Tres
----
Claude Point of view
Sama-sama kaming tatlo sa last section. Ang tatalino naman namin, bakit dito kami napunta?
"Sabi na nga ba e, nadaya tayo. Pero 'di bale basta gwapo ako." ani Brent.
"Sows." nakapangalumbaba lang si Jules sa arm desk niya habang nakatingin sa mga kaklase naming babae.
Ang iingay nila, pero hindi nila kami napapansin. Para kaming unknown species. Ni hindi nga nila pinansin ang pagpasok namin. Hindi na ba kami gwapo sa itsura namin?
"Tatlong nerd." ngisi nung isang babaeng nakatingin sa amin. Itim ang lipstick niya, nakapony ang buhok pero magulo. Nakaboots at ang daming pang rocker na accessories sa katawan. Halos black, mukha siyang witch.
Tumingin din sa amin 'yung babaeng sinabihan niya. Hindi ko alam pero ng magkatitigan kami. Bumilis 'yung tibok ng puso ko na kay Lexie ko lang nararamdaman. Sht! Imposible naman.
Simple lang 'yung ayos niya, nakalugay ang mahabang buhok, pink ang labi, at base sa mukha. Wala siyang make-up. Ang kyut.
Umiwas na siya ng tingin at tumingin pa sa ilan nilang kasamahan. Nagkakasayahan sila at may kanya-kanyang kwento pero nakikinig lang siya.
"Sinong natipuhan moooo?" danggi ni Jules sa akin, tumingin siya sa tinitignan ko.
"Wala! Baka ikaw meron?" tingin ko sa ibang direksyon.
"Yieee.. Amin-amin din 'pag may time?" kuhit-kuhit niya sa akin.
"Putek! Para kang bading!! Tigilan mo nga akooo!" singhal ko, tinawanan niya lang ako.
"Sinong pinag-uusapan niyo d'yan? Share naman?"
"Isa pa 'to, wala!!" singhal ko. Kinulit na nila akong dalawa, sinusundot-sundot nila 'yung tagiliran ko. "Hoy! Ano ba? Tumigil nga kayoo!!" sigaw ko.
"Sabihin mo na kasiii.. Ihhh!!"
"Ewan sa inyo!" napatingin ako sa iilang mga kaklase ko. Nakatingin na pala silang lahat sa amin. "Tumigil nga kayo.. Psh." bulong ko.
Tumingin din naman silang dalawa sa mga kaklase namin. Umubo-ubo pa sila bago umupo sabay sipol na animo'y walang nangyari.
"Weirdos!" sambit uli nung babaeng may itim na lipstick. Napalunok na lang kaming tatlo.
Wala pa rin 'yung teacher kaya halos matigang kami dito sa upuan.
"Tara practice! Mukhang hindi na naman tayo papasukan ng mabait nating advicer." nagtawanan silang lahat pagkatapos sabihin 'yun ni black lady.
Nagtayuan silang lahat sa kani-kanilang upuan. Dalawang lalaki, at tatlong babae. Si black lady, yung cute at yung iba pa.
"Saan sila pupunta?" tanong ni Brent.
"Hindi mo ba narinig, hindi daw tayo papasukan ng advicer natin. Bakit kaya?" ani Jules.
"Sayang naman kung gano'n, hindi niya makikita kagwapuhan natin. Tss."
"Pumunta kaya tayo sa labas, sundan natin."
"Sira, ba't naman natin susundan?" tumayo na si Jules.
"Ano? Tara na?"
"Kasasabi ko lang bakit natin susu--"
"Taraaaa!!" tayo din ni Brent, "Bahala ka d'yan Claude, kami na lang dalawa ni Jules. Hahaha." napailing na lang ako. Dinadamay talaga nila ako sa mga kalokohan nila.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire