Kwatro

322 11 5
                                    

Kwatro ❤

----

"Hintayin mo nga akoo!!" suway ni Jules sa kaibigan. "Nagsusuggest lang naman, anong masama do'n?"

"Mag-isa ka nga! Ayokong manligaw, ako kasi ang nililigawan."

"Putek ng kahanginan mo 'yan. Babagyo Bro, tigil mo 'yan. Magbago ka na."

"We're the same, magbago ka rin." ngiwit niya, ngiwit din ni Jules.

"Maghiwalay na nga tayo!"

"Sige, hiwalay kung hiwalay!"

Naghiwalay sila ng landas.

"Huwag na huwag kang magpapakita sa akin!" sigaw ni Jules.

"Hindi pwede 'yon, kahit saan kita ako. E ikaw, hindi nga kita makita kapag nasa bahay tayo."

"Bwiset kaaa!!"

Napapatingin tuloy ang ilang mga estudyante sa kanila. Sakto kasing recess na. Sigawan kasi sila ng sigawan, tapos nangdidila pa na parang mga bata.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Xy kay Brent.

"Yung kasing maliit na 'yon, ayaw daw niya akong makita. Inposible naman 'yun pero sa kanya posible!!"

"Arghh!! Bwiset ka talaga Brent, 'pag natangkadan pa kita, who you ka sa akin!!" Sigaw niya.

"Wala ng pag-asa, ilang years na ba tayong nabubuhay sa earth hahaha." napapadyak lang sa inis si Jules.

"Huwag mo akong kakausapin mamaya! Hindi kita papakopyahin 'pag nag-exam! Itlog!" mabilis na nilapitan ni Brent ang kaibigan.

"Joke lang 'yon, hindi ka na mabiro." sambit niya sabay akbay sa kaibigan.

"Hindi nakakatuwa parang joke lang ni Dy."

"Ba't nasama ang pangalan ko d'yan?" singhal ni Dylan habang umiinom ng tubig.

"Oh mukhang mainit ang ulo ng hyung natin." tingin ni Jules kay Xy na kumakain ng chichiria.

"Wala akong alam d'yan." sabay sipol niya. Naguguluhan naman ang dalawa.

"Sinong kaaway mo Bro?" tanong ni Brent.

"Yung babaeng 'yon, tang-na! Putcha! Ang kapal ng mukha! Oy 'di ba Xy, hindi ko naman sinasadya, kamukha niya lang kasi si Ani--nevermind! Letse!" habang tinatapak-tapakan niya 'yung plastic bottle.

"Chill Bro.." tapik ni Xy sa balikat nito.

"Anong chill chill? Tang-nang 'yan!!! Kung hindi lang siya babae, naku! Naku! Naku! Bwiset!!" nagngingitngit siya sa galit.

"Kalma! Sino ba 'yon?" sambit naman ni Brent, tinignan nila ang mga estudyanteng naglalakad. Ngumuso naman si Xy na parang may tinuturo.

"Shook! Putcha! Si Ania 'yaaan!!" sabi nito at agad na lumapit sa dalaga. Taas-kilay naman siyang tinitigan ng dalaga mula ulo hanggang paa.

"Anong kailangan mo, totoy?" medyo naiilang nitong tanong sa binata.

"Ania?" nag-init na agad ang ulo ng dalaga.

"Ania? Who's fvcking Ania ba? I don't know her, kilala mo ba 'yung manyak na nanyakap sa akin kanina? Bwiset! Isa ka rin sa kanila?"

"Nah! Hindi hahaha.. Manyak talaga 'yon. Hays. Iba!!" dahil sa nagulat ang binata ay nasabi niya ito, agad namang lumapit si Dy.

"Ang supportive mong kaibigan!"

"Sorry naman, nabigla ako."

"Ewan!" masama ang tingin ni Dy sa babae maging sa kanya ay ganon din ito.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon