Trenta 'y uno
Bumalik na sa kanilang tirahan ang magkakaibigan. Hindi sila nakaramdam ng kapaguran sa pisikal nilang pangangatawan pero ang daming stress ang sinuong ng kanilang isipan.
"Hindi talaga siya si Lexie. Hindi talaga..potangena!" bulong ni Kurt sa kanyang sarili ng mapansin siya ni Yuki.
"Anong iniisip mo, Kurt? Saan ka nga pala galing kanina?" nakangiting tanong nito. Nandudulat na nabaling ang tingin sa kanya ng binata na ikinataka niya.
"Anong nangyayari sa'yo? May problema kab.." agad na hinawakan siya sa balikat ng binata.
"Potangena! Bakit ganooon?" nagulat pa siya sa naturan ng binata.
"Ang alin?" parang natauhan naman siya kaya binitawan niya na si Yuki.
"Ah wala.." pero pailing-iling pa rin siya habang patungo sa labas.
"Oy Kurt! Pupunta ka ba sa greenhouse mo?" tawag sa kanya ni Riez. Tumango lang siya dito. "Pasamaaa!" Lapit niya sa binata, sumunod rin si Yuki sa dalawa. Na agad ring napansin ni Riez.
"Can I join?" sabay peace sign nito.
"Oo naman! Makikita mo 'yung mga tanim doon ni Kurt. Ang gaganda!" tuwang-tuwa niyang pagkukwento sa dalaga pero napapatingin lang si Yuki sa balisang binata.
Nakarating sila sa Greenhouse, binuhay ni Kurt ang ilaw dahil mukhang makulimlim ang langit. Napapitik naman si Riez sa ere.
"Sayang! Hindi mo nakita kung gaano kaganda dito ng buwan pa ang nagbibigay liwanag at hindi elektrisidad." pang-iinggit ni Riez.
"Okay lang, nakita ko na naman 'yung buwan ko e." tingin niya pa kay Kurt na nakaupo na at halatang balisa pa rin.
"Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa sinabi mo?" iling niya. Pero kitang-kita niya naman ang pag-aalala ni Yuki sa binata.
Nilapitan niya ang binata at dinagukan ito ng malakas na muntik ng magpasubsob dito.
"Hala! Grabe ka naman makadagok?" kamot ni Kurt sa ulo. Pumameywang sa harapan niya si Riez at nginusong turo si Yuki.
"May tao kasing nag-aalala sa'yo. Ano ba kasing problema mo, boy?" taas-baba ng kilay niya. Lumapit pa sa kanya si Yuki at kinuhit siya sa tagiliran.
"Baka naman pagod siya, Riez."
"Ow! Pagod? Imposible namang napapagod ang mga bampira? Hindi naman kaya LIKAS SA KANILA ANG MAPAGOD? HINDI BA KURT?" diin niya. Napakamot pa si Kurt at ngumiti.
"Oo! Pasensya ka na Yuki, nag-alala ka pa tuloy sa akin."
"Yiiee.. Chura!" palis ni Riez sa mahaba niyang buhok at pinuntahan ang unang bungang nakita niya. "Oh my! Kurt, dalawa na sila oh, tignan mo." lumapit naman sa kanya si Kurt.
"Oo nga ano.." nagngitian pa ang mga ito at tuwang-tuwa. Parang nakaramdam tuloy siya ng inggit.
"Yuki, halika dito.." lumapit naman siya at pinagmasdan ang siling sinasabi nila na ikinatuwa niya na rin.
"Mahilig ka ba dito, Kurt?" todo iling naman ang lalaking kaharap niya. "Pero bakit nagtatanim ka ng ganito?"
"Kasi nga isa ang sili sa nagpapaalala sa kanya sa dalawang babaeng minahal niya." napatikhim pa si Yuki sa narinig.
"Ang daldal mo Riez.." iling ng binata, tumayo ito at pumunta sa lagayan ng regadera.
"Gusto ko ring ttumulong.." taas kamay ni Yuki. "Gagamitan ko ng power ko, gusto mo?"
"Ha!? Bakit nakokontrol mo na ba?" nilahad niya naman ang palad at unti-unting lumabas dito ang nagliliwanag na green dust.
"Wow! Iyan ba ang ability mo, Yuki?" tumango naman siya bilang tugon kay Riez. Namangha sila nang itapon pa ito ni Yuki at bumuhos sa mga halaman ang greendust. Unti-unting naglakihan ang mga halaman at nagkaroon din ng bulaklak hanggang sa maging bunga.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire