Syete

201 10 0
                                    

Syete

---

Jules point of view.

"Oy mga itlog, umuwi na tayoo!" sigaw ko sa dalawa. Tumingin lang sa akin si Brent.

"Hindi pa ako pwede, may practice daw kami."

"Gan'yan ka na naman, busy ka na naman Claud--"

"Mga gago kayo! Sino bang may gawa kung bakit nandito ako sa kalagayang ito."

"Siya!" turo ko kay Brent.

"Tangna mo pandak, binabaligtad mo na naman ako!"

"Para walang away, parehas kayo!" tumango na lang ako pero napansin kong tahimik na naman si Brent. Mukhang may problema ang kapal muks.

Kinuhit ko si Claude at tinuro ko ng nguso si Brent na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa harapan.

"Oy Bro? Seryoso natin ah." lapit sa kanya ni Claude.

"Naiisip ko 'yung kanina, sinong may gawa sa atin no'n? Iyong matanda ba o isa sa mga kaklase natin?"

"Paano mo nasabing isa sa mga kaklase natin? Sigurado akong 'yung matanda 'yon bukod pa sa siya ang nangangalaga do'n sa bulaklak. Sure na sure ako." sambit ko

"Pero--" nagkatinginan lang kami ni Claude sa pero'ng iyon ni Brent. Ano pa kayang nasa isip ng lokong 'to?

"Basta! 'Yung matanda 'yon, isa lang ang solusyon dito e. Sundan natin siya mamaya."

"Huwag niyo na lang gawin lalo't hindi ako makakasama!"

"Gagawin namin kahit hindi ka kasama." sang-ayon ni Brent sa akin.

"Bahala kayo! Masyadong mapanganib.. Hindi natin alam baka isa siya sa kalaban."

"Hindi natin makukumpirma 'yan hangga't hindi natin nakikita ng harap-harapan."

"Tangna! Huwag kayong padalos-dalos."

"Gawin natin, pandak?"

"Let's go!" tumunog ang bell, uwian na. Agad naming sinakbit ni Brent ang mga bag namin.

"Hindi niyo ba muna sasabihin ki'la Xy."

"Hindi na! Tsaka na lang 'pag nacomfirm na namin."

"Tss. Tigas talaga ng mga ulo." kamot ni Claude. Sabay na kaming lumabas ni Brent. Kapag may ginusto kami, dapat magawa namin.

"Saan natin hahanapin 'yung Lola nating advicer?"

"Hindi ko rin alam. Pero simulan natin sa garden."

"Sige."

"Sandaliii!!" sigaw na nagpalingon sa aming dalawa. Mabilis na lumapit sa amin si Claude.

"Bakit? Akala ko ba may practice ka Bro?"

"Bukas na lang 'yon, gusto kong sumama. Nahihiwagaan din kasi ako."

"Yan ang bro namin." akbay ko sa kanya.

"Tara naa." aya ni Brent, lakad lang naman ang ginawa namin hanggang sa garden. Nagtataka kami ni Brent dahil wala na ang esmeraldang nakatanim. Nalanta na rin lahat ng mga halamang bulaklak.

"Sigurado kayong dito 'yung garden, e mukha namang basurahan ito."

"Dito 'yon!" paninigurado ko. "Hindi ba, Brent. Dito 'yon!"

"Oo, dito nga 'yon. Pero bakit ganito na? Tila natuyo ang lahat, wala na 'yung magandang garden na nakita natin ng isang araw?"

Parehas-parehas kaming natahimik. Umihip ang malakas na hangin na nagdala ng ilang mga tuyong dahon sa ere. Nakakapagtaka naman ang eskwelahang ito.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon