Chapter 5

1.1K 18 0
                                    

Xiara Kim's POV

Ng magising ako ay naghanda na ako ng aking uniform at naligo. Ng matapos ako ay bumaba na ako, nadatnan ko si Manang Linda.

"Good morning!" Masiglang sambit ko.
Lumingon naman sakin si Manang at nginitian ako.

"Ganda ng gising ng alaga ko, ah?" Nakangiting sambit niya habang nagluluto.

"Of course naman po! Andiyan kayo para i-cheer up ako eh!" Sambit ko at umupo. "Ay oo nga pala Manang, asan po si Mom?" Sambit ko.

"Ah, umalis na eh." Sambit niya at inihanda ang kanyang mga niluto.

"Ganon ba Manang. Sige po." Ngiting tipid ang ginawaran ko sakanya. Nakangiting umiling naman si Manang sakin.

"Naku, 'wag kang mag-iisip ng mga ganyan. Baka busy lang ang Mom mo." Pag-cheer up sakin ni Manang.

"Oh sige po! Kain na po tayo." Nakangiting sambit ko at nagsimula kumain.


Ng dumating ang teacher namin ay nagsibalikan na kami sa aming upuan. "Good morning everyone." Nakangiting sambit niya.

"Good morning po." Sabay sabay na sambit namin habang nakatayo.

"Sit down, now for today lesson." Umupo na lamang ako at nakinig.

Ng matapos ang mga klase ay dumeretso na kami sa canteen, um-order muna sila habang ako ay naghahanap ng mauupuan.

Nagulat ako ng may pumatid sakin dahilan para matumba ako, "What t-the?!" Inis na sambit ko at tumayo kasabay ng pagpagpag ko sa uniform ko.

Iritado akong tumingin sa pumatid sakin. Nakangisi lang siya sakin. Sino pa ba? Edi si Babaita!

"Bweset ka." Madiin na sambit ko.

Susugod na sana ako ng may humawak sa braso ko. Iridato akong lumingon dito at bigla namang lumiwanag ang mukha ko pero binalik ko rin 'yon sa pagiging iritado.

"Halika na." Nakangiting sambit niya kaya naman nahawa ako sa pagngiti.

Halos mamula ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta kila Fyi na naghihintay na pala sa akin.

Lumingon ako kay babaita na nakangisi pa rin. Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. Humanda ka sakin, magpasalamat ka at hinila ako ni Jiyo kase kung hindi baka kung ano na nagawa ko sayo.


Ng makarating kami kila Fyi ay sunod-sunod na tanong ang sinalubong sa amin ni Elaiza.

"Shh, shut up." Sambit ko at sumubo ng pagkain na dala nila.

"Nagtatanong lang eh!" She said, I just rolled my eyes.

"Ay teka, Diba siya yung babaeng sinasabi mo sa amin na ikaiinisan mo?" Sambit ni Fyi.

"Siya nga! Oo siya! Siyang siya!" Inis na sambit ko at tinusok-tusok ko ang manok ng tinidor.

"Hoy, grabe ka naman sa manok. Sayang yung pagkain, akin na nga 'yan!" Sambit ni Elaiza kaya inalayo ko ang pagkain ko kasabay ang pagbelat sa kaniya.

"Isa lang naman gusto kong sagot eh. Pero sikat kaya kayo sa pagiging aso't pusa ninyo! Balitang-balita na pagkatapos mo siyang gantihan siya naman ang sunod na gaganti." Sambit ni Fyi na para bang hindi makapaniwala.

"Psh, ewan!" Sambit ko at sumubo, Lumingon ako kay Jiyo na nakatingin pala sakin, Binigyan ko ito ng ngiti at gumanti rin siya ng ngiti.

Ng matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Jiyo dahil may practice sila. Nakikipagkwentohan muna ako kila Elaiza.

"Xia, nakapag-review ka na?" Sambit ni Fyi kaya tumango ako. "Talaga?" Taas kilay niyang giit.

"Hindi." Ngiting sambit ko. Natawa ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Bilisan mo! Tutulongan kita mag-review." Sambit niya. Napanguso ako, hindi ko naman na kailangan mag-review.

"Kailangan pa ba iyon?" Napabusangot ako ng tumango siya. Nagulat ako ng hilain niya ang aking pisnge at kinurot-kurot yun.

"Tara na." Tatayo na sana si Fyi ng turuin ko si Elaiza na nanguya pa.

"Hindi ka pa rin tapos kumain?" Hindi makapaniwalang sambit ni Fyi kay Elaiza.

"What? Gutom ako, ok?" Mataray na sambit ni Elaiza.

"Talaga ba? Eh lagi ka namang gutom eh." Pangangasar ko sakaniya. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pagkain niya.

Habang hinihintay namin si Elaiza matapos ay nagkwentohan muna kami ni Fyi. Pero ang totoo, satingin ko ay hindi naman ata kami nag-uusap dahil dinadaldalan niya lang ako.

Tinakpan ko ang aking tenga. Lumingon ako kay Elaiza, ay grabe! Tapos na pala siya kumain eh, nagseselpon lang. Tatawagin ko na sana siya ng mapansin kong nakangiti siya habang nagtitipa sa cellphone.

"Anong meron d'yan?" Turo ko kay Elaiza na ngayo'y mahinang natawa habang nagtitipa sakaniyang cellphone.

"Baliw na." Sambit ni Fyi na ikatawa ko naman.

"Ano kayang ginagawa ng isang 'to. Nakain lang kanina ngayon natawa na mag-isa." Sambit ko. Nanliit ang mata ko ng biglang namula ang pisnge niya.

"Mukhang may ka text." Lumingon ako kay Fyi. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Sambit ko at nanliit ang mata niyang singkit at tumango rin.

Dahan-dahan kaming pumunta kay Elaiza na hindi man lang kami napansin. Ng makarating kami sa likod niya ay sinilip ko ang cellphone niya.

At tama nga kami sa may ka text siya, binasa ko ang tina-type niya.

"Epal ka! Bolera ka." Mahina kong bulong.

Tumingin ako kay Fyi na nakatingin din pala sakin. Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay. "Hoy! Ano yan?!" Sabay naming gulat kay Elaiza na halos ikatalon niya na sa gulat.

"H-ha? Wala 'n-no!" Sambit niya kaya dahan-dahan akong lumingon kay Fyi na nakatingin sakin na nanghihinala narin dahil sobrang pula ng mukha ni Elaiza at utal-utal pa.

"Dadaan muna siya samin." Sambit ko at tumango naman si Elaiza kaya naman nagtaka ako ng nanlaki ang mata ni Elaiza.

"A-ano?! Hindi ako ganon 'no! Ayoko ng tira-tira." Sambit ni Elaiza. Hindi ko siya maintindihan kaya kunot-noo ko lang siyang tinignan.

Ng ma-realize ko ang sinabi niya ay napahalaghag naman ako ng tawa at ganun din si Fyi.

"Tanga! Anong iniisip mo? Ang ibig namin sabihin ay dadaan siya samin para kilalanin siya kung hindi ka ba talaga niya sasaktan!" Sambit ko at pinunasan ang sa aking mata na tutulo dahil sa tawa ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Elaiza, "Eh malay ko ba!" Sambit niya at padabog umalis habang kami ay sinusundan pa din siya habang natawa. Napahawak pa ako saking tyan dahil sa kakatawa.

"Grabe, wait lang! Ansakit na ng tiyan ko." Sambit ko habang natawa pa din. Sinamaan lang kami ng tingin ni Elaiza. Nag-apir naman kami ni Fyi habang natawa pa rin.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon