Trenta 'y Cinco"Heto na ba talaga si Queen? Hindi ka naman nagbibiro Papa?" takang tanong ni Lexie sa ama pero todo pisil sa pisngi ng sanggol.
"Ang cute!! Ang sarap niyang kagatin! Yieee..nakakagigil.." dagdag niya pa.
"Hindi siya Cute, anak! Huwag kang palinlang sa sanggol niyang itsura. Isa pa rin siyang mapaghiganting reyna." nakunot naman noo niya sa nasabi ng ama.
"Paano mo naman 'yan nasabi, Papa? E talaga namang napakacute niya.." kurot niya sa pisngi ng reyna. Kung nakakasapak lang ang sanggol ay gagawin niya ito sa kaharap niya dahil talagang naiinis na siya sa ginagawa nitong pagpisil sa mukha niya.
"Basta! Hindi siya cute! Period.." todo iling naman ng ama niya. Tuloy naman siya sa pagpisil sa katawan ng reyna na talagang nayayamot na at gusto na siyang sabunutan.
"Anong balita na sa Euphoria palace?" sandal niya sa kuna ng sanggol at muling kaway at ngiti sa sanggol na nakasimangot.
"Ayon naman kay Tanda, maayos na ulit. Malaki lang talaga ang pinsala sa palasyo. Tiyak na magwawala yan 'pag bumalik na 'yan sa dati niyang anyo."
"Ha? Babalik pa si Queen sa dati?" tumango naman ang kanyang ama.
"Sana huwag na la---" umiyak ang sanggol na ikinagulat niya. Natawa naman ang kanyang ama at napatayo.
"Huwag mong sasambitin 'yan, tignan mo nagagalit sa'yo ang bruha."
"Baka naman gutom siya, Papa?" Kinuha niya ang tsupon at isinuksok sa bibig ni Queen. Nais naman ng sanggol na higitin ang buhok ni Lexie pero sumablay siya kaya napasimangot na lang siya.
"Para siyang tsanak!" iling pa ng ama ni Lexie.
"Grabe ka naman kay Queen. Huwag mong ikailang nagustuhan mo rin siya dati.." nasamid naman parehas ang sanggol at kanyang ama. Nagkunwari na lang tulog si Queen habang nadede kahit na ayaw niya sa ganitong kalagayan.
"Kamusta na nga pala 'yung mga bugok? Nabalitaan na ba nila ang nangyari sa Euphoria?"
"Mukhang hindi pa? Lalo't hindi naman nila nakokontak ngayon si Queen. Mabuti pang bumalik na ako sa Academy, mukhang may nangangailangan ng tulong ko doon."
"Aalis ka na agad? Namimiss ko pa ang Mama mo?"
"Hindi ako si Mama! Kamukha ko lang siya. Aalis na ako, bantayan mo si Baby ha? Papa?"
"Ha? Ako na nama--" hindi niya na pinatapos ang ama at tuluyan na siyang naglaho na parang bula sa harapan nito. Napakamot naman ang ama at napatingin kay Queen na isang sanggol.
"Kailan ba babalik ang kapangyarihan mo?" kamot niya sabay iling.
---
"Hindi ko na makontak si Queen, ano na kayang nangyari sa kanya?" tanong ni Shiloh sa mga kaibigan.
"Nakakapagtaka nga! Pati rin ang mga ibinigay niya sa ating sandata, tila unti-unti itong naglalaho." sambit naman ni Jules.
"May nangyari kaya sa kanya? Puntahan kaya natin?" pag-aalalang mungkahi ni Dylan.
"Ngunit bawal pa tayong bumalik lalo't may seal ito. Hindi na tayo makakabalik dito sa mundong ito sa oras na bumalik tayo. Isipin niyo, hindi pa natin nagagawa ang mga dapat nating gawin. Ni hindi pa natin nakikita ang tunay na prinsesa." seryosong sabi ni Xy.
"Tama si Xy. Hangga't wala pa tayong nagagawa, hindi pa tayo pwedeng bumalik. Ayokong umuwing bigo na naman ako, tayo. Nakakasawa na!" ani Alex. Nagtanguhan na lang ang lahat. May punto talaga ang sinabi ng dalawa.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire