Nuebe

233 13 5
                                    

Nuebe

---

Nagsidatingan ang magkakaibigan sa pinangyarihan.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Kurt.

"Hindi ko rin alam, basta naramdaman ko na lang na nandito siya kanina." ani Alex.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Jules.

"Si Lexie, nandito siya. Siya marahil abg tumulong kay Xy. Malalim ang sugat niya ng unti-unti itong mawala."

"Si Lexie, talaga ba? Sigurado ka?" napailing naman ang binata.

"Hindi ko rin alam."

"Ano bang nangyari kay Xy?" tanong ni Dylan ng mapansin niya ang nakahigang dalaga sa 'di kalayuan. "Si Riezel ba 'yon? Anong ginagawa niya dito?" lapit niya.

Unti-unti namang nagising si Xy, pinakiramdaman niya ang dibdib ngunit nagtaka lamang siya dahil wala siyang naramdamang kirot.

"Patay na ba ako?" agad na tanong niya.

"Kung patay ka na, abo ka na! Wala kang pag-asang maging kaluluwa." sarcastic na sagot ni Alex.

"Kung ganoon buhay pa ako?"

"Tanga!"

"Harsh mo bro, anong nangyari? Akala ko katapusan ko na!"

"Sa'yo nga kami magtatanong, anong nangyari?" tanong ni Kurt.

"May mga pumapatay nga na bampira, at iba sa lahi natin." seryoso niyang sagot. "Mga old class of vampires are here."

"Paano? Alam naman nating wala na sila."

"Pero nakita ko sila, muntik na nga nila akong mapatay. Maniwala ka na lang, Alex pwede ba?"

"Okay!"

"Sinong nagligtas sa akin?" kadarating lang ni Brent.

"Nandito lang pala kayo? Anong nangyari? Mukhang huli na naman ako."

"Isang babae ang nagligtas sa'yo ngunit hindi ko sigurado, basta naamoy ko lang si Lexie." sagot ni Alex.

"Si Lexie?" tango lang ang sagot niya kay Brent. "Buhay nga talaga siya." ngiti naman nito.

"Oo, Brad." akbay ni Claude. Lumapit naman si Dylan na dala-dala na ang dalaga.

"Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nandito at walang malay?" lumingon naman sa kanya si Xy.

"Siya sana ang biktima ng bampirang 'yon."

"Mabuti na lang pala, nailigtas mo siya." sambit ni Jules. "Maganda siya, may kahawig e."

"Oo, si Ania. Pero hindi siya 'to, magkaibang magkaiba sila ng personality."

"Buti na lang! Medyo kinabahan ako sa kanya." ani Brent.

"At bakit itlog?" taas kilay na tanong ni Dy sa kaibigan.

"Syempre baka kung si Ania man 'yan, bumalik 'yung dati niyang pagtingin sa akin. Mahirap pa naman, lalo akong gumawapo."

"Ang kapal talaga ng apog mo!"

"Saan ba siya nakatira?" tanong ni Kurt. "Ihatid na lang natin, baka kung ano pang mangyaring masama, masyado na ring madilim."

"Yun na nga e, kaya siya napapahamak kasi naglalakad pa siya sa ganito kadilim na lugar!" ani Xy.

"Pero hindi kaya dahil sa nakita niya ang esmeralda?" tingin ni Dy sa dalaga habang buhat niya.

"Bakit anong tungkol doon? Paano niya nakita?"

"Sa nabasa ko kasing libro, ang makakita no'n ay mamamatay kapag nakabalik mula sa past ang isang kagaya natin."

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon