---
47
---
Kinabukasan.
Maagang nagising si Riez, tumayo agad siya sa kanyang kama at nagtungo sa labas kahit na hindi pa man lang nakakapagmumog at hilamos.
"Babae ka ba talaga?" napalingon siya sa nagsalita. Tumaas kaagad ang kaliwa niyang kilay at sarkastikong nginitian ito.
"Hindi ba halatang babae ako? Hindi mo ba nakita ito?" dakma niya sa flat niyang na dibdib. Si Dylan naman ang nahiya sa mga ginawa n'ya kaya natakpan nito ang mga mata.
"Susmaryosep! Mahiya ka nga sa ginagawa mo, wala namang mahahawakan diyan! Huwag mo na ipangalandakan!"
"Gago! Ikaw 'tong pasulput-sulpot sa likuran ko tapos kung ano-anong sasabihin mo sa akin tapos ganyan ka?"
"Hindi ko lang kasi kaya na umalis ka mag-isa, alam kong hindi ka nagbibiro sa sinabi mong hahanapin mo si Yuki."
"May concern ka rin pala sa akin?"
"Syempre.." ngiti nito.
"Yuck! Ikaw ba 'yan?" napaismid naman si Dylan.
"Minsan na lang ako mabait sa'yo kaya huwag ka ng umangal pa!!" singhal niya na ikinatawa naman ni Riez.
"O siya, halika na.." alis niya ng hawakan ni Dylan ang buhok niya. "Araaay! Problema mo?"
"Yung itsura mo ang problema ko, mag-ayos ka muna?" nguso nito direksyon patungo sa kwarto ni Riez. Natawa lang siya at tinapik ang balikat ni Dylan.
Bumalik siya sa kwarto, naghilamos, nagsipilyo at ipinuson ang mahabang buhok na hindi man lang sinuklay. Inayos ang gusot na damit at lumabas na ng kwarto. Nakasandal naman si Dylan sa tabi ng pinto habang hinihintay siya.
"Talagang sasamahan mo ako?" ngiti niya.
"Oo, sinabi ko na nga, hindi ba?" napatango na lang si Riez habang nakasunod sa kanya si Dylan. "Tanong ko lang, saan ka magsisimula? May alam ka ba kung paano natin siya makikita?" napatigil naman sa paglalakad si Riez.
"Wala, wala akong plano, wala akong alam kung paano tayo magsisimula." nasapo na lang ni Dylan ang kanyang noo dahil sa pagkadismaya.
"Wala ka bang alam na pinupuntahan niya?" tanging iling lang ang naisagot niya. "Haaaays! Paano tayo maghahanap niyan? Wala tayong konkretong plano, ang tingin mo lang ba naglalaro tayo ng tagu-taguan?"
"Bakit ka nagagalit? Ako ba ang gumusto na samahan mo ako? Pwede ka namang umalis, kung ngayon pa lang puro ka na reklamoo! Reklamador ka talagaaaa!" singhal niya.
"Okay. Okay sorry na, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. O paano na ba talaga?"
"Hindi ko nga alam!" nakita naman ni Riez si Kurt na paalis. "KURT!?" sigaw niya. Napalingon naman ito sa kanila. Kumaway ito at lumapit naman sila dito.
"Saan ka pupunta Brad?" tanong ni Dylan. Napatungo naman si Kurt at mapait ang mga ngiti. Mahinang sinuntok ni Riez ang dibdib nito.
"Tigilan mo na nga 'yang pagsisi sa sarili mo, Kurt! Wala namang may gustong mangyari ito kaya cheer up na, mahahanap natin siya. Magtiwala ka lang."
"Oo nga naman. Ginagawa naman natin ang lahat so positive lang, mahahanap natin si Yuki." sang-ayon ni Dylan.
"First-time mo atang sumang-ayon sa akin?" ngisi nito.
"Siyempre ngayon ka lang nagsabi ng may sense."
"Anoooo?" nangiti naman si Kurt.
Hinawakan niya naman ang ulo ni Riez. At agad naman itong inalis ng dalaga.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire