Disisais

166 6 0
                                    

---

"Bakit ba kamo?" aniya. Nagulat ako syempre, binabasa niya ang iniisip ko. "Ofcourse, babe. I'm a vampire Queen." napalunok na lang ako.

Paano ko kaya mapipigilang hindi mag-isip? Tarantado pa naman minsan ang pag-iisip ko, masyadong maldita.

Tumawa naman ang Queen nila, napalunok na lang ako at napatungo. Ayoko na, tama na ang pag-iisip ng kung ano-ano.

Pababa na siya dito sa amin, napaurong naman ako bahagya. Sinalubong naman siya ng Xy ang pangalan, ayon sa narinig ko.

"At dahil sa wala pa naman kayong balita tungkol sa hinahanap natin. Nais ko munang ipamahagi sa inyo ang inyong mga gagamiting sandata para labanan ang kampon ni Van." lingon niya sa pito pati sa akin.

Nakasunod lang kami sa kanya hanggang sa makapunta kami sa isang malaking kwarto. Pero bago 'yon nadaanan muna namin ang mga creepy na bagay tulad ng estatwang Dragon, mga golems, at kung ano-ano pa.

"Ikaw babae?" titig niya sa akin, "Dito ka na muna, hindi ka pwedeng pumasok." tumango na lang ako at napaurong sandali. Tinabihan naman ako ng mga katulong niya.

"Maghintay ka lang dito, panget the second. Babalik pa rin kaming buo at gwapo pa rin."

"Huh?" naguguluhan ako dito kay Brent.

"Huwag mo nga sabi siyang itulad kay Lexie. Tigil-tigilan mo nga iyan Brent! Tss."

"Oy parang nagpalit kayo ng ugali ah!?" ani Kurt.

"Hahaha sinabi mo pa." ani Jules bago sila pumasok sa loob. Naiwan na lang ako ditong mag-isa kasama mga katulong. Tahimik lang sila, napapanisan lang ako ng laway dito.

Hays.

---

Third person point of view.

Matapos nilang pumasok sa kwartong iyon ay bumukas ang mga lagayan ng iba't ibang sandata. Iba't ibang uri ang bumungad sa pito na nagpamangha sa kanila.

"Wow! May ganito pala dito?" Naaamaze na saad ni Kurt, dali-dali siyang lumapit doon at hinipo ang salamin na nakaharang dito.

"Oo nga Queen, sana dati mo pa 'to sinabi sa amin para naman nalabanan namin 'yung mga kalaba--"

"Ang mga sandatang ito ay hindi basta-basta lang ginagamit. Para lang ito sa mga bago nating kalaban, na kampon ni Van."

"Kung ganon, gawa nga ito sa silver?" tanong ni Xy.

"Yup! Gawa lahat ng ito sa silver, ang pantalo sa mga dating bampira ika nga nila. Pero mas moderno ang mga ito, hindi basta-basta ang pagkakagawa. Hindi mahahawakan ng sino man, hanggang hindi nagagawa ang ritwal na pakikipag-isa."

"Pakikipag-isa?" naguguluhang tanong naman ni Brent.

"Basta! Pumili na kayo at ng matapos na ito, para magawa na rin ang ritwal ng pakikipag-isa." Tumabi naman ang Queen sa isang tabi at hinayaang mamili ang pito.

"Heto ang akin--" Kanya-kanya nilang turo. Kay Brent ay ispada maging kay Alex, kay Jules ay baril, kay Claude ay pana maging kay Dylan, kay Kurt ay maliliit na kutsilyo na may kadena at kay Xy naman ay malaking bazooka.

"Nakapili na kayo ng kanya-kanya niyong sandata, nakakasigurado ba kayong 'yan na ang gusto niyo?"

"Opo!" sabay-sabay nilang sabi.

"Ngunit Queen, maaari bang idagdag ko na rin ang isang kutsilyo para may pang long distance at short distance weapon ako." Ani Xy.

"Maaari naman basta kaya mong ingatan ang lahat ng 'yan!" tumango lang ang binata. "So hawakan niyo ng lahat yan, tumayo kayo d'yan sa circle. Gagawin ko na ang ritwal para sa pakikipag-isa ninyo sa mga sandata niyo."

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon