49
...
Biglang nawala ang lalaki at nakaahon naman si Kurt mula sa pagkakalubog sa sahig. Nakakatayo na sila ng bahagyang humina ang hatak sa kanila paibaba.
"Narinig niyo ba iyon? Yukito daw.." ani Dylan.
"Oo, at ang sabi kapatid daw ni Yuki?" ani Brent.
"Pero ang tanong, bakit niya naman gagawin sa kapatid niya ang kidnapin ito?" naguguluhang tanong ni Kurt.
"Siguro ay napapasailalim siya sa isang mahika." sagot ni Xy.
"Malamang gano'n nga ang nangyari. Sigurado akong si Yuki lang makakapagpagaling sa kapatid niya kung ito nga ang kapatid nya." sambit ni Kurt.
---
"YUKITO! YOHOO!" Sigaw ng lalaki na kanina ay kaharap lamang ng pito. Bigla namang sumulpot ang lalaking dumukot kay Yuki.
"Anong problema mo, bakit mo ako tinatawag?" Banas na tanong nito.
"Alam mo ba na ang babaeng dinukot mo ay siyang kapatid mo na si Yuki."
"Huwag ka ngang magpatawa, o huwag kang basta-basta maniwala sa kanila! Paano mangyayaring ang babaeng iyon ang kapatid ko? Matagal na siyang pumanaw kaya pwede ba, gawin mo na lang ang ipinapagawa sa atin."
"Sure ka na bang patay na si Yuki?"
"Tumahimik ka! Kitang kita ko ang lahat kaya pakiusap lang, huwag mo nang ibalik ang nakaraan dahil 'yon ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko."
"O siya! Ikaw ang bahala, ayaw mo man lamang bang magkaroon ng kaunting pag-asa na sana nga si Yuki 'yung babae tapos.."
"TUMAHIMIK KA SABI!" sigaw nito dito. Natahimik naman ito at muli ay naglaho. Napabuntong-hininga naman si Yukito, at muli ay bumalik sa kanya ang isang ala-ala.
Flashback
"Yuki, dito ka lang. Maghahanap lang ng makakakain si Kuya ah." sambit niya sa limang taong nakakabata niyang kapatid.
"Opo Kuya.." matamis na ngiti nito habang hinihimas ang ulo ng kanyang alagang aso.
Bigla na lang kumulog at kidlat nang nasa gitna ng kagubatan si Yukito, kinilabutan siya at agad na tumingin sa direksyon ng kanilang mansyon. Nakita niya ang malakas na pagsabog, nagliparan ang mga ibon at nabulabog ang mga hayop. Mabilis na tila isang hangin siyang tumakbo patungo sa kanilang mansyon.
Nakita niya ang pagkaguho ng kalahating bahagi nito.
"YUKIII!" tawag niya ng makita niya ang itim na usok mula sa loob ng mansyon nila. Narinig niya ang malakas na pagtawa ng isang babae, tila isang bruha. Parang may gumuhit sa kanyang pisngi at napadapa siya sa malakas na pagsabog sa kanyang likuran.
"KUYAAAA!!" Hinanap niya ang tinig at nakita niyang nakalutang sa hangin si Yuki. Tila iginapos sa ere ngunit wala kang makikitang anumang bagay.
"YUKI? YUKIII!" Sigaw niya dito. Nakita niya ang pagtangis ng kanyang bunsong kapatid. "Anong? Paanong?" Naguguluhan niyang tanong habang hinahanap kung sino ang tumatawang bruha.
"Kuya, umalis ka na! Iwanan mo na ako dito, malakas siya!" sigaw ni Yuki pero umiling lang si Yukito, nilabas niya ang kanyang patpat at akmang gagawa ng mahika ng bigla na lang may kidlat na tumama sa kamay niya. Tumalsik ang kanyang patpat at napaso ang kanyang mga daliri.
"Hindi kita maaaring iwan, ililigtas kita, kapatid ko!" takbo n'ya at kuha sana sa nabitawan n'yang patpat ngunit huli na siya dahil bigla na lang itong sumiklab at tuluyang naging abo sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire