Vente Trez

160 9 1
                                    

---

Nanatiling nakapangalumbaba si Alex dahil wala talaga siya sa mood. Nakuha naman ang atensyon niya ng magbulungan ang mga kaklase niya. At padabog na pumasok ang isang dalaga na nakasaklob pang may nakasulat na Astig.

"Aba! Himala, pumasok ata siya ngayon?"

"Oo nga! Sa dami ng absent niya, akala ko dropout na siya."

"Kung hindi siguro siya matalino, malamang hindi na 'yan tinanggap dito."

"Tama! Napeperfect niya kasi lahat ng ipaexam sa kanya. No choice naman ang principal kun'di papasukin siya."

"Ang swerte niya kasi matalino siya." lalo lang nawala sa mood si Alex sa mga bulungang ito. Bakit ba siya nakikinig? Wala naman siyang pakialam.

Umupo naman sa tabi niya 'yung bagong saltang kaklase. Tumingin pa ito sa kanya bago inihilig ang ulo sa armchair niya.

"Nababadtrip ako! Why all of a sudden, tinubuan na lang ako ng hindi ko maipaliwanag na marka sa may likod ng tainga ko. And its hurt everynight. Sht! Is this my karma for being tamad sa lahat?" narinig naman ni Alex ang sinabi lang nito sa isip.

Hindi naman makita ng binata ang sinasabi nitong marka dahil nakasaklob ito.

"Ms. Justin, pwede bang tanggalin mo ang sumbrero mo at umupo ka ng tuwid. You're on my class!" badtrip namang tinanggal ng dalaga ang sumbrero niya at pinabayaan lang ang magulo niyang buhok.

"May suklay kaya 'to sa bahay nila?" bulong ni Alex, nabaling namang ang tingin ng babae dito.

"Hindi ko nga pinakailaman 'yang pinahid mong  harina sa buo mong katawan? Tsaka sino ka ba? Bagong salta ka lang dito!" mariing pagkakasabi nito pero sa mahinang boses lamang.

Iniwas na lang ng binata ang pagtingin dito pagkatapos ay bahagyang nangiti.

"Ngingiti-ngiti pa, mukha namang pusa! Psh." taas nito ng paa sa unahan niyang upuan sabay patong ng mga braso sa may batok.

Hindi na lang pinansin ni Alex ang mga naturan nito kahit na nabibwiset na siya. Pinagpasensyahan niya na lang kasi hindi siya pumapatol sa mga tomboy.

Palingon-lingon lang siya kapag nakikita itong pabagsak dahil sa antok. Hindi siya makapaniwalang may mas antukin pa pala sa kanya.

"JUSTIN! NATUTULOG KA NA NAMAN SA KLASE KOO!" sigaw ng guro nila ng may binatong chalk. Kahit inaantok pa ito ay nasalo nito ang chalk na tatama dapat sa mukha ni Alex.

Nanlaki lang ang mata ni Alex pati ang dalaga. Nagkatinginan pa sila sabay tingin ni Justin sa chalk na dahil sa pagpisa niya ang nadurog.

"WOOoow!" hanga ng mga kaklase. Labis naman iyong ipinagtaka ng guro nila kaya unti-unti itong lumapit sa dalaga.

"How come na masalo mo iyon even though hindi ka naman nakatingin sa chalk?" mapagmatyag na tanong nito.

"Because of gravity and Force? I don't  know exactly what happen, because you saw that I'm sleepy, kusa na lang gumalaw ang kamay ko to catch your chalk. Ow.. You forgot Mrs. Dela Paz, the number one rule."

"What?" alam naman nito ang nais ipahiwatig ng dalaga kaya luminga na ito pabalik sa harapan.

"Better luck next time, Mrs. Dela Paz." nanggagalaiti lang habang pabalik sa may desk niya ang byuda ng guro. The number one rule. 'Huwag mananakit ng mga estudyante'

Pumangalumbaba na lang ito at tiniis na lang ang antok habang inaantok na rin si Alex. Napailing na lang ang guro.

"Ngayon, dalawang estudyante na ang tulugin sa klase. Pasaway!" bulong ng guro na narinig naman nila. Dumating naman si Kurt na kasama si Yuki. Humingi sila ng pasensya sa guro na agad naman silang pinaderetso sa mga upuan nila.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon