Prologue

7.9K 95 3
                                    

Xiara Kim's POV

“Xia!” Tumingin ako sa aking likod ng marinig ko ang aking pangalan.

Tumakbo siya sakin palapit at niyakap ako ng mahigpit, natawa nalang ako sa inasal niya.

“Para namang hindi tayo nagkita kahapon?” Natatawang sambit ko. Humiwalay siya sakin ng yakap at sinamaan ako ng tingin pero bigla ‘tong nagbago at nagtatalon.

Kahit kailan talaga ang babaeng ito, napaka bipolar. Kaya nakakagulat siya eh, masaya tapos mamaya biglang magiging malungkot.

“Oh my gosh, finally! May pasok na ulit. May allowance na ulit ako!” Napatakip ko ang dalawa kong tenga sa lakas ng boses niya.

Grabe, nakalunok ata ng microphone itong babaeng ‘to eh! Pakiramdam ko dudugo yung tenga ko sa lakas ng boses niya.

“What the hell! Ang sakit sa tenga!” Inis na sigaw ko sa kaniya pero nag-peace sign lang ito.

“Hey! Ang ingay nyo riyan ah?” Napatingin kaming dalawa ni Elaiza sa likod namin.

Nanlaki ang mata ni Fyi ng tumalon si Elaiza sakaniya at niyakap siya. Natawa nalang ako ng matumba silang dalawa.

“Magkakaklase ulit tayo!” Napatakip muli ako ng aking tenga ng tumili si Elaiza.

Siguro mas maganda kung lagi ko nalang takpan ang tenga ko tuwing kasama ko si Elaiza.

Nang bumangon si Elaiza doon lang din nakabangon si Fyi habang nakakunot ang kaniyang noo. Napangisi na lamang ako.

“Feel me?” Ngising sambit ko. Inirapan niya, natawa nalang ako.

Nagulat kaming dalawa ni Fyi ng hilain kaming dalawa ni Elaiza. “Arat na! Punta muna tayo sa canteen.” Sambit niya at patuloy pa rin sa paghila sa amin.

Napailing nalang ako ng bitawan niya kami ng makarating kami sa canteen. Pumila kami upang makabili ng pagkain.

Ang hirap talaga kapag kasama mo si Elaiza. Pakiramdam ko may kasama akong bata.

Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng may bumangga sakin dahilan para matumba ako sa sahig.

“W-what the?!” Agad akong tumayo ng makita ko na pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa paligid.

Yumuko ako para makita ang bweset na bumangga sakin. Tumayo ito ng matapos niyang kunin ang kanyang dalang mga libro. Akmang aalis na ito ng inis na hinawakan ko ang kaniyang braso at iniharap sakin.

Nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy sa kamay ko pero hindi ko yun pinansin dahil sa bweset na babaeng ito na sumira sa maganda kong mood!

“Hindi mo ba ako nakita?! Ikaw na nga itong nakabangga tapos hindi ka man lang humingi ng sorry o bigyan mo man lang ako ng tingin?” Inis na bulyaw ko sakaniya.

Wala akong pake sa mga estudyanteng nakatingin sakin dahil sa lakas ng pagkakabulyaw ko sakaniya. Inalis niya ang kamay ko at seryosong tumingin sakin.

“Ok na? Tinignan na kita.” Sambit niya na tila ba boring na boring na.

Talagang iniinis ako ng babaeng ito eh. Akalain mo ba naman na sagotin niya ako ng ganiyan eh kasalan niya naman.

“Aba?!” Kunot-noo kong sigaw sakaniya.

“Bakit ka ba na sumisigaw? Nasa harap mo lang naman ako diba? Anong gusto mo lumuhod ako sa harap mo at humingi ng sorry?" Seryosong sambit niya.

Napapikit nalang ako ng maririin. Lahat ng mga estudyante dito sa campus ay kahit kailan ay hindi ako kinausap ng ganiyan dahil respetado nila ako pero siya? Talagang iniinis niya ako.

“Bilisan mo, nagmamadali ako.” Sambit niya at tinignan pa ang kamay niyang may relo.

“Pagbabayaran mo ‘to–” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng sumingit siya.

“Tapos ka na? Ok, bye.” Sambit niya at umalis sa aking harapan.

“Bweset!" Inis na sigaw ko at pumukit ng mariin.

Nilibot ko ang paningin ko at mas lalo akong na bweset ng may mga estudyanteng nagbubulongan na hindi maganda ang mga binubulong sa isa't isa.

“Pwede ba, tumigil nga kayo?!” Inis na bulyaw ko sakanila dahilan para yumuko sila at manahimik.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tumalikod ako at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpapahiya sakin. Sisiguradohin ko na luluhod siya sa aking harapan upang humingi ng tawad.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon