--
Mabilis ang mga pangyayari, isang malakas na pagsipa sa sikmura ang ginawa ng kalaban kay Kurt. Tumalsik ito at sumalpok sa malaking puno. Nanatiling nakatayo at tulala lang si Alex sa mga nangyari.
"KURT! TULUNGAN MO AKOOO!" sigaw ni Yuki habang hawak siya ng bampira. Unti-unti namang bumangon si Kurt sa pagkakadapa dahil sa pagsalpok niya.
Mabilis naman siyang nilapitan at sinakal ng kalaban. Napatingin siya saglit dito pero agad ding nabaling ang tingin sa dalaga. Nagpumilit siyang kumawala pero nauubusan lang siya ng hininga at lumalabas ang kanyang mga litid sa buong katawan.
"Sht! Yuk---" gitil niya pero ngumisi lang ang bampira.
"BITAWAN MO SIYA! GAGO KAAA!" sugod ni Alex pero 'yung isa namang bampira ang sumugod sa kanya. Nakipagsubukan siya ng lakas dito, isang suntok sa mukha pero nasalag ito ng kalaban niya. Ganoon ang ginawa nito pero naiwasan niya rin. Sunod-sunod na sapak at sipa ang ginawa nila sa ere pero walang nagkakatamaan. Hanggang sa lumayo bahagya si Alex at nabaling ang tingin sa kaibigan.
Gusto man niyang tulungan ito ay humaharang naman sa kanya ang katunggali niya.
"Umalis ka sa daraanan ko, PANGIT!" ngumisi lang ang masamang bampira at muli siyang sinugod pero agad niyang naipansalag ang kanyang braso ngunit bahagya siyang napatalsik dahil sa pwersa nito.
Sunod-sunod muling pagsuntok ang pinakawalan nito, na sinasalag niya ng kanyang kamay pero hindi niya inasahan ang pagsipa nito sa kanyang sikmura, na nagpatalsik sa kanya pabulusok sa lupa.
Naituon niya ang paa na gumawa ng marka sa lupa. Nayanig ang kagubatan at nagambala ang mga hayop. Seryoso niyang kinatitigan ang katunggali niya at kinuha ang hikaw niyang sandata. Naging anyo itong saw dahil na rin sa galit niya.
"Pagpipira-pirasuhin ko talaga 'yang katawan mong gagong pangit kaaa!" singhal niya palipad at patungo sa kalaban. Iwinasiwas niya ang saw pero hindi niya ito natamaan. Napamura na lang siya sa galit.
Nag-anyo naman itong bazooka na talagang nais niya. Ipinatong niya ito sa balikat at nagkaroon siya ng telescope para makita kahit na malayo ang kalaban.
"Hindi kita mapira-piraso! Pipinuhin na lang kitang putangena kaaa!" tira niya dito. Mabilis ang pagtama ng bala mula sa bazooka ang tumama sa katawan ng masamang bampira na labis na nagpangisi sa kanya.
Nabaling ang tingin niya kay Kurt na nauubos na ang hininga. Naglalaho na rin unti-unti ang kamay nito at paa.
"KUUUURT!" tawag niya dito kaya hindi niya napansin ang pagsugod sa kanya muli ng katunggali niya. Pabulusok na sumalpok siya sa lupa na nagdulot sa kanya ng kaunting gasgas.
"Yuk--sor--sorry.." huling sambit ni Kurt kasabay ang matamis na ngiti. Napailing na lang ang dalaga habang nangingiyak na siya habang hawak ng isa pang kalaban.
"KURT! PLEASE HUWAG KANG BIBITAW! HUWAAAAG!" sigaw niya ng umilaw sa may wrist niya ang markang clubs. Gumuhit ang liwanag nito patungo sa madilim na langit. Nahawi ang mga ulap na tumatakip dito.
Napatingin ang dalawa dito pero hindi nagawang makatingin ng tatlo nilang kalaban. Nasilaw sila sa liwanag habang gumagalaw ang mga ugat ng puno't halaman sa paligid pati ang lupa ay yumayanig. Nagsilapitan naman ang mga hayop sa paligid. Nagliliwanag ang mga mata nito habang nakapalibot sa kanila.
"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Yuki habang pinagmamasdan ang marka niya. Lumapit sa kanya ang mabangis ng oso at matangkad na usa.
Nabitawan ng kalaban si Kurt at unti-unting naghilom ang mga sugat niya. Ganoon din si Alex na agad nagpamangha sa kanya. Nilapitan nita agad si Kurt at tinapik-tapik sa mukha.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire