Trenta y' otsoNaalimpungatan siya dahil sa nakatalukbong na sa kanyang kumot. Agad siyang napaupo mula sa pagkakahiga at inamoy ang kumot. Bigla na lang siyang napangiti, kilalang-kilala niya ang amoy.
"Amoy panis na laway. Yuck!" tawa niya ng bahagya. "Pero joke lang 'yon, namimiss na kita Panget." aniya. Tumayo na siya at itinalukbong ang kumot sa ulo bago pumasok ng building.
"Talagang sa kanya pa rin umiikot ang iyong mundo, aking mahal na prinsesa." iling ni Lyn habang nakangiti kay Lexie.
"Ano? Hindi ah! Concern lang ako, baka lamigin siya."
"Concern meaning mahal mo pa siya.."
"Hindi ganoon 'yon! Huwag kang mag-hallucinate d'yan." tumawa lang si Lyn na parang nakakaloko. Napailing na lang si Lexie at napangiti.
Dumating ang bukang liwayway, ito nga pala 'yung araw kung saan magtitipon lahat ng estudyante sa court para sa kanyang anunsyo tungkol sa nalalapit na pagdiriwang.
Tinatamad pa siyang tumayo pero anong magagawa niya. Kailangan niyang magpakastrikta kahit na pagod na pagod na siya sa ganoong set up.
"Ano nga palang nangyari kagabi?"
"Narinig ko lang rin, may isang bangkay daw ng tao d"yan sa likod ng arts building. Mukhang bampira ang gumawa pero nakakapagtaka kasi parang halimaw dahil sabi nila, para daw mapuputol na ang leeg ng kawawang babae."
"WTF! Nakakatakot naman, sino namang gagawa dito sa atin ng ganyan?"
"Hindi ko rin alam, simula lang naman 'to ng dumating 'yung mga outsider na 'yon."
"Sa tingin ko sila ang may kasalanan n'on."
"Shut the fuck up! May alam ba talaga kayo o puro hokus pokus mga sagap sagap lang na balita at sari-saring chismis lang 'yan na narinig niyo sa iba?" singhal ni Lexie sa mga ito.
"Sorry po, Ms.President." inirapan niya ito at nagtuloy na palabas. Maraming mga nagbubulungan, nakakabingi dahil rinig niya lahat ang mga nasa isip nito. Napahinto siya at pinagtitignan ang lahat.
"Stop being delusional! Wala pa kayong proof so huwag muna kayong magjudge based on what you hear, magbase kayo sa kung nakita niyo talaga? Is that clear, anyone?" kibit balikat habang nakapikit at naiinis niya ng sabi. Tila tumataas na ang lahat ng dugo sa kanyang ulo.
Nanahimik naman ang lahat, dumating na rin ang magkakaibigan na kanina lang ay pinag-uusapan. Nashock din sila nang makitang buhat buhat ng ilang kabataan ang katawan ng patay na dalaga.
"Shit! Anong nangyari sa kanya?" gulat ni Riez, napapulupot naman sa braso niya si Yuki. Walang gustong tumingin pero nakakabahala talaga ang itsura nito.
"Kagagawan 'to ng mga lahi nila." napaisip naman si Riez.
"Tama! I think ang mga oldies vampires na 'yun ang may kasalanan niyan."
"Pero bakit dito, akala ko ba ligtas tayo dito?" sambit ni Yuki.
"Wala namang lugar na ligtas, lahat pwede silang makapunta dahil alam naman nating malalakas sila." tugon ni Brent.
"So what can we do?"
"Mag-ingat! That is all we can do as of now." sabat ni Lexie habang palapit sa kanila. Kinuha niya ang dyamante at agad na nilapitan ang dalaga.
Nakatingin lang sa kanya ang lahat. Habang nasa likod niya si Lyn.
"Magsilayo muna kayo, I will purifying her body and soul bago pa siy---" ngunit sa hindi niya inaakala, bigla na lang nagbago ang dalaga at nabuhay ito na parang halimaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/147572032-288-k576118.jpg)
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire