Xiara Kim's POV
Naiwan akong mag-isa habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sakin, bumuntong hininga ako at lumabas. Wala sa sariling pumunta ako kila Fyi, hanggang sa natapos ang paggala namin ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya.
Naiinggit siya dahil lang may tunay ako na kaibigan? Hay, ako nga ang naiinggit sakaniya eh. Siya tinuturing siyang anak nila Mommy, samantalang ako..
Umiling ako at hininto ko ang kotse ng makarating ako sa condo. Binuksan ko ang pinto at dumeretso sa kwarto. Umupo ako sa kama at tinanggal ang aking sapatos.
Binato ko ito kung saan at humilata sa kama, muli akong bumuntong hininga.
"Sorry?! Mababago ba ng SORRY mo ang nangyare?! Hahaha! Naiinggit ako sayo! Naiinggit ako dahil may mga tunay na kaibigan ka! Samantalang ako... Argh!"
Bakit ba ayaw niyang maniwala? Hindi ko naman alam na 'yon pala ang laman non. Kung sana ay alam ko lang, hindi ko na ginagawa 'yon.
Flashback
Pinagmasdan ko ang mga taong nag-uusap at nagtatawanan. Umupo ako sa gilid malayo sa mga tao at sakto naman na dumating sila.
"Antagal niyo naman." Sambit ko at sumipsip ng inomin.
"Sorry naman, ito kase si Fyinora antagal." Natatawang sambit ni Elaiza.
"Ano ba! Fyi nga, not Fyinora." Inis na sambit ni Fyi kaya natawa kami.
May lumapit sam ain na lalaki at inaya si Elaiza sumayaw. Iniwan ako ni Fyi dahil tinawagan siya ng Mommy niya.
Lumapit sakin si Freya at umupo sa tabi ko, "Xia naman, ba't ka pa nagsasalamin. Hindi naman malabo ang mata mo." Natawa ako sakaniya.
"Style ko kase 'to." Inirapan niya lang ako at tinanggal ang salamin ko.
"Tsk, masasabi ka talagang nerd n'yan! Hindi mo ba alam na naiinis ako sa mga nagsasabi sayo non, hampasin ko sila ng heels ko eh!" Tinanggal niya ang salamin ko at nakangiting humarap sakin.
"Oh diba! Mas lalo kang gumaganda kapag wala 'yang makapal mong salamin."
"Amin na nga 'yan." Natatawang sambit ko at hinablot sakaniya ang salamin ko.
"Asan na ba yung kambal mo? Jusmiyo marimar, ang kupad mag-ayos." Natawa ako sakaniya, "Happy pill mo na ako n'yan? Kanina ka pa tawa nang tawa eh."
"Ayon na pala siya 'e," Turo ko kay Xiar na naglalakad palapit samin.
"Salamat naman at dumating ka na! Antagal ha?" Ngumiti lang si Xiar sakaniya at yumakap sa akin.
"Bleh, sino ba kaseng nagsabi sayong hintayin mo ako?" Tinanggal ni Freya ang heels niya at mabilis naman na tumakbo si Xiar paalis na hinabol naman ngayon ni Freya.
Halos mamatay ako kakatawa habang pinagmamasdan sila, tanaw ko si Jiyo kung nasaan ako at nakikipaglandian na naman sa mga babae.
May lumapit saakin na babae, nakangiti siyang umupo sa tabi ko. "Ansaya nila 'no?" Lumingon ako sakaniya.
"Ha? Ah, oo nga." Ngumiti siya sakin at may inabot, "Ano 'to?"
"USB?" Natatawang sambit niya.
"No! I mean, anong gagawin ko dito?" Sumanday siya sa upuan.
"Paki-play mamaya, may gagawin kase ako eh." Nagdadalawang isip akong tumingin sakaniya, "Ah sige, okay lang. 'Wag na pala." Malungkot na sambit niya.
"Aba, amin na! Ako na." Ngumiti siya sakin ng malawak.
"Salamat, Xiara." Alam niya pangalan ko? Sabagay, sikat ako na nerd dito!
"Wait! Anong pangalan mo?" Huminto siya sa paglalakad at lumingon sakin.
"Aliya! Bye." Kumaway siya saakin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Pumunta ako sa likod ng stage at sinaksak ang USB at pinlay ang video, ng matapos ay hindi ko ito nilingon at lumabas sa likod ng stage.
"Omg?! What the hell?"
"Ew, what a slut!"
"Omghad, sino nagpalabas n'yan?"
"Threesome, pre! Hahaha."
Nagtataka akong tumingin sa mga tao, nagsialisan ang mga tao sa gitna at 'don ko napansin si Xiar at Freya na nakatitig sa screen.
Lumabas ako ng stage saktong lumingon sakin sila Xiar, hindi ko sila pinasin at tumingin sa screen. Gulat na napaatras ako ng makita ko ang nasa screen.
"S-sinong naglabas n'yan?! Sino?!" Sigaw ni Freya.
Tinuro ako ng isang estudyante, "Nakita ko 'yang nerd na 'yan!"
"Itigil niyo 'yan! Please!!" Naiyak na sigaw ni Xiar.
Nanlislisik ang mata ni Freya lumapit sakin, sa isang iglap ay dumapo ang palad niya saking pisnge. Napaatras ako dahil 'don habang hawak-hawak ang aking pisnge.
"Bakit ikaw pa?! Sarili mong kaibigan at kakambal sinaraan mo!"
"H-hindi ko 'yon sinasadya.." Yumuko ako, at sa pangalawang beses ay muling dumapo ang palad niya sa mukha ko.
"Hindi sinasadya?! Nadapa ka ba’t biglang nai-play mo? Saan mo nakuha 'yan!?" Umatras ako sa takot.
"What the hell is happening here?! Stop that video! All of you! Go to my office!" Pinagmasdan ko si Freya habang umalis sa harapan ko.
Ikinuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa sahig. Saking pag-angat ng tingin ay tumambad sakin ang mukha ng aking mga magulang.
"Paano mo nagawa 'to sa kapatid mo?!" Mabilis niya akong sinampal at inawat naman siya ni Daddy.
"Mag-uusap tayo mamaya." Umalis sila sa harapan ko.
"H-hindi ko naman 'yon sinasadya eh." Bulong ko habang nakatingin sa screen na nakapatay na.
End of Flashback
Bumuntong hininga ako, sabagay... mahirap nga naman paniwalaan na hindi ko 'yon sinasadya. Maraming mga chismis ang kumakalat tungkol 'don.
Pinagsisihan ko naman 'yon, hanggang ngayon ay hindi ko pa 'din nahahanap ang babaeng nagbigay sakin ng usb. Kung sana alam ko lang talaga na ganon ang laman non, hindi ko nalang ginawa.
Sinira ko ang relasyon namin ng kaibigan ko, pati ang kakambal ko. "Aliya, anong dahilan mo at ginawa mo 'yon?"
Tumayo ako at kinuha ang towel na nakasampay, pumasok ako sa banyo at sinampay ang towel. Hinayaan ko ang tubig dumaloy saking katawan.
"Sana hindi nalang 'yon nangyare.." Bulong ko at pumikit habang ninanamnam ang mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...