Vente Doz

136 7 1
                                    


---

"Si Yuki! Mabuti pa, puntahan ko na siya. Sigurado akong naguguluhan 'yun sa mga nangyayari sa kanya." tinalikuran niya na ang lahat at tuluyan ng umalis.

"Pasensya na, I admit it, naging feelingera ako pagdating sa marka-marka na 'yan. But still don't say bad things to me, Dylan. You don't know me well. Pinapakain mo ba ako para sabihing feelingera tsaka ako ba? Ako ba ang may sabing ako si Lexie? Hindi ba't sila?"

"Ang dami mong sinabi! Bungangera ka talagaaa!" sigaw ni Dylan dito. Nag-init naman ang ulo ni Riezel.

"Anong karapatan mo para sigawan ako? Baka tampalin kita d'yan, makita mooo!" hamba niya dito.

"O sige, halika dito! Hindi kita uurungan, lapit ditooo!" pag-aaya pa nito ng suntukan.

"Aba't talagaang---" humarang naman si Xyruz sa dalawa.

"Tama na nga 'yan, ba't hindi na lang natin alamin kung paano niyo nakuha 'yang ganyang mga abilidad?"

"Xy has a point, I want to know it too, kung bakit ako may ganito? At bakit ako pa?" tanong ni Xiel habang napapatingin kay Brent.

Did she wish na sana nga siya na lang si Lexie? Agad niya namang binura iyon sa isipan. At muling ibinaling ang tingin kay Jules at Brent na nag-uusap. Nabaling naman ang tingin sa kanya ni Brent na binigyan siya ng matamis na ngiti.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, natigil lamang iyon ng bahagya siyang madanggi ni Riezel na busangot ang mukha.

"Bakit ako pa kasi ang may ganitong marka? Hays.." reklamo nito. "Sabihin mo nga sa akin, ibig din bang sabihin nito na makakasama natin sila hanggang hindi pa natin alam ang dahilan nang pagkakaroon nito?" pagtango naman ang itinugon ni Xiel. "Fvck! Can I curse the whole world?"

"Mabait naman siguro sila?" taas kilay na tanong ni Xiel. "Admit it, niligtas nila tayo sa mga bampira noon?"

"Ah! Yeah! Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Sadyang naaalibadbaran lang talaga ako sa lalaking 'yon." turo niya kay Dylan na dumila sa kanya. "Aaah! O 'di ba deputa! Bwiset talaga ee! Hindi ko alam kung matatagalan ko siya. Sht!"

"Gwapo naman siya."

"Bulag ka ba? Saang banda ang gwapo d'yan?" nagpogi sign naman si Dylan at nagpacute pa sabay dila muli dito. "Fvckening tape! Sana malaman na kaagad 'to! Ayoko siyang makasama ng matagal!"

"Sure naman akong malalaman din natin ang totoo basta ang alam ko lang mag-iingat tayo."

"You're right! Ano pa kayang mga ability natin, nakuha kaya natin ito doon sa sinasabi nilang Lexie?" napatingin naman si Xiel sa palad niya.

"Mukhang sa kanya nga.. Ano kayang itsura niya noh?"

"Wala akong pakialam, basta matapos lang 'to. Yan ang mas mahalaga!" napatango na lang si Xiel. Bigla namang sumulpot si Shiloh at inakbayan si Xy habang hawak ang isang libro.

"Xy! May nabasa ako dit---ow?" nashook siya dahil sama-sama ang anim tapos may kasama pang dalawang babae. "Bakit kayo nanditong lahat, tapos ikaw Xiel? Kumusta?"

"Shiloh?"

"Yup! Nakalimutan mo ba?" todo iling naman si Xiel. "Mabuti naman, so bale Xy, may nalaman ako sa librong ito about sa mga tatak na tumubo sa katawan ni Xie--"

"Ano 'yon?" mabilis na tanong ni Riezel. Napabitaw naman si Shiloh sa pagkakaakbay sa matalik na kaibigan.

"Sino ka?"

"Ahm! Isa rin ako sa mga may tatak na ganyan, so please, I need to know what's the meaning of this mark?" taas niya bahagya ng blouse niya. Napatakip naman ng mata si Shiloh.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon