Pumasok ako sa loob ng restroom. Wala naman palang ganap dito, anong kinakatakot niya? Napailing nalang ako at pumasok sa cubicle. Ng matapos ako ay lumabas na ako ng cubicle at naghugas ng kamay.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking kamay. Nabitawan ko ang tissue dahil sa gulat ng may narinig akong malakas na kalabog. Dinampot ko ang tissue at tinapon.
Muli kong narinig ang malakas na kalabog pero ngayon ay may boses na kasama. Lumabas akong restroom at nilibot ang aking paningin. Ngayon naman ay walang kalabog, baka naman wala lang yun?
Naglakad ako pa alis sa lugar na iyon. "Damn!" Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun.
Bumalik ako don. Imposibleng walang tao dito. Pinakinggan ko muli ang ingay, sinundan ko ang kalabog. Nasa tapat ako ngayon ng restroom ng mga lalaki, hindi naman siguro weird kung nasa tapat ako dito diba?
Sinubukan kong buksan ngunit naka lock ito. Kumatok ako ng tatlong beses, "May tao ba?" Tanong ko.
"F-finally! Oo, meron." Pamilyar ang boses niya, Xiara? "Buksan mo ‘to, please." Batid ko sa boses niya ang pagmamakaawa.
Kinuha ko ang hair pin na nasa bulsa ko, sinubukan kong buksan ang door knob gamit ang hair pin na hawak ko. Ng tuluyan kong mabuksan ang pinto ay natumba ako dahil sa pagyakap niya.
"Uh.." Kinalabit ko siya dahil mukhang ayaw niya ako bitawan. Mabilis siyang bumitaw at tumayo na para bang walang nangyare. Wow ah? Parang hindi ako niyakap ng pagkakatagal.
Tumayo ako at pinagpag ang aking damit. "S-salamat.." Lumingon ako sakaniya. Kung tutuusin hindi ko inaakala na manghihingi siya ng tawad.
"Okay." Sinamaan niya ako ng tingin. Ano na naman ba?
"Tsk!" Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya. Ang pikon naman.
"Sinong nag-lock dito sayo?" Tanong ko. Humarap siya sakin at tumitig sakin ng pagkakatagal, matatapos nalang ang oras.
"Pwede bang sabihin mo nalang? Hindi pa ako tapos kumain." Umirap siya sakin at tumalikod.
"Sino pa ba, edi kaibigan mo." Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.
Tama nga ako.
Bumalik na ako. Sinalubong ako ni Zane na para bang hindi mabalisa. "S-saan ka nagbanyo?" Pilit siyang ngumiti.
"Bakit pati pagbanyo ko kailangan mong alamin?" Kunot-noo kong sambit.
"Wala lang! Tanong lang." Tinignan ko siyang mabuti.
"Hoy kayong dalawa, tara na." Tumingin sakin si Sora. "Gaga ka, binalik ko yung pagkain mo. Tinikman ko, tangina. Sobrang pait nga kaya binalik ko tapos muntik pa ako makipag-away sa tindera don buti napigilan ako."
Napailing nalang ako. "Balik na tayo. Mamaya nalang ulit ako bibili ng pagkain, hindi pa naman ako gutom."
Tumango si Sora at nauna ng maglakad. Pasimple kong tinignan si Zane na tila ba hindi mapakali, napangisi ako dahil sa mga kilos niya.
Oh nga naman..
Xiara Kim's POV
"Xiara!" Tumakbo palapit sakin si Elaiza at isang batok ang natanggap ko sakaniya. "Saan ka ba galing?! Kanina pa kami naghihintay."
"Sorry na. Nakatulog ako don sa lumang building eh." Palusot ko. Ang totoo niyan kinulong talaga ako, grabe.
"Akala ko ba magbabanyo ka lang tapos nakatulog ka na?" Isang batok muli ang natanggap ko.
Hinawakan ko ang ulo ko kung saan tumama. "Ano ba! Pang-ilan na yan."
"Deserve mo yan!" Inirapan ko lang siya. "Alam mo ba na halos lahat na ng tao dito sa campus pinagtanongan namin?"
"Oh tapos?" Mahinang bulong ko. Isa muling batok ang natanggap ko. "Aray!"
"Nabulong ka pa eh!" Sinamangutan ko siya. Aray ah, ansakit na non.
"Xiara," Lumapit sakin si Fyi. "saan ka ba galing? Kanina oa kami naghahanap sayo." Nag-aalalang giit niya.
Oh buti pa ‘to hindi namamatok. "Nakatulog lang ako don sa may lumang building, hindi ko napansin yung oras."
Bumuntong hininga siya. "Tara na, last subject nalang tapos na."
Inirapan ako ni Elaiza at naunang maglakad sa amin. "Lagot ka." Natatawang sambit ni Fyi na inilingan ko lang.
Sumunod na ako sakanila papuntang classroom. Ang totoo niyan ay ayokong sabihin sakanila kung ano ang totoong nangyare dahil panigurado baka ano na naman ang sunod na gawin nila, mas lalo na si Elaiza.
Natapos na ang klase pero hanggang ngayon ay dinadaldalan pa rin ako ni Elaiza. Wala naman akong magawq habang si Fyi tinatawanan lang ako.
"Una na ako, bye!" Kumaway sa amin si Fyi at tinawanan pa ako.
"Elaiza uwi na ako ah?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kapag ikaw pa talaga inulit mo yun, alam mo bang lagi nalang kaming nag-aalala sayo?" Ayan na naman siya. Paulit-ulit naman sinasabi niya eh.
"Opo, hindi na po mauulit." Malumanay kong sambit. "Uwi ka na, anong oras na oh."
"Bahala ka sa buhay mo!" Inirapan niya ako bago tumalikod at umalis.
Napabuntong hininga ako. Panigurado babalik din yan ulit bukas, makakalimutan niya rin lahat ng mga sinabi niya. Pag sinabi namin lahat ng sinabi niya mula ngayon hanggang kanina ay hindi siya maniniwala na siya yun.
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar papuntang condo ko. Habang nagmamaneho ako ay may naisip ako, napangisi ako dahil sa planong aking naisip.
Tignan natin kung hanggang kailan kaya mong magtago..
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...