---Xiel point of view.
"WAAAAHHH!"
Napakalakas kong sigaw habang hindi ko maintindihan kung saan ako babagsak galing sa portal na humigop sa akin.
Pero buti na lang, hindi ko expected na sa napakalambot na kama ako babagsak. Ang bango, ang sarap higaan.
Narinig ko ang mga yabag mula sa labas ng napakalaking pintuan.
"Nandyan daw ang prinsipe!"
"Bumalik na silang magkakaibigan! Sa wakas!"
"May magandang balita na kaya sila tungkol sa prinsesang hinahanap natin?"
"Oo nga, halina't pumunta tayo doon ng malaman natin."
Mga usap-usapan sa labas, agad naman akong tumayo at lumapit sa may pintuan. Pinakiramdaman ko muna dahil baka may tao pa sa labas.
"Saan kaya bumagsak 'yong pitong 'yon?" I murmur. Dapat walang makaalam na nandito ako, dapat nakasunod lang ako sa kanila. Dahil hindi ko alam kung paano ako makakauwi.
Buti na lang talaga at swerte ako ngayon, bukas ang napakaantigong pinto na nababalutan ng dyamante't ginto.
"Oh my gosh!" naisigaw ko dahil may nalaglag na kung ano man sa may tabi ng bintana. Agad-agad naman akong tumungo doon dahil narinig ko rin ang mga yabag ng mga tao sa labas. Nagtago ako sa ilalim ng kama ng biglang bumukas ang pinto.
Ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon dahil sa kaba. Oh my gosh, sabi na nga ba 'pag sinuwerte ako tiyak mamalasin din ako agad. Nakita ko 'yung frame sa tabi ng mesa. Sigurado akong ito iyong nalaglag.
"Oh bakit nandito ka na agad sa kwarto mo?" boses lalaki na pumasok pa sa kwarto. Naramdaman ko ang paghiga ng pumasok kanina sa kama. Tila hindi na ako makahinga, tangna!
"Wala!" pamilyar ang boses niya, hindi ako pwedeng magkamali. Kung ganoon, kwarto niya 'to?
"Ano? Kamusta naman ang misyon niyo?" papunta siya sa gilid ko kaya sumuksok pa ako ng husto sa ilalim. "Oh nalaglag na pala 'yung painting mo kay Noona Lexie, Hyung?" pinulot niya iyon ng tumigil pa siya. "Parang may mali?" Hala! Paano kung sumilip siya dito, mabubuko ako ng wala sa oras. OMGEE!
"Ano namang mali? Akin na nga 'yan!" galaw ng bwiset na lalaking 'yon sa ibabaw ng kama. Ays! Nakakainis, ang bigat mo ah!
"Wala ka bang nararamdamang kakaiba? 'Yung parang may ibang nandit--"
"Meow! Meow!"
"Oy si Lexir! Halika dito.." nakita ko 'yung pusa, nakita niya din ako. Magkaiba ang kulay ng mata niya, isang asul at isang dilaw, tapos kulay itim pa siya. Ngumisi na lang ako kahit alam kong hindi niya 'yon maiintindihan. Papunta sana siya sa akin ng mabuti na lang ay kinuha siya ng lalaki.
"Gusto ko munang magpahinga, mamaya na lang tayo mag-usap, bro."
"Sige, ikaw bahala! Ayoko rin namang makaistorbo sa inyo---" napalunok ako, sinong inyo? "ni Lexir! Kita kits mamaya Hyung! Gusto ko kayong makalaro sa basket nila Hyung Brent."
"Tss. Oo na--alis!" bumaba na rin 'yung pusa at muli ay papunta na sa akin ng makita ko na lang nakasilip na si Claude sa akin.
"Hah! O--"
"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandiyan ka?" taas kilay niyang tanong. Dinilaan naman ako sa mukha ng pusa niya.
"Ah! Stop! Ning ning, huwag! Nakakakilit--"
"Lumabas ka nga dyan tapos umalis ka na dito, paano ka nakapasok dito? Hindi ba hinatid na kitang umuwi? Nakasakay ka na sa taxi!?" lumabas naman ako at pinagpag ang damit ko na puro agiw, halatang hindi nililinis ang kwarto niya.
BINABASA MO ANG
IAWTSV3: The Seven Vampire's journey
VampireThe seven vampires is comeback ALL RIGHTS RESERVED 2019 #113 in Vampire