Disisyete

171 8 1
                                    


---

"Sino siya? Si Lexie?"

"Huh? Hindi po!" Agad na iling ng dalaga, nanahimik pa ang paligid. Wala pang nakapagsalita.

"Joke lang!" hirit ng kanilang ina, "Nanahimik na kayo d'yan, mga Kurimaw!"

"Huwag ka kasing magjoke ng ganon, Ina. Baka maniwala si Brent."

"Si Brent lang ba talaga?" nanahimik naman ang anim at napakagat labi.

"Oo nga pala, sandali lamang kami dito at babalik na rin kami." ani Xy.

"I know. Sana makita niyo na agad ang hinahanap niyo, kung sino ba ang gusto niyong maha...nap? Si Le--ba o ang prinsesa?"

Natigilan ang anim, natigilan din si Xiel at nakatingin lang sa mga ito.

"Nga pala, nice to meet you magandang binibini." bati sa kanya ng Ina ng pito.

"Nice to meet you rin po." tugon niya naman. Inakbayan na ni Dylan si Xiel at itinalikod na.

"Aalis na kami Ina, mag-iingat ka dito. Huwag kang manlalaki!"

"Gago--" pitik sa kanya ng kanilang ina mula sa malayo. Napahipo na lang si Dylan sa ulo sabay iling.

"Pagpasensyahan mo na siya, buang din kasi 'yang si Ina." sabay kindat at alis niya ng akbay sa dalaga.

Sabay-sabay na silang umalis, nahuli pa ng kaunti si Claude kaya hinintay pa nila.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kurt.

"Pinagsabihan ko pa 'yung limang kupal. Ang titigas ng ulo." badtrip na sagot niya.

"Ano na naman bang ginawa?"

"May itinatago sa akin pero hindi ko mabasa ang nasa isipan nila."

"Sigurado naman akong hindi masama 'yon, kilalang-kilala natin si Clyde, Tol. Ang matibay lang talaga ang mukha doon ay ang pinsan ko, Si Rance." ani Kurt.

"Oo, sinabi mo pa. Bakit kaya hindi sya sa'yo nagmana Kurt?"

"Kasi mas gwapings ako sa kanya,Dylan! Yan ang pinakamaiksing paliwanag d'yan!"

"Wew?" sabat ni Alex.

"BROOOO?"

"Tama na nga iyan, may utak naman 'yang sila. Bumalik na tayo, ilang araw na rin tayong wala doon."

"Huh?" naguguluhang tugon ng dalaga, tinignan lang siya ni Xyrus at umokey sign sa kanya.

Nakita niya ang portal, una ng pumasok si Claude at sunod-sunod na sila. Naiwan na lang siya at si Xyrus.

"Una ka na!" pauna sa kanya ng binata.

"Sandali Xy!" tawag sa kanya ni Shiloh, "may ibibigay lang ako." napakamot naman ang binata, pumasok naman na ang dalaga kahit na gusto niya pang makiusyoso.

"Heto pala, pinapabigay ni Queen. Kung paano niyo mahahanap ang mga pieces of clue para mahanap ang vampire princess."

"Bakit hindi pa kanina?"

"Bata lang tignan si Queen pero gurang na 'yo--" Naramdaman niyang may pumingot sa tainga niya. "Aray! Queen, oh my gosh I'm sorry na!" bahagya namang natawa si Xyrus.

"Oh sige mauna na ako, mag-ingat kayo dito." At tuluyan na siyang pumasok sa portal. Nakita niya ng may kanya-kanya ng upo ang lima. "Nasaan na siya?" hanap niya sa buong bahay nila.

"Hinatid na siya ni Brent." sagot ni Jules.

"Bakit hindi si Clau--"

"Bakit ako pa? Bakit ako lagi?" tayo nito at pasok sa kwarto.

IAWTSV3: The Seven Vampire's journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon