---
Naramdaman naman ni Hyacinth ang kakaibang awra kaya napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid. Malalayo ang mga tao sa kanya maging ang ilang bampira kaya may kakaiba talaga.
Napapikit na lang siya ng mapabalikwas siya dahil naramdaman niyang may susugod sa likuran niya pero nanlaki na lang ang mata niya ng wala naman siyang nakita at tila hinampas lang siya ng malakas na hangin. At nagulat na lang siya ng may sumabog sa kakahuyan at nabulabog ang mga ibon.
Labis niya iyong pinagtataka pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Isa pa wala na rin ang nararamdaman niyang panganib.
"Ano bang nangyayari sa akin?" yakap niya sa sarili tsaka tuluyang umalis. Napangiwit naman ang nakaitim na lalaking nagmamasid sa eskwelahan mula sa kagubatan. Kitang-kita niya ang pagbulusok ng katawan ng bampirang ipinadala niya sa school para patayin ang babaeng lobo.
"Dapat makuha ko na ang kapangyarihan ng apat nang bumalik na muli ang kapangyarihan ko." nagngitngit siya sa galit at sa isang pitik niya ay nahati sa dalawa ang ilang puno na dinaanan niya.
Bumalik ito sa tinutuluyan nitong abandonadong mansyon. Pinagsisipa at pinalis ang lahat ng madaraanang babasaging kasangkapan na ikinatataka naman ng mga alagad nito.
"Mukhang hindi maganda ang nangyari sa iyo, Master Vlad?" matalim ang mga tingin niya sa unang tagapagsilbing nagtanong sa kanya. Napalayo naman ito bahagya. "Chill lang, Master."
"Huwag kang magtatanong kung alam mo na ang sagot sa mga tanong mo!" napalunok naman ang bampira at umupo naman si Vlad sa centro niya.
"Saan ka ba galing, Master?" pumangalumbaba siya at pinagmasdan ang isa sa malakas niyang tauhan. Napakuyom na lang siya ng kamao at talagang nanggagalaiti siya sa galit.
"Kailangan ko na ng kapangyarihan! Gawan niyo na ng paraan sa lalong madaling panahon dahil hindi na ako makapaghintay na malipon ang mga tao at mga walang kwentang bampirang iyon!" singhal niya. Nagkatinginan naman ang mga tauhan niya.
"Ngunit hindi namin magawang makapasok sa mahikang humaharang sa eskwelaha---" nagkukuyom lalo sa galit si Vlad kaya siya na ang tumigil sa pagsasalita. Nasiko naman siya ng isa at tila may naisip na paraan.
"Bakit hindi na lang tayo makipagkasundo sa isang tao tapos papasukin natin sa paaralang iyon at uutusan natin siyang magbigay ng detalye sa atin tungkol sa kung paano matatanggal ang mahikang nakapalibot dito?" natanggal naman ang pagbusangot ni Vlad at napalitan ng ngising sumasang-ayon sa kanyang alagad.
"Magandang ideya para sa tangang katulad mo." ngisi nito. Napangiti na lang ang kanyang tagasunod at nagbow kahit na medyo nainis siya dahil nasabihan pa siyang tanga.
"Maaari nga ang iyong mungkahi pero sino naman ang uutusan nating tao?" sabi ng isa.
"Meron na akong kilala!"
"Aba magaling!" pagpalakpak ni Vlad dito, "Nasaan siya? Gusto ko siyang makilala at kausapin." ngisi nito.
"Masusunod Master!" saludo nito at umalis.
---
"Bakit sa pagsulong ng bawat araw, bakit tila ba mas nararamdaman ko ang panganib na paparating?" nakahawak sa babang sambit ng ama ni Lexie habang pinagmamasdan ang sanggol na reyna.
"Dahil mas lumalakas na siya,habang nandito ka parelax-relax lang.." napabalikwas naman ito dahil sa narinig na tinig. Tumingin siya kaliwa't kanan ngunit wala naman siyang napansin.
"Sinong nagsalita?" taka niya nang mapatitig siya sa sanggol.
"Ang laki mo talagang ugok!" nanlaki ang mata niya at umurong ng kaunti sabay turo sa sanggol.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire