Quarenta 'y Trez

141 6 4
                                    

---

Namuo tuloy sa isip ni Brent ang mga narinig niya, hindi kaya dapat itigil niya na lang ang pagmamahal niya kay Lexie. Parang wala rin namang mangyayari kung ipu-push niya pa.

"Claude, pwede ka bang makausap? May gusto lang naman akong itanong." sambit niya kay Claude bago pa ito makapasok sa silid-aralan nila. Tumango naman ito sa kanya at nagsimula na siyang maglakad.

"Ano bang itatanong mo, Brent at kailangan pa nating lumayo?"

"Basta." tumigil siya at humarap sa kaibigan. "Kilala mo na siya?" ngiti niya. Napakagat labi naman si Claude at hindi alam kung paano magre-react.

"Sino?" pagkukunwari niya pa.

"Si Lexie, kailangan mo pa nalamang siya talaga si Lexie?" napalunok naman si Claude sa naturan ni Brent. Tumango siya at maya-maya'y humagikhik.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Brent? Hindi ba parehas tayong hindi naniniwalang si Lexie ang babaeng iyo.."

"Huwag ka ng magpanggap, kanina pa lang napansin ko na Claude. Bobo ko na lang siguro kung hindi ko pa mapansin 'yon, Di ba?" wala namang nasabi si Claude.

Tumahimik ang paligid, umihip ang hangin at parehas lang silang seryoso. Walang masabi si Claude dahil ayaw niya sa kanya mismo manggaling ang sinisikreto ni Lexie sa kanila.

Ipinatong ni Brent ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ni Claude sabay ngumiti dito.

"Okay lang 'yan, wala kang dapat ipag-worry Bro. Hindi naman ako galit sa'yo basta huwag mo lang siyang pababayaan ah. " thumbs up niya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Brent?" gulong-gulo niyang sabi.

"Mukhang talo na ko." mapait niyang ngiti, bigla naman siyang hinawakan ni Claude sa magkabilang balikat.

"Anong talo? Nasuko ka na agad? Alam mo na, bakit susuko ka na?"

"Kasi hindi pwede?" naguluhan man si Claude ay wala na siyang nasabi dahil tinalikuran na siya ni Brent. Napailing pa siya at sobrang napaisip. Bakit hindi na pwede ang nasabi ni Brent?

Bumalik na si Lexie sa silid nang pagpasok naman ni Claude. Nakatingin ito kay Brent na nakasulyap sa bintana. Napansin din ito ni Lexie nang pagtuunan pansin naman siya ni Claude.

"Pasensya na Late ako.." Kamot nito sa ulo sabay punta na sa upuan niya. May pag-aalala pa rin ang tingin niya kay Brent.

Nagturo na si Lexie hanggang sa matapos ang klase ay tahimik lang si Brent. Napansin na rin ito ni Lexie dahil hindi na siya sinusundan nito.

"Bakit ang tahimik ata ni Brent ngayon?" tanong ni Kurt habang hinahagis-hagis ang ballpen sa kamay. Napatingin naman si Jules  kinauupuan ng kaibigan.

"Napansin ko nga rin 'yan, nawala ang pagiging baliw niya ngayon?"

"Baka naman naheart broken?" Ani Dylan. Napatingin naman si Xiel kay Brent at lumapit siya dito.

"May problema ba Brent?" tanong niya dito, sinulyapan lang siya ng kaunti ni Brent at muling bumalik sa pagtitig sa kawalan. Napabuntong-hininga pa si Xiel at nag-drawing ng smiley sa notebook ni Brent.

"Ano 'yan?" tanong nito.

"Ikaw 'yan 'pag nakasmile ka, kaso ngayon ganito ka.." ginawa niyang sad face.

"Huh?" bahagya namang natawa si Brent sabay ang pagseryoso muli ng mukha. Napangiwit lang si Xiel at hindi niya alam kung paano maiibsan ang kung ano mang nararamdaman ngayon ng kaibigan.

"Why so serious?" aniya sabay ngiti. Sinulyapan naman siya nito pagkatapos ay muling bumalik sa pagiging tulala. Napabuntong hininga lang siya.

"Mukha ba akong seryoso?" nalunok niya naman ang laway ng marinig niyang magsalita si Brent.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon