Vente CincoMabilis silang nagtungo sa paaralan para kausapin pa ang dalawang dalaga. Hinanap nila ito sa buong campus.
"Nakita mo ba si Riez?" tanong ni Xy sa nakasalubong niyang kaklase. Napaisip naman ito at tinuro ang patungong music room.
"Salamat.." Si Brent na ang sumagot dito, simpleng pormahan na ang kanilang mga suot kaya lahat ng nadaraanan nila ay natutulala.
"Sino ba sila? Mga celebrity ba sila?"
"Pota! Ang gagwapo!" tili ng mga ito. Napansin naman ng dalawa ang suot nila kaya napailing na lang sila.
"Bakit pa tayo magpapanggap? Kilala na rin naman tayo ng mga kalaban!?" saad ni Brent na sinang-ayunan ni Xy.
"Dalian na natin.." tumango lang siya dito at mabilis nilang tinakbo ang patungong music room habang nagtitilian sa kanila ang ibang kababaihan.
"Iba talaga kapag gwapo." ani Brent, nabatukan naman siya ng kaibigan.
"Simula ka na naman, kaya ka iniiwanan ng mga babaeng mahal mo e...pero joke lang 'yon." tapik niya kay Brent.
"Alam ko namang joke lang 'yon kaya nga babalikan ako ni Lexie, hindi ba? Hindi lang sa ngayon pero soo.."
"Anong ginagawa niyo dito?" habang dala ni Riezel ang harmonika. Bigla naman siyang hinawakan ni Brent.
"Halika na, kailangan mong sumama sa amin Ania?!"
"Fck! Bitawan mo nga akooo!" singhal niya dito sabay hila ng kamay niya. "For your info na rin, paulit-ulit na lang! Hindi ako si Ania and I'm sorry pero hindi ako sasama sa inyo. I'm not crazy para sumama sa mga katulad niyo." kinatitigan ng dalawa ang kanilang mga sarili.
"Grabe ka naman sa amin, ang harsh mo!" maktol ni Brent pero hindi na siya pinansin ni Riez at nagtuloy na ito sa pag-alis.
Nasapo naman si Xy ang kanyang ulo sabay ang pag-iling. Hindi niya talaga ma-carried away ang mga babae. Sakit talaga sila sa ulo kahit hindi niya ramdam iyon ay parang nararamdaman niya na.
"Hoy babae! Sumama ka na sa amin, kung ayaw mong mapahamak. Pwes, sumama ka na sa amin!" sigaw ni Dylan. Napalingon naman silang lahat doon.
"Baka sa inyo pa ako mapahamak, 'yun ang sabihin mo!" pagtataray nito. Mabilis namang lumapit sa kanya si Dylan.
"Kung hindi ka lang talaga babae...ays!!" gigil at pigil ni Dy sa sarili. Pinakalma niya ang sarili bago muling nagsalita. "Kung ayaw mong makuha ng mga bampirang dating tumangay sa'yo, pwes you don't had a choice! Come with us or else you're become their food." napalunok pa si Riez.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa'yoo?" napabuga naman si Dy.
"E'di huwag kang maniwala! Halika na nga kayoo guys..." baling niya kila Brent. Paalis na sila nang maisip-isip ng dalaga na may punto ang mga ito.
"SANDALIII!" tawag niya dito, napalingon naman ang mga ito. Mabilis siyang lumapit sa mga binata.
"Anong kailangan ng isang matigas ang ulong babae sa amin?" nasiko naman ni Xy si Dylan. Lumunok naman si Riez bago nagsalita.
"Okay sige, sasama na ako basta walang gagawing masama ang lalaking ito sa akin." turo niya kay Dylan.
"As if namang may gagawin ako sa'yo, hindi nga kita type! Mahiya ka naman sa balat mo?"
"Tama na 'yan Dy, baka magbago pa isip niya tapos ikaw madevelop pa?" nakwelyuhan niya naman si Brent.
"Anong sabi mo?" binatukan na siya ni Xy.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire