Trenta

125 7 0
                                    

Trenta.

Nagkagulo ang lahat pagkatunog ng bell, oras ng recess. Gulong-gulo lang sila dahil wala silang alam kung ano nga bang nangyayari.

"Anong nangyayari, Asin?" tanong ni Dylan nang hinawakan si Hyacinth. Tinignan naman siya nito at agad na hinila ang kamay. Nashook pa si Dylan.

"Pasensya ka na.. Hahaha.." pilit niyang tawa habang napapakamot sa ulo.

"Ngayon kasi magaganap 'yung laban ni Lexie sa isang club, tiyak na doon sila pupunta kaya nagmamadali sila." bow nito at tuluyang umalis.

Pinagmasdan naman ni Dylan ang mga palad niya dahil may kakaiba siyang naramdaman matapos niyang hawakan ang dalaga. Pero hindi niya maipaliwanag kung ano ba 'yon.

"Susuportahan niyo ba siya?" nakataas paang tanong ni Alex sa anim niyang kaibigan. Nag-aalinlangan naman ang lima pero lumabas na si Claude sa may pinto.

"Hindi ba't dapat suportahan natin siya?" napaangil lang si Alex at mas pinili na lang matulog sa kanyang arm chair.

"Pupunta ako, sasamahan kita." sambit ni Kurt. "Kailangan rin natin siyang suportahan lalo pa't nakita natin siya ulit ngayon." napatango naman ang iba sa nabanggit niya maliban lang kay Brent.

"Bakit hindi ako makapaniwalang siya na nga si Lexie, baka naman nagpapanggap lang siya?" turan ni Brent.

"Bakit hindi ka naniniwala, Brent? Dahil ba nagbago ako, gano'n ba? Sabagay! Matagal niyo akong iniwan kaya wala kayong alam?" nabaling ang tingin nilang lahat kay Lexie na nasa pinto katabi ni Claude.

Natahimik lang si Brent at napakagat labi.

"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang magbabago ka. Pasensya ka na.."

"Ha! So wala na pala akong karapatang magbago? Gano'n ba? Pwes, I'm sorry but I'd changed for the better me. 'Yung hindi na hahayaan pang masaktan ulit." nakatingin lang ang lahat sa kanya.

"Lexie.. Sorry na.. Hindi lang alam ni Brent ang mga sinasabi niya. Tapos hindi rin namin sinasadyang iwanan ka ng ganoon katagal. Patawari.."

"Enough Claude, tapos na 'yon. Wala ng mababago, pinatawad ko na naman kayo pero sana lang. Accept me for who I am now, ang lahat ay nagbabago. That's the fact!" tsaka siya tuluyang umalis. Tanging bulungan ang kanilang narinig matapos ng eksenang iyon.

"Ayan! Nasaktan na nga natin siya, dinadagdagan niyo pa. Hays.." singhal ni Claude at sumunod sa dalaga.

Lumapit naman si Xiel kay Brent na napapailing at nakatungo lang.

"Brent, ayos ka lang?" hahawakan niya na sana ang binata ng tumakbo ito palabas.

"Kailangan kong humingi ng sorry sa babaeng mahal ko. Kailangan ko siyang makausap ngayon." aniya at tuluyang umalis.

Kinuyom na lang ni Xiel ang kamao niya at sumalampak na lang ng upo. Nilapitan naman siya ni Yuki habang ginagalaw nito ang kanyang makapal na salamin.

"Nasasaktan ka ano? CRUSH mo si Brent?" diin niya sa salitang Crush kay Xiel. Napasmirk lang naman ang dalaga.

"Himala, hindi ka ngayon nauutal, Yuki?"

"Syempre kapag usapang love kailangan seryoso ka." bahagya namang natawa ang dalaga ng lumapit sa kanila si Riez.

"Kahit ako, hindi ako naniniwalang si Lexie ang babaeng 'yon?" turan niya kaya nabaling ang tingin ng dalawa sa kanya. "Oh bakit? I'm just fcking stating my opinion here."

"Wala naman kaming sinabi?" irap sa kanya ni Xiel. Napabuga naman si Riez at sumalampak rin ng upo.

"Sa mga kwento kasi nila hindi mo paniniwalang gano'n ang ugali ng taong minahal nila ng totoo. Oo, nasaktan ka pero hindi naman dahilan iyon para baguhin mo ng tuluyan ang sarili mo pati na ugali mo. Mas better pa ring maging mabuti kang tao kahit na ganyan, nagmumukha kasi siyang bitter."

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon