayo na lang, basta mag-ingat kayo pag-uwi."

"Aw sad." sabay-sabay nilang lahat. Umiling na lang ako at tinalikuran sila. Kumaway muna ako at tuluyan ng naglakad palayo.

Hindi naman kailangan sa buhay ang pagbabar na iyan. Maraming way para maging enjoy ang buhay. Kahit pa walang party party na ganyan. Aksayado lang sa oras pati na rin sa pera.

"Hoy! Hintayin niyo nga akooo!" napatingin ako sa sumigaw, sila pala. Ang tatlong itlog.

"Saan punta natin ngayon, mga Brad?" tanong ng pinakamaliit sa kanila.

"Saan pa? Edi mag-iimbestiga?" sagot naman ng malaki ilong.

"Mag-iimbestiga? Paano?" nagtago ako sa may poste kasi lumingon-lingon sila.

"Susundan natin 'yung kahawig ni Ania. Malay niyo ba siya si Lexie?" bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Sino ba 'yon at sa twing naririnig ko pangalan niya. Dumadagundong ang puso ko. Kilala ko ba siya?

"Sigurado ba kayo d'yan?" pag-aalinlangan ni Jules. Inakbayan naman siya ni Brent at tumingin-tingin sa paligid. May binubulong siya, sayang hindi ko marinig.

"O ayan na siya! Huwag kayong pahalata!" sabi ni Claude, nakita ko naman 'yung babaeng lumabas ng gate. Maganda siya, baka naman iba ang gagawin ng tatlong 'to. Baka naman may masama lang silang balak dito? Hindi kaya?

"Tara sundan na natin!" sambit ni Brent. Naglalakad na 'yung babae at nakasunod lang silang tatlo. Akala ko ba hindi sila papahalata, e halatang halata sila sa mga pinaggagawa nila.

Patago-tago sa bawat kantong madaanan tapos nagkakabungguan pa. Pati ibang tao, pinagtitinginan na sila. Ang tatanga!

Pero bakit nga ba nakasunod din ako? Letse!

"Ano? Nahalata na ba tayo?"

"Mukhang hindi pa naman! Tuloy lang!" nakatago lang din ako habang pinapakinggan sila. Iyong iba nga lang nilang usapan hindi ko marinig.

"Aling Nena, pabili nga po ako nito at ito na rin." Turo ng babae doon sa mansanas at orange. "Tatlo lang po ng orange at isang mansanas para sa mga sumusunod sa akin." Hala! Nahalata niya na, sabi na nga ba e.

Tumalikod na ako at aktong uuwi na dahil padilim na rin ng biglang humangin ng malakas. Nagtauban lahat ng paninda sa bawat gilid ng kalsada. May bagyo ba?

"Anong nangyari?" labas ng tatlo, napalingon ako sa kanila na nagtataka sa nangyayari. Maging ako rin talaga nagtataka?

"Oo nga, may kalaban ba?" nagtakbuhan ang mga tao, kanya-kanyang tago sa bahay. Nag-umpisa na ring dumilim.

"Anong nangyayari? Sabi na nga ba, sinusundan niyo ako! Hmm." turo ng babae sa kanilang tatlo.

"Akala ko ba hindi tayo nahahalata, Brent."

"Sorry naman! Hindi ko akalaing may mata siya sa liko--"

"Ugok!" Sapok sa kanya ng babae, hindi ko alam pero napatingin na lang ako sa palad ko, maging may kakaiba akong naramdaman sa ilong at noo ko.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon