Xiara Kim's POV
Habang naglalakad ako papasok sa building ng Grade 12 na pinapasukan ko ay na tyempuhan ko si babaita na may kasamang isa pang babae. Mukhang kaibigan ni babaita.
Tinignan ko ang hawak kong plastic bottle, napangisi naman ako at ininom ito. Ng maubos ay tinakpan ko at inahagis sa ulo ni babaita at ang malupit ay saktong-sakto talaga.
Napabungisngis naman ako. Inis na lumingon ito. "Psst! Sorry ah? Nadulas kamay ko eh." Napatawa ako ng lumingon ito sakin.
Kita ko naman ang inis na mukha nito na para bang nagtitimpi pa, nilingon ko ang babaeng kasama niya.
"Hoy! Ikaw babae ka! Ngudngudin ko 'yang nguso mo e! Ganda ka, 'te? Ganda? Pigilan nyo ko, bweset ka! Pwe!" Inis na sigaw ng babaeng kasama niya.
Ngumisi lang ako at nagkitbalikat. "Bye!" Natatawang sambit ko at winagayway ang kamay ko.
Lumingon ulit ako sakanila at nakita ko naman ang babaeng kasama niya na susugod sana sakin kaso pinigilan siya ng kasama niya.
Nang makarating ako sa classroom ay wala pa gaanong tao. Wala padin sila Elaiza kaya naman tumungo muna ako.
Ang boring, parang gusto kong..
Nilibot ko ang paningin ko kaso wala akong makitang pwede awayin. Tumayo muna ako at lumabas, wala pa namang eight thirty kaya pwede akong maglibot muna.
Habang naglalakad ako palabas sa room ay hinarangan ako ng isang babae, isa 'to sa mga fan girls ni Jiyo na hindi natatakot sakin. "Hoy! Akin lang si Jiyo! Ahas ka." Sambit nito at dinuroduro pa ako.
"Oh really? Hmm." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi pasado." Sambit ko at nilagpasan siya. Wala lang gusto ko lang siyang inisin.
"Kinakausap pa kita! Ahas ka." Rinig ko sigaw nito. Apaka ingay, ayoko ng ganyang kaaway, akala mo matapang, weak naman pala.
Humarap ako dito. "Kaano-ano ka ba niya ah?" Mataray na sambit ko at inirapan siya, lumapit siya sakin.
"Ako?! Ako lang naman ang jowa niya!" Napatawa ako sa sinabi niya.
"Tangina! Ikaw? Jowa? Nako! Itigil muna 'yan babae kase isa ka lang sa magiging laruan." Iling na sambit ko habang natawa.
"At pano mo na sabi 'yan ha?" Inis na sambit niya.
"Alangan sinabi ko 'e." Sambit ko at ngumisi. Kita naman sa mukha niya ang inis. Ay naku! Nakakatamad asarin ito.
Tinignan ko ang paligid, marami naring nakakaagaw ng atensyon itong babae. Nagulat ako ng biglaang pagsugod nito kaya natumba ako sa pagtulak niya.
"Wait! Hindi pa ako handa eh." Sambit ko at pinagpag ang uniform ko ng makatayo ako.
Ngumisi ako sakanya at lumapit sakanya. Akmang sasampalin niya ako ng hawakan ko ang kamay at ang isa pang kamay niya at inalagay sa likod niya.
"Alam mo? Masyado kang tanga, Lahat ng nagiging ka relasyon niya ay ginagawa niyang laruan, ok? Bakir ba kase ako yung pinagbubuntunan ng galit ninyo? Wala naman akong ginagawa? Kung nagagalit kayo sa ka sweet-an namin eh, bahala ka na d'yan matagal na kaming sweet, okay?" Mahabang sambit ko at hinawakan ko ang balikat niya at pinaluhod sa harap ko.
"Matutong lumugar, okay?" Sambit ko at ngumisi. Naglakad na ako papalayo.
Sweet nga kami, wala namang kami.
Sora Jong's POV
Nang matapos ang klase namin ay hindi pa rin ako maka move on sa babaeng 'yon. Porket kinikilig ako sakanila ni Jiyo ay papatulan ko talaga 'yon!
"Hoy! Jeya, Bakit ba 'yon ganun sayo?" Tanong ko pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Aba't puta, pigilan nyo ko. "Hoy! Tinatanong kaya kita!" Inis na sambit ko pero hindi manlang sumagot. "Aba't! Kutungan kaya kita, ah?" Sambit ko.
"Sige, gawin mo." Halos magtaasan ang mga balahibo ko sa boses niya.
Bad trip 'to pre. Epal kase na Xiara 'yon e. "Sabi ko nga hindi kita kukutongan." Nakangiwing sambit ko.
"Tahimik." Halos tuluyan ng magtaasan ang mga balahibo ko. Kaya ayoko inisin 'to 'e.
Bweset pre, manunuyo na naman yung lalamon ko nito! Ang tahimik eh. Hindi kaya siya natutuyuan ng laway sa tahimik niyang 'yan?
"Hindi." Maikling sambit nito na ika pag-taka ko.
"H-ha?" Nagtatakang sambit ko.
"Wala." Seryosong sambit nito at tinuloy ang pagbabasa niya.
Nanahimik nalamang ako. "Hey?" Halos mapatalon ako sa gulat ng may marinig akong nagsalita sa likod ko.
"Ay potang butiki! Ano ba 'yon?" Inis na sambit ko na ika kamot ng lalaki sa batok niya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, "Pre? Nasa langit naba ako? No, naman ayoko pa." Bulong ko.
Pano ba naman kase ang gwapo! As in ang gwapo! "Y-yes? D-do you need anything?" Pilit kong tinatago ang landi sa tono ko.
Mamaya na landi, Sora maya na.
"Uhm? Pwede bang makipag-friends? Wala kase akong friends dito eh." Nahihiyang sambit niya.
Ang cute! Ito na ba 'to? Soulmate? Ikaw naba yan?!
"Sure! Sora." Sambit ko at ngumiti.
"Zane." Sambit niya at ngumiti rin, ang gwapo niya.
Nagkwentuhan lang kami dahil wala daw ang next subject. "Matanong ko lang, nagkaron ka na ba ng girlfriend?" Sambit ko.
"Girlfriend? I'm gay." Nakangiting sambit niya na ikangiwi ko.
"G-gay?" Pagpapanigurado ko tumango naman ito ng alanganin.
"Why? Galit ka ba sa mga tulad namin?" Sambit niya.
"W-what? No! Nagulat lang ako kase hindi halata sayo." Sambit ko. Kala ko si the one na.
"Mahirap na, marami kaseng mga galit sa tulad namin kaya lagi kong tinatago." Sambit niya.
Napanganga naman ako. Itinikom niya naman iyon. "Hoy bakla! Ngayon masanay kana ah? You will kita kita na the totoo me!" Sambit niya nginitian ko naman 'to ng awkward.
"Oo nga pala, Ito si Jeya, tahimik yan tsaka apaka cold! Ako natutuyuan ng laway jan eh." Bulong ko kase baka marinig ko nito.
"H'wag ka ng bumulong, rinig na rinig ko." Sambit niya habang naka-tuon padin ang atensyon niya sa libro. Natawa naman si Zane habang ako ay nakangiwi lang.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...