Trenta 'y Sais
Marahas na isinarado ni Lexie ang pintuan matapos niyang makapasok sa Club room nila. Labis naman itong pinagtakhan ni Lyn pero mas nagtaka siya ng may kumatok.
"Sino naman kaya ang bisita mo?" sipol ni Lyn at punta sa may pinto.
"Wala akong pakialam kung sino 'yang kumakatok! Basta ang nararamdaman ko ngayon, alam mo? BWISET!" singhal niya sabay tapon ng unan sa pader. Pabulong-bulong pa siya ng buksan na ni Lyn ang pinto.
Nakatungo siya kaya hindi niya agad nakilala kung sino ang bisita.
"Anong maipagliling---kod nami.."habang unti-unti niyang tinitignan kung sino ito. Napatakip na lang siya sa bibig at napalingon kay Lexie ng agad na pumasok si Claude.
"Lexie?"tawag ni Claude sa dalaga, agad namang lumingon ang dalaga at nagkibit-balikat.
"Himala! You're here at my club? Anong ginagawa mo dito?" pagtataray niya. Nilapitan naman siya ni Lyn na patango-tango lang.
"May gusto lang sana akong itanong?" tila napakainosente ng mukha nito at talagang mabibighani lahat ng makakita.
"Sht!" naibulalas na lang ni Lexie. Nasapo niya ang kanyang noo at seryosong tinitigan ang kaharap. "Ano bang itatanong mo? Go! Spill it out, I'm waiting! Hurry!"
"Gusto ko sanang..." baling ni Claude kay Lyn na agad naman niyang nagets.
"Lumabas ka nga muna Lyn, mukhang malupit na sikreto ang sasabihin ni Claude sa akin."
"Pero...gusto ko ring marinig?" sinitsitan naman siya ni Lexie at tinaasan ng kilay. Sinenyasan pa siya nito na nakakarinig siya kahit na nasa labas niya. Napangiti naman siya at natapik pa si Claude bago lumabas.
"So ano na ngang sasabihin mo, pinalabas mo pa si Lyn?" lumapit naman sa kanya si Claude na ikinabigla niya.
"Lexie?"
"Ha?" naiintimidate siya sa binata dahil ang lapit na nito sa kanya. Kadikit niya na ata ang dibdib nito pero ayaw niya itong tingalain dahil baka magtama ang mata nila. Bahagya niya pang naitulak ang kaibigan.
"Ano bang sasabihin mo? Bakit may paglapit pang gan'yan?" hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Claude sa kanya. Pinitik siya nito sa ilong na nagpapula sa tainga niya dahil sa labis na kaba.
"Miss you.." natameme siya sa mga ngiti nito at nabanggit. Tinulak niya muli ito at tinalikuran.
"Miss you? Miss you ka pa d'yan, e kung ipagtabuyan niyo nga ako wagas! Sinungaling tss.."
"Bakit ba kasi hindi ko agad napansin na ikaw talaga 'yan, Prinsesa ko?" nasamid naman si Lexie.
"Ano? Anong prinsesa? Ga---gago!" nautal na singhal niya dito. Bigla naman siyang niyakap ni Claude na mas lalo niyang ikinagulat.
"Namiss talaga kita Lexie, sobra-sobra!" pahigpit ng pahigpit na yakap niya dito. Parang hindi na tuloy makahinha ang dalaga.
"Aack! Pigilan mo nga sarili mo, hindi na ako makahingaa.." reklamo niya dito. Agad namang bumitaw si Claude sa pagkakayakap dito at naghabol naman ng hininga ang dalaga.
"Sorry.." tinaasan siya ito ng kilay.
"Alam kong namimiss mo ako pero gusto mo na rin ata akong patayin e no?" natawa naman si Claude. "Anong nakakatawa?" singhal niya.
"Bakit ba hindi kita nakilala agad?"
"Kasi mas gumanda ako lalo, kaya gano'n! Akala niyo naman forever na akong manan.." natigilan siya ng hawakan ni Claude ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampirosThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire