Dose

153 8 2
                                    

---

"Galingan niyo! Dito lang ako sa likod niyo! Fighting!" sigaw ni Brent sa dalawang kaibigan.

Lumingon pa ang dalawa bago tumingin muli sa kalaban na hawak si Riezel. Natatakot lang ang dalawang dalaga.

"Ibaba mo na sila, bakit hindi mo na lang kami harapin!? Natatakot ka ba kaya ginagawa mong shield 'yang dalawa?" angal ni Claude. Ngumisi lang ang lalaki at agad na binitawan si Riezel dahilan para mahulog ito.

"AAAAH!" sigaw nito ng agad na sinambot siya ni Jules at ibinaba sa lupa.

"Ayos ka lang ba?" tumango lang ang dalaga, "Dito ka muna, kami na bahala." lumapit naman si Brent.

"Ako na bahala dito, Brad." tumango lang si Jules at muling bumalik sa ere at nakipagharap sa kalaban.

"Hoy! Mga itlog! Paano ako? Iligtas niyo akooo ditoooo!" sigaw ni Xiel.

"Iligtas mo na muna siya, Claude. Ako na bahala dit--"

"Hindi! Ikaw naaa!" sumugod si Claude sa kalaban at napakamot na lang si Jules. Papunta na sana siya kay Xiel ng sumalpok sa kanya si Claude. Parehas silang bumulusok sa lupa.

Nanlaki lang ang mata ng dalaga dahil sa pagkabigla. Unti-unti na ring nagka-crack ang sanga na pinagsasabitan niya ngayon.

"Hindi naman ako malalaglag, hindi ba? O my god! Iligtas niyo ako dito." Bulong niya.

Narinig nila ang paghalakhak ng lalaki. Dumugo ang labi ni Claude, pinunasan niya ito ng kamay niya at tinulungan si Jules para tumayo.

"Masyado siyang malakas! Ang sakit ng balakang ko, taena!" reklamo ni Jules. Tumango lang si Claude at parehas nilang tinignan ang lalaki.

"Ano? Iyan lang ba ang kaya niyo?" nandudulat na angil nito. Humalakhak muli ito at humaba ang matutulis na kuko. Lumabas din ang mahabang tainga at mga pangil na nakakatakot kung pagmamasdan.

Natakot lang lalo si Xiel sa kalagayan niya. Nangilabot siya sa itsura ng lalaking bampira na kanina ay maayos pa ang itsura. Iniisip n'ya kung ganoon din ba ang tunay na itsura ng tatlo.

"Taena! Hindi ganyan ang itsura namin!" Sigaw ni Claude.

"Tama! Kahit bampira din kami, sigurado namang mas gwapo kami d'yan!"

"Nababasa niyo ba ang iniisip ko?" gulong-gulong tanong ng dalaga. "Iligtas niyo na ako ditooo!"

"Huwag ka ngang atat, ililigtas ka rin namin.."

"Waaah! Now naaa! Mapuputol na 'yong sanga oh!" Nagtanguhan lang ang dalawang binata. "Claude! Jules! Pakiusap naman oh!"

"Tinawag niya ba tayo sa pangalan natin?" nagtinginan pa ang dalawa, tumango pa sila at ngumiti sa isa't isa.

"Tangna niyong dalawaaa!" singhal niya.

"Kaya mo ba siyang iligtas?" tanong ni Claude kay Jules.

"Subukan ko!" nagteleport si Jules sa tabi ni Xiel pero naunahan siya ng lalaki. Nakwelyuhan siya nito at naihagis muli pabulusok sa lupa. Pero bago siya sumubsob sa lupa ay ginamit niya ang kanyang paa para mapigilan ang pressure. Parang nagpreno siya gamit ang paa.

"Ako namaan!" sigaw ni Claude, pero ganoon din. Bumulusok siya sa papuntang lupa pero pinigil ito ni Jules kaya hindi siya sumubsob.

"Ang lakas niya! Wala akong magawa, ni hindi man lang ako makaporma! Geez." reklamo ni Claude.

"Oo nga! Paano ng gagawin natin?"

"Tawagin mo sil--"

"Huwag! Bitawan mo akoooo!" tinignan nila si Xiel na ngayon ay hawak-hawak na ng lalaking bampira. Yakap nito mula sa likod ang dalaga at inaamoy amoy pa ang ulo.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon