Disiotso

234 12 2
                                    

---

Nasanay na ang tatlo na pumasok ng maaga at iwan ang apat. Pagkapasok pa lang sa gate ay nagkakagulo na ang mga estudyante. Pinagtinginan sila ng mabaling sa kanila ang mga tingin nito. Napatakip naman ng mukha si Jules, napapaisip silang tatlo at naguguluhan.

"Bakit kaya?" bulong ni Jules sa dalawa.

"Sabi na nga ba, sinabi ng babaeng 'yon ang sikreto natin!" inis na tugon ni Claude.

"Oy huwag ka muna magbintang, wala tayong alam!" naglapitan sa kanila ang mga babae na kinikilig.

"Hala! Anon--"

"Hi Claude, Claude ang pangalan mo hindi ba?" tanong ng isang babae sabay tulak sa dalawang binata. Napakamot na lang sila habang pinagkakaguluhan si Claude.

"Pwede ba papicture kahit isa--"

"Kyaaah! Ang cute mo Kuya! Sana akin ka na lang! Ang galing mong tumugtog ng guitar." napapangiwit na lang si Claude at pilit na ngiti.

"Oy Guys!" tawag niya sa dalawa, tinignan naman ang dalawa ng mga babae ng masamang tingin. Napailing naman ang dalawa sabay layo.

"Wala kaming alam d'yan, Hoho." layo ng dalawa. Napakamot na lang si Claude sa inis. Kasalanan ng dalawa kung bakit siya napasama sa bandang iyon.

"Hi Brent! Hi Jules!" nagulat naman ang dalawa sa itsura ni Xiel. Hindi na masyado matingkad ang eyeliner nito, hindi na rin nakaitim na always nilang nakikita.

"Sino ka?" biro ni Brent.

"Hays!" salubong na kilay ng dalaga, tumawa naman ang dalawa na ikinangiti niya.

"Oh Xiel, close mo na sila?" tanong ng kalalapit lang na si Lianne. "Akala ko ba--" tinakpan naman ni Xiel ang bibig nito.

"Oo, nakaclose ko lang sila kahapon." aniya.

"HAHHH!" turo ni Lianne dito, "kaya pala absent kayo kahapon? Saan kayo galing ah?"

"Absent? Parang kagabi lang naman ako nawal--" takip niya sa bibig.

"Kagabi! Hala anong ginawa niyo?" umiling naman ang tatlo, "talagang sabay sabay pa kayo? Tsaka anong sinasabi mong kagabi lang, 2 days na kayong absent. Huwag mong sabihing kasama mo sila nyo--"

"2 days? 2 days na akong absent?" napangiwit naman ang dalawa sabay kamot sa ulo. Tinignan naman sila ni Xiel kaya napasipol silang dalawa. Mukhang natunugan naman ng dalaga ang ibig sabihin nito.

"Ano? Magkakasama ba kayo?"

"Hindi! Nakatulog lang ako ng dalawang araw, sobrang himbing kaya ayun 2 days akong absent."

"Totoo ba 'yan? Bakit parang hind--"

"Maniwala ka na lang!" singhal ng dalaga.

"Okay, sabi mo e." inakbayan naman siya ng dalaga at lumakad na sila palayo sa dalawa.

"Ayoko naaa! Ilayo niyo na ako sa mga babaeng 'yon!" sigaw ni Claude sabay akbay sa dalawa.

"Ang gwapo mo kasi Claude, pakiss ngaaa.." biro ni Jules.

"Gago kaaa! Kasalanan niyo 'to e!"

"Pero mas gwapo pa rin ako sa'yo Claude, anong nangyari sa mga mata nila?" pangalumbaba ni Brent.

"Nagdisguise na tayo pero mas gwapo pa rin talaga ako sa'yo kaya nga ako hinahabol e."

"Oys! Ang kaps nito ah!"

"Talaga naman.."

"ClAAAUUDEEE!" tawag sa kanya ng mga babae kaya hinila niya na ang dalawa at tumakbo na sila papasok sa room nila.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon