--
"Jowa mo 'yun noh?" dikit ni Lee kay Lexie na nakasilip sa may pintuan. Itinulak naman n'ya ito at naupo na sa kanyang swivel chair. Nagtaas ang kilay niya ng sulyapan ang presidente.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito?"
"Uy.. chill lang, tumataas na naman ang dugo mo. Hindi ka ba masaya hinatid ka ng jowam.."
"Stop! So ano nga kasing kailangan mo at nandito ka na naman?" taas kilay n'ya habang tinutuktok ang mga daliri sa mesa. Nangiwi naman ang binata sa ginagawa niya.
"Wala naman! I just want to annoy you.." nabato naman siya ni Lexie ng nahawakan nitong ballpen pero nasambot niya lang ito. "Hindi ka na mabiro, napakamainitin talaga ng ulo mo!"
"Nagtaka ka pa, because of your kahambugan, kaya ako naiinis." gigil niya na ikinatawa ng binata. "What's funny?"
"Oopss. Wala, natawa lang ako.." sobrang gigil na si Lexie kaya napatikhim lang siya. "O heto, seryoso na ako.. nakita mo ba si Queen, hindi ko siya nakita bago ako umalis sa Euphoria?"
"Oo nga pala!!" biglang tayo nito. "Bakit wala kang alam sa nangyari sa Euphoria, saan ka na naman ba nagpuntang ugok ka?"
"What? Ugooook? How could you?"
"Tumigil kaaa! Sagutin mo ang tanong kooo!?" natuliro naman si Lee.
"Ba--bakit? Ano--ano bang nangyari?"
"UGOK!"
"WHA---How dare you to called me Ugok?" pout nito. "Nagpunta lang naman ako sa bundok ng Lost City, may hinanap lang ako doon tapos pagbalik ko. Wala na si Queen, so masaya ka na? Alam mo ba kung bakit?"
"Sabihin mo, naghanap ka na naman ng babae mo.." iling ni Lexie. Napailing naman si Lyn dahil sa ingay ng dalawa.
"So ano naman sa'yo, girl friend ba kita?"
"Ugok ka talaga! Sino namang gugustuhing maging boyfriend ka?"
"Aba! Hinahamon mo ba akooo?" tinaasan lang siya ng kilay ni Lexie. Napaangil na lang siya. "Halos lahat kaya ng babae dito, type nv kagwapuhan ko.." mahinang sambit niya.
"Bakit ba may kagayang-kagaya ka ng pag-uugali na ikinaiirita ko ng sobra?"
"Sabihin mo lang kasi nagagwapuhan ka rin sa akin?" taas baba ng kilay niya sabay kindat kay Lexie na naduak naman.
"Potaena! Mapapamura na lang talaga ako! Potangna talagaaa!" iling niya. Hindi na natapos ang palitan nila ng maaanghang na salita nang nagpasyang lumabas muna si Lyn. Napansin niya naman na may nagtago sa pasilyo kaya agad niyang pinuntahan ito.
"Huli kaaa!" pero wala siyang nakita, pero narinig niya na lang ang pagkalabog sa isang kwarto kaya agad siyang pumunta doon. Pagbukas niya ay nakita niya ang nagkalat na mga walis at tambo sa sahig.
Pinakiramdaman niya ang buong kwarto ng maramdaman niya ang presensya ng hinahanap niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon.
"Sino kaaa?" Tatayo sana si Brent ngunit nakalimutan niyang nasa ilalim pala siya ng mesa. Nauntog siya na ikinatawa naman ni Lyn.
"Ouch.." himas niya sa ulo paglabas sa may mesa. "Pasensya na, hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila.." palungkot na pagpapaliwanag niya.
"Nagseselos ka ano?" turo ni Lyn kay Brent. Nakatungo lang si Brent habang ngiting-ngiti naman siya.
"A--ano? Pwede bang magtanong?" tingin niya ng deretso dito. Tumango lang si Lyn, "Sila na ba? May relasyon ba sila? Gaano na sila katagal magkakilala? Naging sila ba?"
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire