Trenta y' sieteBumalik na sila Claude sa club room ng mafocus ang mata niya kay Brent na tulala at nakatingin sa labas ng binata. Nakaramdam siya ng guilt dahil parang gusto niya itong sabihin pero may pag-aalinlangan rin.
"Mukhang naenjoy niyo ang pagbababad sa labas?" sambit ni Riez na todo hawak sa mukha niya.
"Bakit todo hipo ka sa mukha mo?" tanong ni Yuki.
"Ikaw na ang cleared face.." hipo nya muli sa mukha. "Hays! May pimples na naman ako. Kairita!"
"Meron ka sigurong crush kaya meron ka nyan?" turo sa kanya ni Dylan. "Umamin ka na, sino sa amin?"
"WALA! MAMATAY NA LANG AKO KESA MAGKACRUSH SA INYO! MGA BUGOK!" singhal niya.
"Woah! Grabe! Anong bugok? Bugak ka naman!" balik ni Dylan dito. Nagkatinginan sila ng masama.
"Itigil niyo na nga 'yan." pigil sa kanila ni Xy na pilit may kinokontak sa phone niya. "Why I don't have any contact sa Euphoria? Nag-aalala na tuloy ako." pabagsak niyang pag-upo sa swivel chair at nagpaikot-ikot dun. Bigla namang lumitaw si Shiloh na dala rin ang device para makontak ang Euphoria ngunit ganoon din ang kanya. Wala ring sumasagot.
"Ano kayang nangyari kay Queen, she's not answering my call." buntong hininga rin nito.
"Huwag kayong mag-alala, I think hindi naman siya napahamak." sambit ni Claude.
"Paano mo nasabi? Meron ka bang alam?" tanong ni Shiloh. Todo iling naman ang binata. Nilapitan naman siya ni Shiloh at kinatitigan siya nito na parang may inaalam.
"Ano bang---wala nga akong alam. Basta pagkakakilala ko lang kay Queen, hindi sya mapapahamak unless wala kang tiwala sa kakayahan niya?" nanlaki naman ang mata ni Shiloh at napakibit balikat.
"Of course not! I really trust her. I smell something fishy lang kasi.."
"Baka hindi ka pa naliligo kaya nakakaamoy ka ng fishy,Shiloh?" tanong ni Kurt.
"What do you mean, Kurt? Of course naligo na ako. Iba 'yon, okay!?" singhal niya. Tumawa naman si Kurt habang nakikipaglaro ng cards kay Alex na tahimik lang at pinag-iisipan ang bawat ititira.
"Kamusta? Okay lang ba kayo dito?" tanong ni Hya pagkapasok pa lang sa pinto. Napatingin naman ang lahat.
"We're okay, how 'bout you?" tanong ni Xiel. Nginitian naman siya ni Hya at nagtungo sa may lagayan ng mga cleaning materials para ilagay ang mga hawak nitong panlinis. "Tulungan na kita!" kuha niya ng tambo dito.
"Okay lang. Kaya ko na 'to.." umiling naman si Xiel.
"Let me help you with this little things, okay?" tumango na lang si Hya. At nilagay na nila ang mga gamit sa loob.
"Thanks." nginitian naman siya ni Xiel. Pinagmasdan niya simula ulo hanggang paa ang dalaga na parang may gustong makita. Napatikhim naman si Xiel na ikinagulat niya.
"Is there something wrong?" todo iling naman si Hya at agad na napatungo. Agad siyang nagtungo palabas na ikinataka ni Xiel.
Habang nasa lambas ay pinilit kontrolin ni Hya ang sarili at kinagat ang labi para bumalik ang kulay itim niyang mga mata na napalitan ng malapusa nitong kulay.
"Okay ka lang ba?" Napaigtad siya sa pagdampi ng kamay ni Xiel sa balikat niya.
"Oo, oo ok---okay lang ako.."
"OMG! Bakit may dugo ang labi mo? Sinong may gawa n'yan?" Hindi niya napansin ang pagdugo nito. Napatodo pala ang pagkagat niya sa kanyang labi. Hahawakan na sana ni Xiel ang mukha niya ng lumayo siya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire