---
Unti-unting nagbago ang anyo niya habang papalapit sa kwarto. Naging puti ang kanina'y itim niyang buhok, nawala ang peklat niya sa mukha at nagkaroon siya ng buntot ng puting lobo, lumabas rin ang mahahaba niyang tainga at tumilos ang mga kuko ngunit sa anyo pa ring tao.
Pagtuntong niya pa lang sa pinto ay mabilis siyang umigtad patungo sa tatlong dalaga. Kitang-kita niya ang pagliliwanag ng mga marka nito sa katawan. Amoy na amoy niya ang kapangyarihan nito na sinisimsim niya ng maigi.
Kinuha niya ang matulis na patalim sa kanyang damit at itinutok sa maamong mukha ni Yuki maging sa dalawa pang dalaga.
"Pasensya na kayo, kailangan ko kayong patayin para makuha ko ang mga kapangyarihan niyo. Para--para matalo ko na si Vlad, para.." tumawa siya pero pigil. Itinaas niya ang patalim at isasaksak na sa puso ni Yuki ng may sibat na tumama sa kamay niya at nabitawan niya ang matulis na patalim.
Napatingin siya sa may pintuan nang makita niya ang nakahood na babae.
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang makuha ang mga kapangyarihan nila.."
"Wag ka ng makialam dito, pabayaan mo na lang akooo!" sigaw nito na nagpagising kay Brent. Ngumisi lang ang nakahoodie'ng dalaga at mabilis na parang kidlat ay nasa tabi na niya ito.
"Ang ingay mo naman e.." niyakap niya si Hya at parang bula silang naglaho. Nagkusot pa ng mata si Brent at inilibot ang paningin sa buong kwarto.
"Panaginip lang ba iyon?" tanong niya sa sarili at napatingin sa bintana. Umihip ang hangin at sumabay sa pag-ihip ang kulay puting kurtina.
Sinipa naman siya ni Alex matapos ring magising nito dahil sa ingay. Napakamot pa ito at sumimangot ngunit muli ring natulog.
"Nakatulog na pala ako kakaisip kung paano ko ibabalik 'yung dati kung paano niya ako unang nakilala. Masyado kasing OA para sa akin ang mga ginagawa ko, naaalibadbaran ako." kamot niya sa ulo.
---
Kinaumagahan.
"Bakit kaya ang sakit ng ulo ko, para akong nag-inom ng alak tapos nalasing ng sobra!?" himas ni Riez sa sentido niya.
"Ganon rin ang pakiramdam ko, tapos hindi ko pa namalayang nakatulog na pala ako." ani Yuki.
"Hindi kaya may pampatulog 'yung pagkaing binagay ni Hya sa atin?" tanong ni Xiel kaya napaisip si Xy sa mga nabanggit ni Shiloh sa kanya kagabi.
"Siya nga pala, nakita niyo ba si Shiloh? Napansin niyo ba siya?" tanong niya pero tanging iling lang ang naging tugon ng lahat.
"Hindi ko naman siya nakita dito kagabi.." sambit ni Brent. Napatingin sa kanya ang lahat.
"Ibig sabihin nagising ka kagabi?" tanong ni Xyrus.
"Oo, bakit?" napaisip pa siya. Sumagi sa isip niya na hindi ito kumain ng kinain nila kagabi.
"Aaaah.." napalingon ang lahat sa nagsalita, "ang sakit ng ulo ko, parang may tumutusok na kung anoo.." nanlaki pa ang mata ng lahat.
"Hyacinth??" nasambit ng lahat. Nagtaka naman si Hya dahil sa sabay-sabay na tawag sa kanya ng magkakaibigan.
"Ha? Bakit? May problema ba?" naguguluhan niyang tanong.
"Nakatulog ka rin?" tanong ni Riez. Napaisip naman si Hya at nasapo ang ulo.
"Wala akong maalala kung anong nangyari kagabi, may nangyari bang masama kaya ganyan kayo makatingin sa akin?"
"Ah wala naman, pero sabi mo nga wala kang naaalala. Hindi mo ba naalala na binigyan mo kami ng cake kagabi?" tanong ni Riez.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire