Uno

623 17 12
                                    

Uno.

-----

100 years ago.

Bata pa rin kami. We're still young because we're vampires. Mahirap maging ganito, maiiwan ka ng mga taong mahal mo.

Kaya wala talagang happy ending sa mga katulad namin. Iiwan at iiwanan kami ng mga minamahal namin.

We're all losers.

Tinanggap na lang namin kahit sa loob-loob namin, kailangan naming bumalik at humingi ng kapatawaran sa kanila.

Pero sad to say.

Pinili naming magtago at ngayon wala na sila. Nasa ilalim na sila ng lupa at hinding-hindi na namin makikita.

Realidad sa amin, kumbaga.

"I love you Brent." pumatak na naman ang luha ko habang nakatingin sa puntod niya. Iniisip ang sinabi niyang 'yun matapos kong iwanan ng wala man lang closure.

"I'm sorry Lexie. Mahal na mahal kita pero tama lang 'yung magmahal ka ng iba. Kalimutan mo ako dahil walang forever para sa ating dalawa." pahid ko sa luhang naglakbay sa aking gwapong mukha.

"Mahangin ka pa rin, sigurado akong 'yan ang sasabihin niya. Hahaha." tapik ni Claude sa akin.

"Huwag mo ngang basahin ang nasa isipan ko." singhal ko sabay layo sa kanya.

"Nababasa ko, wala akong magagawa."

"Tss."

"Hoy! Aalis na tayo, paalam na kayo kay Lexie. Nakapagpaalam na ako kay Yana. Tapos si Xy naman kay Sowie. Si Dylan, wala na e. Sad to say." sigaw ni Kurt.

"Babye na Princess ko. Hahanapin ko 'yung anak mo para siya naman mahalin ko." nasapok ko si Claude.

"Gago! Pati ba naman anak, papatusin mo?"

"Oo, malay mo ba ako ang mahalin?"

"Umasa ka na naman!" sigaw ni Jules.

"Tch. Tigilan niyo na 'yan, tara naaa.." Sigaw ni Xy.

"Dalian niyo, gusto ng matulog ni Alex sa bagong lilipatan natin." sigaw naman ni Dylan.

Isang kisap-mata lang ay nasa harapan na kami ng ford na kotseng itim. Sumakay na kami at agad ng pinaandar ni Xy. Mas maayos kasi siyang magmaneho sa amin. O hindi, sabihin na lang natin'g Driver namin siya.

"Huwag makapal Brent, napilitan lang ako dahil ayaw kong mahalata na mga sira ulo tayo kapag nagmamaneho." aniya. Napaismid na lang ako, nakakainis. Lagi nilang binabasa ang iniisip ko.

Totoo niyan, nawala kasi lahat ng powers ko. Naubos siguro sa pakikipagdigma o nahigop ng prinsipeng sumapi kay Kurt. Mabuti na nga lang, nabuhay pa 'tong lokong 'to.

"Hindi ako loko loko Bro, don't me." iling-iling niya.

"Tigil-tigilan niyo naman kababasa ng iniisip ko. Nakakainis na. Takte."

"Nababasa kasi namin lalo't puro panglalait sa amin 'yan."ani Dylan.

"Tama. Bakit si Alex. 'Di mo maisipan ng gan'yan?"

"Kahit tulog 'yan, takot ako d'yan." nagtawanan naman sila. Habang nasa byahe kami, nanahimik na lang ako. Pinagmasdan ang paligid na bawat madaanan namin, ang dami ng pinagbago. Masyado ng moderno ang mundo.

Tumigil kami sa tapat ng isang maliit na apartment. Bumaba si Xy kaya syempre bumaba na rin kami. Pinagmasdan ko pa ang maliit na tirahan'g ito, ibang iba sa tinitirhan naming mansyon. Magpapanggap kasi kaming normal na mga tao. Pero ayaw ko ng mahalin at ayoko ng magmahal kung may masasaktan o masasaktan lang ako. Mahirap na.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon