Vente OtsoNamangha ang tatlo sa kanilang masilayan mula ng bumungad sila sa isang malaking paaralan. Tila nahahawig ito sa paaralan ng nababasa nilang libro.
"Nasa pelikula ba tayo ng Harry Potter?" galaw ni Yuki sa salamin niya. Naexcite naman ang dalawa sa narinig.
"Kung ganon, sa eskwelahan bang ito, nagtuturo sila ng mahika?" tanong ni Xiel, todo tango naman si Riez.
"Mga sira! Simple lang na paaralan ito, ano ba 'yang pinagsasabi niyong mahika-mahika? Ayon lang sa nakalap kong impormasyon mula kay internet. Ang bagong nagmamay-ari nito ay mahilig lang sa mga babasahin tulad ng sinabi mo nga, Yuki. Kaya siguro, ibinase niya ang ang buong disenyo ng school katulad na nga ng nasambit mo."
"Ay gano'n? Akala ko pa naman may magic-magic na dito, tapos may labanan ng powers?"
"Gaga! Hindi 'to anime? Real life ito ateng! Pero.." natigilan siya kaya naman napatingin sa kanya ang tatlo habang sunod-sunod ang paglunok.
"Pero..?" tanong ng tatlo na nabitin.
"Syempre kakaiba rin dito kasi nga.."
"Sabi na nga ba e!" hahol ni Riez. "May mga halimaw dito, something gano'n?"
"Slight? Hindi ba't tingin ng ibang tao sa mga bampira ay halimaw? So parang tama ka rin sa mga sinabi mo, may mga bampirang pumapasok sa eskwelahang ito at pili lang ang mga taong napipili." napalunok muli ang tatlo.
"Paano kami makakapasok d'yan? Hindi naman kami bampira?" tanong ni Riez. "And I'm sorry but I didn't mean na sinabi kong porke't may halimaw, mga bampira na? It was like parang mga halimaw talaga, yung mga higanteng nakakatakot ang mukha."
"No worries, walang ganiyan dito. Ang hilig niyo kasi sa mga fiction stories kaya kung ano-anong nasasabi niyo."
"Akala ko fiction lang rin ang mga vampires then now? BOOM! I SAW A REAL VAMPIRES!" sigaw pa ni Xiel. Nagtanguhan naman ang dalawa niyang kasamang tao.
Habang nag-uusap sila, hindi nila napapansin na pinapanood na pala sila sa monitor ng SSG President ng buong school sa sariling office nito. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng pumasok ang isang dalaga mula sa kanyang pinto.
"We have a new students, President. Is they're qualified to be part of our school or patatalsikin ko sila, gaya ng iba?"
"Don't do that. Give them a warm welcome, secretary Lim."
"Masusunod President." bow nito tsaka tuluyang umalis. Tumayo ang President mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at nilapitan ang isang kwadradong lalagyan na pilak.
"They're back, My Prince.." ngisi niya muli at kumislap ang diamond bracelet na suot niya. Pati ang tatak na nasa may batok niya ay nagliwanag.
--
Nagbukas naman ang malawak na gate sa harapan ng apat na dalaga. Nagkangitian pa sila bago tuluyang pumasok dito. Lalo silang namangha sa paligid, napakalawak at punong-puno ng magagandang halaman at namumukadkad ang mga bulaklak. Tila nakapasok ka sa isang fairy tale stories.
"Totoo ba talaga 'to o imahinasyon ko lang?" tanong ni Yuki na pinupunasan pa ang salamin.
"Sapakin mo nga ako, Pota! Panaginip lang ito e!" ani Riez. Binatukan naman siya ni Shiloh.
"Hindi ko akalain ang laki ng ipinagbago nito, nakakapanibago." manghang-mangha niya ring turan.
"Para bang nakapasok tayo sa lugar na likha lamang ng imahinasyon ng isang nilalang na hindi natin kilala?" sambit ni Xiel. Nagtanguhan pa ang tatlo.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire