Vente

190 7 1
                                    

---

Unti-unti silang napangiti at napatikhim sabay ngiwi.

"Bakit ka naman namin mamimiss? Parang noong isang araw lang tayo nagkita?" kunot noo ni Brent.

"Grabe naman! Hindi ba man lang sumagi sa utak niyo na isang minuto pa lang, miss niyo na ako kaagad?"

"Hahaha parang ang kapal naman ng mukha mo, Shiloh!" biro ni Claude.

"E bakit ka na naman nandito ngayon? Nawiwili ka ata, hindi ba't bawal ang palabas-labas ngayon?" aniya Jules.

"May nakalimutan kasing ipaliwanag si Queen. Ang sandata niyo kasi ay hindi gagana sa mga normal na tao, kapaligiran o hayop dahil ito ay gagana lamang para sa mga bampira." paliwanag nito.

"Kaya naman pala walang nangyari. Useless pala 'to sa mga kaaway ko!?" sambit ni Brent.

"Sino namang mga kaaway 'yan? Please keep on your mind na bawal 'yan gamitin sa mga kaaway lang natin dahil paparusahan ka talaga ni Queen!"

"Hinding-hindi ko gagawin 'yon!" singhal niya. Nangiti naman si Shiloh at nagthumbs up pa. Pero kinabahan lang talaga si Brent dahil sa naturang iyon ng dalaga. Ayaw niyang maparusahan. Karumal-dumal!

"O, e uuwi ka na ba ulit ngayon?" tanong ni Jules. Umiling naman ang dalaga at ngumisi.

"Anong gusto mong ipaliwanag sa mga ngiti mong 'yan?" tinaas naman ng dalaga ang daliri niya.

"Simula ngayon, sasama na ako sa bahay niyo then papasok din ako sa school para alamin din kung sino ang princess."

"Kagustuhan ba ito ni Queen?"

"No! But sinabi ko ito sa kanya, wala naman siyang sinabi kaya I think its a YES!"

"Hindi rin! Hindi ka pwede sa amin tumira, puro kami boys! Ano na lang isipin ng mga tao sa paligid natin?" katwiran ni Jules.

"Ano naman kung puro kayo boys? Hindi naman siguro masamang magkasama tayo kung sasabihin mong magkapatid tay--" tinuro niya isa-isa pero todo iling naman ang tatlo. "Si Xy na lang tutal best friend ko siya! Napakasama niyong tatlo sa akin, huwag kayong hihingi ng tulong sa akin! Letse kayo!"

"Bakit naman kami hihingi ng tulong sa iyo?"

"Tse!" niyakad naman ni Claude at dalawa't binulungan. Sabay sabay silang nawala sa paningin ng dalaga. "Aaaah! Bwiset talaga kayooo! Bakit niyo ako iniwaaaan?" sigaw niya na umalingawngaw sa buong paligid na  dahilan ng pagkagimbala ng mga ibon sa puno.

---

Unti-unti na ang pagdidilim ng may mga babaeng lumabas sa bar. Isang nakahoodie'ng namumula ang mata ang tinapon ang yosi at tinapakan ito.

"Dito na ko, hindi ka pa ba sasabay?" tanong ng isa sa mga babae.

"Sasabay na ako sa'yo Bes, ikaw ba Nina?" umiling naman ang isang dalaga.

"Hindi pa! Hinihintay ko pa 'yung kameet-up ko ngayon."

"Naku! Mag-iingat ka, iba na panahon ngayon." beso nila at sumakay na sa taxi. "O, siya! Mag-iingat kaaaa beks!" tumango naman ang dalaga at tuluyang  umalis ang sasakyan. Naiwan namang naghihintay ang dalaga sa tabi ng kalsada. Tanging poste sa ilaw na lang ang nagbibigay ng liwanag.

"I'm here, Did I wait you long?" umiling naman ang dalaga at napakalaki ng ngiti habang tinatanggal ng binata ang hoodie niya.

"No! Its okay, at least you're here now." isang foreigner ang kameet up niya. "So, where do we go now?"

"Its up to you."

"Then I will lead you to my House, do you want?" lahad niya ng kamay. Nag-alinlangan pa ang babae pero inabot niya rin ang kamay nito at sumakay sa naparadang motor nito sa kadiliman. Walang agam-agam sa mangyayaring panganib ang dalawa habang nangingisi lang ang binata at lumalabas ang matatalim na pangil habang nagmamaneho.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon