---Nagulat ang lahat sa nakitang mga nakasabit at nakadikit sa blackboard nang magsimula ang klase.
"Sino namang naglagay niyan?" takang tanong ng mga magkakaklase.
"Puro kalokohan.." sambit pa ng iba.
"Amoy na amoy tuloy, sino bang--" pumasok naman ang magkakaibigan at nagulat pa sila sa nakita. Napatingin naman si Kurt kay Brent na nakapeace sign pa.
"Ano 'to?" bulong ni Kurt dito.
"Basta!" tipid na sagot niya.
"Panget?" pagkabasa ni Claude sa naubong salita sa blackboard. Napatingin siya kay Brent nang biglang pasok ni Lexie na temporary nilang guro.
"Ano 'to? Bakit ang daming sili?" napatikhim si Claude at gusto sanang tanggalin ang mga sili sa blackboard pero nahuli na siya dahil nabasa na ito ni Lexie.
"Panget?" natigilan pa si Lexie at dahan-dahang napatingin kay Brent na mayroong hawak sa likod na isang puting papel. Pero bago niya pa ito naitaas ay tinanggal na ni Lexie ang mga sili.
"Sandali.."
"Bakit? Ikaw ba ang may gawa nito? Nagsasayang ka ng pagkain, alam mo bang isang libo na ang presyo nito sa palengke tapos gagawin mo lang na ganito. Na wala namang kakwenta-kwentang bagay. Inaaksaya mo lang ang oras ko, imbis na magtuturo lang ako. Tatanggalin ko pa 'to!" napatungo naman si Brent sa mga narinig.
"Panget? Ano bang ginagawa mo Brent, akala mo ba siya si Lexie?" inis na tanong ni Xy dahil naiinis na rin siya sa mga pinagsasabi ni Lexie. "At ikaw, Ms. Rizon? Pagpasensyahan mo na ang ginawa ng kaibigan ko, kung wala itong kwenta para sa'yo pwes may kwenta ito kay Lexie. Alam ko kung makikita niya ito, matutuwa siya ng sobra kahit na akala ng iba 'yang panget na term na 'yan ay pambubully pero kay Lexie ito ay sweet na term na tawag ni Brent sa kanya. Kaya pasensya ka na, kami na lang ang magtatanggal para sa iyo." napangiti naman si Lexie habang nakatalikod sa kanilang lahat. Humarap siya at kunwari ay hindi natutuwa.
"Pwes, tanggalin niyong lahat kasi hindi ako natutuwa.." napatingin siya kay Brent na sobrang lungkot ng mga mata. Pinigil niya ang emosyon at inirapan ito.
Tinanggal naman ng magkakaibigan ang sili at kinuha iyon ni Riez.
"May kwenta kaya ang sili, iluluto ko 'to masarap pa.." aniya at umupo na sa kanyang upuan. Nagwalk out naman si Brent at gusto man pigilan ni Lexie ay pinigil niya ang sarili at ngumiti na sa lahat.
"Kung paiiralin niyo ang damdamin niyo, walang mangyayari sa inyo. So let's start our classes now.." nagsimula na silang magleksyon habang madapa-dapa pa si Brent sa hagdanan marating lang ang roof top.
Napahawak siya sa railings at doon hinabol ang paghinga. Sinapok niya ang sarili at pinakiramdaman ang tibok ng puso. Sumigaw siya ng may halong kasiyahan.
Parang nabubuang na talaga siya pero ganyan talaga ang nagmamahal.
"Ikaw nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Lexie, buhay kaaa!" nagtatalon pa siya na parang tanga. "Hindi mo maloloko ang puso ko, akala mo ba papatalo ako! Akala mo lang 'yun, hindi ako susuko hanggang sa mapaamin kitaaa! Akala mo baaa.. HAHAHAAH!" halakhak niya.
Natapos na ang klase pero hindi siya bumalik sa klase nila. Inabangan niya ang paglabas ni Lexie sa silid aralan nila at sinundan niya ito.
"Ano bang kailangan mo?" tigil ni Lexie na nagpatigil din sa kanya. Humarap si Lexie at nabigla siya dahil nasa harapan niya na ito. Malapit nang magkadikit ang mga mukha nila dahil sa kagustuhan na rin ni Brent.
"Ang panget mo!" nag-igting ang panga ni Lexie at agad na lumayo.
"Ganyan ka na ba talaga, hindi mo iginagalang ang guro mo!" nagkibit balikat lang si Brent at nagsipol pa sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire