Trenta 'y Nueve

130 3 0
                                    


---

"Haaaays.." malalim na paghinga ni Xiel habang pabagsak na naupo sa kanyang upuan sa silid aralan. Napansin naman agad ito ni Yuki.

"May problema ka ba, Xi? Mukhang ang lalim ng paghinga mo d'yan?" nagpout naman siya at tumungo sa mesa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko.."

"Saan?" mabuti na lang at sila lang dalawa ang nasa loob ng silid dahil busy ang lahat sa mangyayaring kasiyahan.

"Hindi ko alam kung nagkakagusto na ba ako o ewan, ang gulo!" pukpok niya sa ulo sabay tingin kay Yuki.

"Kanino naman?" pangalumbaba nito.

"Kay Brent? Hindi ko alam, ah basta naguguluhan na ako.. argh.."

"Alam mo ba nakita ko si President, walang pinagbago. Ang gwapo niya pa rin shit!" napatigil sila ng may mga nagpasukan silang kaklase.

"Talaga? Sayang, hindi ko man lang siya nakita. 2months din kaya siyang nawala at talagang natuwa ako ng marinig ko kanina 'yung boses nya. Boses pa lang ang gwapo na... Yieee.."

"Oo nga e.. siguro naman magpapakita siya sa stage sa gaganaping foundation. Hindi na tuloy ako makapaghintay." habang nakatingin pa ito sa itaas.

"Ako rin.. kahit na ang dami-daming gwapo dito sa academy, wala pa ring tatalo kay President Lee."

"Yah! Tumpak ka d'yan.." Lumapit naman si Yuki kay Xiel at may binulong.

"Sino kaya 'yung President na 'yun at talagang sobrang sikat siya dito." bulong ni Yuki sa kanya pero tanging pag-iling lang at pagtatanong din sa mukha ang naisagot niya dito.

"Abangan na lang natin sa foundation day dito.." pangalumbaba niya. Nagpasukan na rin ang ilan nilang kaklase at nakita na nilang pumasok ang kanilang mga kaibigan.

"Kurt, anong gagawin mo pala?" salubong ni Yuki dito na kausap pa si Alex. Nabaling naman ang tingin ni Kurt dito.

"Sasayaw ako, makikita mo 'yung pangmalakasan kong da moves.." giling niya na nagpapula sa mukha ng dalaga.

"Hahaha.. ang pangit! Kaaduwa, tigilan mo na nga 'yan.." hampas sa kanya ni Alex na nagderetso na sa upuan.

"Ano?.." kamot naman ni Kurt, ngumiti pa siya kay Yuki pagkatapos ay sinundan si Alex. "Suportahan mo na lang ako Brad, hati naman tayo sa Prize kapag ako nanalo."

"I will support you Brad.." tapik nito sa balikat ni Kurt sabay thumbs up. Dumating na rin sila Brent na mukhang pagod, ibinaba nito ang gitara sa kanyang upuan nang lumapit dito si Hya.

"Brent, marunong ka maggitara?" napatingin naman si Brent dito sabay iling.

"Hindi! Pinahawak lang sa akin ni Manong Dylan, bakit?"

"Ah wala naman, akala ko marunong ka. Ano bang gagawin mo sa foundation?"

"Kakanta?" Nahihiya niyang sabi.

"Sample nga?" napailing naman siya kasabay ang nakakatunaw na ngiti para kay Xiel na natatapik ang sariling noo.

"Ayoko, baka maraming mainlab pa.." aniya na nagpatawa kay Hya.

"Hahaha.. marami na talagang may crush sa'yo dito, gwapo ka tapos mabait pa." napapatango naman si Brent.

"Huwag mo siya masyadong purihin, Hya. Baka lumaki ulo, masakop buong room natin. Hahaha.." Ani Riez sabay malakas na pagtawa.

"Bakit? Totoo naman ah, hindi ka ba nagkakacrush sa kanya Riez?" nasamid naman si Riez sa tanong na ito ni Hya.

"Putahamnidaaa! No way! Kung si Xiel pa, sigurado ako d'yan!"

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon