Trenta 'y Quatro
Ilang araw na silang namamalagi sa club nila. Payag naman si Hya habang wala pa silang contact kay Queen. Hindi nila alam kung bakit nawalan sila ng connection dito. At iyon ang labis nilang ipinagtatakha.
"Brent, ayos na ba talaga 'yang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit or something?" aligagang tanong ni Xiel kay Brent na nakaupo sa damuhan habang nanonood sa mga nagsosoccer sa field.
"Wala na! Huwag ka ng mag-alala sa akin! Ayos na ayos na ako." ngisi niya sa dalaga pero pag-aalala pa rin ang isinukli sa kanya ng dalaga bagkos sinisisi pa rin nito ang sarili.
"Kasi.."
"Haaays!" tayo ni Brent at hawak sa magkabilang balikat ni Xiel. "Okay na okay na ako, isang linggo na rin ang nakalipas Xiel. I am totally fine." ngiti niya dito sabay pitik sa noo.
"Nice! What a lovely couple?" palakpak ni Lexie na papalapit sa kanila. Mapait ang ngiti niya habang nakatingin sa dalawa.
"Ang sweet niyo naman! Sana naging ganyan ka rin dati sa akin, haays! Kaso you're so unfair nga talaga. Mas mahal mo pa kasi si Yana noon compare sa aki--"
"Don't ever mention her name again!" giit ni Brent. Nainis naman si Lexie at nakagat ang labi.
"At bakit? Kaibigan ko si Yan---"
"I SAID NEVER MENTION HER NAME AGAIN! HINDI PA AKO NANINIWALANG IKAW TALAGA SI LEXIE! SO PLEASE, DON'T USE THEIR NAMES PARA IPAGPILITAN IKAW ANG BABAENG MINAHAL KO!"
"HAH!" singhal ni Lexie. "WHHHHY! WHAT THE HECK! FVCK! HOW COULD YOU SAY THAT I AM NOT YOUR LEXIE? Na hindi ako 'yung Lexie na nakilala niyo dati? Aha! Because I've changed a lot? Ganoon ba? Rude! Y'ALL ARE SO RUDE! THAT'S WHY I HATE Y'ALL!!" sigaw niya sabay walk out. Hinawakan naman ni Xiel ang balikat ng binata na nakatungo lang.
Kitang-kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Brent at pagkagat ng labi nito.
"Okay lang 'yan, Brent. Makikita niyo rin siya.." tinignan naman siya ni Brent.
"Nakita ko na siya Xiel pero hindi ko lang matanggap." naguluhan naman si Xiel.
"What do you mean?" nginitian lang siya ng binata at muling bumalik sa panonood.
Gitil na gitil na nasipa ni Lexie ang pader ng club nila ng makarating siya doon. Hinawakan naman sya ng secretary niya nang tignan niya ito.
"I known you've been hurt a long time ago. But you keep insists that you're not? Bakit mo ba ginagawa 'to Lexie?" ngumiti lang si Lexie at pinatahimik ang kaibigan.
"Huwag mong sabihin 'yan, baka may makarinig sa'yo. Lili." nagpalingon-lingon naman ang dalaga.
"Don't you worry, I used a shield spell para walang makarinig sa mga sasabihin ko. Sabi mo nga hindi ba, mag-ingat ako."
"Hmm. Mabuti ka pa marunong ka palaging mag-isip pero 'yung pitong 'yon. Lagi ko na lang silang babantayan isa-isa."
"Parehas matitigas ang ulo nila. Nababadtrip nga ako, gusto ko na silang sapakin sa pagbabalewala nila sa iyo!"
"Chill! Sino ba naman kasing matutuwa sa mga ginagawa ko, hindi ba?"
"Ano ba kasing palabas natin 'to?"
"Isang palabas para palabasin kung sino talaga ang tunay na nagpapanggap." ngiti niya ng mapansin nila ang isang estudyanteng padating.
Seryoso niya lang tinitigan ang tila inosenteng dalaga. Kitang-kita ang peklat nito sa mukha habang dala ang map at isang timba.
"Lilinisin ko na ba ang club niyo, Ms. Lexie?" ngumiti naman si Lexie at tumango. Hindi niya na naamoy ang umaalingasaw na masangsang na amoy nito na naamoy niya lang noong nakaraan.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampiroThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire