Trenta 'y Trez

120 5 1
                                    


Trenta 'y trez

Umuwi na si Alex sa mansyon ng mapansin siya ni Riez na nagkakape sa mga oras na yon sa Veranda.

"Ngayon ka lang umuwi?" saglit naman siyang tinitigan ng walang emosyong binata. Hindi siya nito sinagot bagkos nagderetso ito papasok sa loob.

"Parang tinatanong lang, napakasungit talaga.." ani Riez habang mariin ang paghalo niya sa kape. Hinigop niya ito dahil sa inis at naibuga rin pagka't mainit.

"O ano? Napaano ka?" tanong ng kadarating lang na si Jules habang binabasa ang libro tungkol sa buhay.

"Pwe! Kainis! Mainit nga palaa.." hipan niya sa dila niya. Napangiwit naman siya ng makita niya ang malawak na pagngisi ni Jules sa binabasang libro.

"A story of life and dea---wew?" Hindi talaga siya makapaniwala sa pamagat. Para kasing may ibang dahilan ang pagngisi ng ganoon ni Jules.

"Totoo nga ba talagang libro ang binabasa mo o may nakapatong lang d'yan na nude magazine para hindi ka lang magmukhang manyak?" taas niya ng mata upang masilip ang binabasa ng binata.

"Ano bang sinisilip mo? Paano mo nasabi, tungkol lang 'to sa buhay! Ano!"

"Ba't ang defensive mo? Patingin nga, may I see?"

"Heh! Wala nga 'to, makaalis na nga.." agad na tayo ni Jules. Napailing na lang si Riez at muling napaupo.

"Uy naiwan mo 'yung hubad na larawan ng babae dito sa upuan mo!" sigaw niya sa binata.

"Saan?" agad na pagbalik nito. Nagtaasan agad ang kilay niya.

"Sabi na nga ba e.."

"Sasabihin ko lang namang hindi sa akin 'yon! Haaays! Makaalis na ngaaa!" walk out nito. Natawa lang ang dalaga ng humigop muli siya at muling mapaso.

"Putangena!" mura niya.

---

Ang hindi nila alam ay may nagpupumilit pumasok sa harang na ginawa nila. Mga kalaban na damphir, kalahating bampira, kalahating tao na hindi makontrol ang pagiging isang tila halimaw na hayok na hayok sa dugo.

Nasusunog ng kaunti ang kanilang balat sa tuwing idadampi nila ang kanilang katawan sa kapangyarihang humaharang sa mansyon na kinalalagyan ng magkakaibigan.

Tanging ungol nila ang umaalingawngaw sa buong kagubatan. Malakas rin ang kanilang pang-amoy dahil sa kabilugan ng buwan.

Hindi naman ito pansin ng walong bampira dahil busy'ng busy sila sa kanilang mga ginagawa. At humihina rin sila dahil unti-unting naglalapit ang mga marka na nasa katawan ng mga dalaga.

"Tada! Nagluto nga pala ako ng sisig ala Xiel!!" tanggal ni Xiel sa takip ng niluto niyang recipe.

Mangiyak-ngiyak namang lumapit si Kurt na namumula rin ang mga mata. Napatingin sa kanya ang lahat.

"Anong nangyari sa'yo Dude?" tanong ni Riez dito.

"Tangena! Ayoko ng imano-manong hiwain 'yung higanteng sili! Luluwa na ang mata ko talagaaa.." hagulhol niya.

"Kawawa ka naman Kurt, masakit pa ba?" alo sa kanya ni Yuki. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nila.

"Ang sama niyo! Bwiset! Buti ka pa talaga Yuki.." hawak ni Kurt sa kamay ng dalaga. Tumango lang sa kanya si Yuki sabay ang pagngiti.

"Masarap ba ito?" tinikman naman ni Dylan ang niluto ni Xiel.

"Fuck!!" mura niya.

"Bakit? Hindi ba masarap?" ngumiti naman si Dylan.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon