---
Kinaumagahan.
Nagising si Xiel sa kama na hindi niya alam kung kanino, katabi niya si Shiloh na may band aid pa sa mukha. Naguguluhan siya dahil wala siyang maalala.
"Nasaan ako? Tulong! Tulong!" biglang bumukas ang pinto at napahiyaw siya sa takot.
"Oy! Makasigaw ka naman! Gising ka na pala?"
"Sino ka? Bakit nandito ako?"
"Ano ba? Natutulog pa ang dyosa e!" reklamo ni Shiloh habang nagkakamot sa ulo. "Oh Kurt!? Kamusta?"
"Gwapo pa rin naman, ikaw bakit nandito ka, Shiloh?"
"May ipinabibigay si Quee--"
"Sandali! Pansinin niyo muna ako, nasaan ba akooo?" naiinis na tanong ni Xiel.
"Nasa bahay ka namin." pasok naman ni Claude habang nakakibit-balikat.
"Claude? Anong ginagawa ko dito? May ginawa ba kayong masama sa akin?"
"Huh? Tangna! Wala kaming ginawa sa'yo!"
"Eh bakit? Bakit nandito ako? Ang naaalala ko, sinusundan ko lang kayo noon tapos ngayon nandito na ako sa bahay niyo tapos wala na akong maalala?"
"Kung ganoon, wala kang naaalala?" napabuntong hininga naman si Claude, "mabuti naman." aniya.
"Anong mabuti naman? Sagutin mo ako, bakit nandito ako?"
"Oh hindi ba, sabi mo? Sinusundan mo kami? Kaya heto ka ngayon, nakikitulog sa bahay namin. At huwag kang mag-alala, hindi ka namin ginalaw. As if namang galawin ka namin e may mga taste rin kami sa baba--" Binato siya ng unan ng dalaga.
"Manyak!"
"Aba't--" pinigil naman siya ni Kurt.
"Tama na nga, para kayong aso't pusa niyan e."
"Uuwi na ako!" tumayo na si Xiel ngunit hindi siya makatayo dahil nanghihina pa ang kanyang mga paa. "Anong nangyayari sa akin?" umiilaw kasi ang hugis-spade na balat niya sa kanyang paa.
"Ano 'yan? Bakit may ganyan ka?" tinignan niya ang paa. Nagtaka din siya dahil alam niyang wala siyang ganoon. Paano siya nagkaroon ng ganoong balat o tattoo?
"Bakit? Bakit meron ako nito? Sinong naglagay?"
"May nakita na akong ganyan!" sabat ni Shiloh. Napatingin naman ang lahat sa kanya.
"Saan?"
"Hindi ko na maalala!"
"Aish!" muli ay umupo si Xiel sa kama at pilit na binubura ang balat ngunit wala ring nangyari. Nawala ang liwanag at unti-unti itong naging itim at permanente.
"Saan galing 'to? Ano ba 'to?" tanong niya pero wala ding maisagot ang mga ito. Pumasok naman ang lima pa dahil sa ingay.
"Anong nangyayari?" takang tanong ni Brent.
"May tatak ng spade siya Bro, ano kayang ibig sabihin nyan?" turo ni Kurt sa paa ng dalaga na pilit niya namang tinatago.
"Spade?" tanong din ni Jules na marami pang basag sa mukha. Hindi pa rin ito naghihilom.
"Oo--nga pala Shiloh, anong ipinaabot sa'yo ni Queen?"
"Heto! Isang sulat nga pala!" sambit niya at bigay ng puting envelope. May rosas pa ito sa unahan, kinuha naman ito ni Xy at binuksan.
"Ano kayang nakasulat dyan?" tanong ni Dy. Pinatahimik naman ni Xy ang lahat at binasa niya ang nakasulat.
"Ehem! Kailangan ba talagang nandito pa ako?" tanong ni Xiel.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire