---
"Malapit ka na naming mabuhay mahal na pinuno! Malapit na.." sambit ng isang lalaking biglang sumulpot sa isang mansyon. Katabi niya ang isang gintong kabaong na may malaking paka.
Ang puso ng prinsesa, na hinahanap din ng pito, ang kailangan upang mabuhay muli si Vlad. Ang hari ng mga masasamang bampira.
Buhay ang kapalit ng isang buhay.
Napalingon siya sa pinto nang may pilit nagbubukas ng silinyador nito. Napangiwit siya at agad na naglaho pagkabukas nito.
Pumasok ang isang nakahoodie at inamoy-amoy niya pa ang paligid. Alam niya ang ganoong amoy, hindi siya maaaring magkamali. Amoy ng isang bampira at dugo mula sa isang mamamayan ng Euphoria. Sigurado siyang may napahamak na naman isa sa kanila at nakapasok pa sa loob ang kalaban.
Napahawak siya sa kanyang sandata na nasa baywang niya at bahagyang inilabas ang espada mula sa lalagyan. Natapatan ang talim nito ng liwanag ng buwan dahilan para kumislap ito.
Tumama ang liwanag sa mata ng lalaking bampira na ngayon ay nasa malaking puno. Dahilan upang makaramdam siya ng dagliang panghihina. Agad naman siyang nagteleport paalis.
Agad lumabas ang nakahoodie sa kwarto kung saan nakatago ang kabaong na binabantayan niya. Tinawag niya sa isip ang kanyang mga tauhan.
"May nakapasok, hanapin niyo siya." tanggal niya ng hoodie.
"Masusunod Queen!" agad na paglaho ng dalawa niyang tagasunod. Napahawak siya sa seal na nilagay niya sa pinto na unti-unting nagiging abo sa palad niya. Kinabahan siya at napalingon sabay pagkuyom ng kamao.
"Hindi ako makapaniwala, lalo lang siyang lumalakas sa mga lumilipas na araw. Sana lang maunahan ng pito ang mga kawal ni Vlad dahil hindi ko alam kung paano na muli masusugpo sila gayong wala na si Aldryx." mapait na ngiti niya. At muling gumawa ng panibagong magic seal para harang sa mga balak pumasok at magpakawala sa bampirang kalaban nila.
Naalala niya ang dating pakikipaglaban niya kasama si Aldryx at Bryx pati ang kasintahan nitong si Bella.
Hanggang ngayon mahal niya pa rin ang kapatid ng ama ni Brent na si Aldryx. Pero sa isang tao lang ito nagkagusto na ipinagbabawal sa kanilang lahi. Na ngayon ay akala niyang mauulit muli dahil nagkagusto si Brent sa isang mortal.
Bumalik siya sa pagiging isang batang babae matapos niyang gumamit ng salamangka. Isa siyang hybrid, lahing bampira at lahing maggagaway. Kaya alam niya ang tungkol sa mga mahika.
Napasandal siya sa pinto nang makita siya ng isa sa katiwala niya. Agad naman itong lumapit at inalalayan si Queen.
"Okay lang po ba kayo?" tanong nito, napangiti naman ang Queen.
"Ganito talaga kapag malapit ng mawala sa mundo." may kaakibat na consequences nga lang pagiging hybrid niya. Sa lagi niyang paggamit ng kapangyarihan, nababawasan ang span of life niya hanggang sa maubos ito at tuluyan siyang maging abo.
"Huwag niyo pong sabihin niyan, Queen."
"Huwag na nating ideny dahil malapit na, sana nga lang bago mangyari 'yon ay maging ligtas muna ang buong Euphoria. Para na lang kay Aldryx at Bryx na nagligtas dito at nagkulong sa lalaking nandyan sa loob ng kwarto."
"Sigurado naman po akong magtatagumpay sila sa paghahanap sa prinsesa." napatango na lang siya at nagtungo na sila sa kwarto nito para magpahinga.
---
"AAaaaH!" sigaw ni Xiel papunta sa tatlo. Hindi niya alam kung paano siya magrereact sa mga napanaginipan niya at matindi pa rin pagsakit ng markang tumubo sa kanya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire