---"Lexie?" sabay na tawag ng dalawa, bawat pintig lang ng puso nila ang kanilang naririnig.
Dahan-dahang tinanggal ng dalaga ang kanyang hoodie, at agad siyang kumaway.
"Hello Guys! Kamusta na?" napangiwit naman ang dalawa. "Oh bakit parang hindi kayo natuwa? Grabe kayo ah!"
"Anong ginagawa mo dito, Shiloh?" tanong ni Brent.
"Aba't syempre, hindi ba obvious? Nirerescue ko kayooo!?"
"Akala ko pa nama--" napatungo na lang si Claude.
"Hays! Grabe kayo! Ang sama niyo naman, hindi niyo man lang ba ako namiss? Mga gagi kay--" tumalsik siya dahil sa hanging sumalpok sa kanya.
"SHILOOOOH!" tawag ng dalawa, agad namang nakapagpreno ang dalaga gamit ang mga paa.
"Sino ka para saktan akooo! Papatayin kitaaa!" sugod ng masamang bampira sa dalaga.
"Shiloh!" Takbo naman ni Brent papunta sa dalaga, nahawakan niya ang paa ng masamang bampira at inihagis niya ito gamit ang lakas. Napatingin pa siya sa kanyang mga palad. Nagtataka kung bakit niya iyon nagawa. Nakatulala lang ang dalaga maging si Claude.
"Wow! Brent, bumalik na ba ang powers mo?" tanging nagtatanong na mga tingin lang ni Brent ang naisagot nito.
Sumalpok man ang masamang bampira sa isang pader ay tila wala siyang naramdaman. Agad siyang tumayo at hinawi ang buhok sabay ngisi.
"Mukhang mag-eenjoy pa ako!" muli ay namula ang mga mata nito at susugod na kay Brent ng pakawalan naman ni Shiloh ang sibat mula sa kanyang pana.
Nakailag naman ang bampira dahil sa mabilis na reaksyon nito.
"Walang kwenta 'yang gamiiit mooo!" Gitil na gitil na sigaw niya sa dalaga, labas na labas ang kanyang matutulis na ngipin. Umakto lang si Shiloh na muling papanain siya pero agad na lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan.
"Oh shit!" sinuntok ng masamang bampira, ang dalaga sa sikmura dahilan para tumalsik ito at sumalpok sa puno.
"SHILOOOH!" nagpupumilit namang makawala si Claude sa kapangyarihan ng kalaban para tumulong pero wala siyang magawa. Napatingin siya kay Xiel na wala sa sarili at nakalutang lang sa ere.
Humalakhak ang masamang bampira, seryoso lang ang lahat. Kabado lalo si Brent lalo na ng nanlilisik na titigan siya nito.
"Ikaw naman!" saad nito, agad na lumitaw ang bampira sa harapan ng binata. Ni hindi siya nakaurong at muli ay nasakal siya nito.
"Argh!" tumingin siya sa pinagsalpukan ng dalaga na ngayon ay nawalan ng malay. Hawak pa rin nito ang pana, gawa ito sa silver na alam niyang makakatalo sa lalaki. Lalo na't nakita niya ang naging resulta ng pagkakatama ng sibat sa kamay nito. Tila nasunog at unti-unting nasisira ang laman.
"Brent!" tawag naman ni Claude, napapailing naman si Riezel habang nakikita ang nangyayari sa binata. Nanganga lang si Brent at tila may sinasabi ngunit hindi maintindihan ng dalaga.
"Anong gagawin ko?" takip niya sa bibig habang maluha-luha at natatakot. Nakatitig lang siya kay Brent, pinipilit na unawain ang sinasambit nito.
Sumulyap naman si Brent kay Shiloh, agad namang nakuha ni Riezel ang pinapahiwatig nito. Dahan-dahan siyang tumakbo papunta sa kinalalagyan ng dalaga.
"Ohshit! Isa ka lang babae, bakit mo ginawa 'to." kita niya ang dugo sa bibig ni Shiloh. Naaawa siya dito, dahan-dahan niya itong hinawakan.
Nakita niya ang pana'ng hawak nito, agad niya iyong kinuha at kumuha ng sibat. Tumayo siya ng tuwid at sinipat ang masamang bampira. Nakita niya ang pagtango ni Brent at pagngiti, hindi alam ng dalaga kung anong gagawin?
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire