Xiara Kim's POV
"Saan ka ba galing?" Salubong sakin ni Elaiza ng makarating ako. "Ang tagal mo naman magbanyo."
"Basta, huwag ka na magtanong." Sambit ko at umupo. Mas mabuting manahimik nalang ako dahil ayokong masira ang mood nila.
"Sige, sabi mo eh." Tinuon niya ang atensyon niya sa pagkain na nasa harap niya.
"Asan si Jeya? Pinuntahan ka niya." Dahil sa sinabi ni Sora ay hindi ko na napigilan irapan siya. Nakita ko naman sa itsura niya ang pagka-insulto.
"Pwede ba, huwag mo sakin itanong 'yang kaibigan mo?" Inis na sambit ko. Imbes na hindi na ako magsusungit para hindi masira ang mood dito nagtanong pa!
"Nagtatanong lang ako?" Pabalang na sagot ni Sora sakin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya hindi rin ako nagpatalo at tinaasan din siya ng kilay.
"Teka lang! Andiyan na siya, ‘wag na kayo mag-away." Umupo siya sa tabi ni Sora na ngayon ay magkaharap kami.
Inirapan ko siya at nakita niya rin iyon. Hindi na ako nag-alala kung nakita niya o hindi, mas maganda na ng nakita niya.
Nanlaki ang mata ko ng ngisian niya ako at bigyan ako ng kakaibang tingin. "Ha!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-react.
"Bakit?" Tumingin silang lahat sakin dahil sa ingay na ginawa ko.
"W-wala. Balik na kayo sa ginagawa niyo." Nagsitanguan lang sila at muling ibinalik ang kanilang atensyon sa mga ginagawa nila.
Muli akong tumingin sakaniya, agad akong umiwas ng tingin ng makita kong nakatingin din siya sakin. Bakit ba kase kasama pa namin sila sa iisang table?
Umaliwas ang mukha ko ng makita ko si Baby Eil na papunta sa gawi namin. "Hi po!" Napangiti ako, lumapit siya sakin at kumandong sakin.
"Tara po Ate Xia, samahan niyo po ako kumuha ng pagkain. Nagugutom na po ako eh." Ngumiti ako.
"Oh sige, tara." Umalis siya sa binte ko, pumunta kami kung nasaan ang mga pagkain.
Kinuhaan ko ng pagkain si Baby Eil. Madaming pagkain ang nakahanda sakanila, dalawang lamesang malaki ang nakahandang mga pagkain. Andami ng mga pagkain na ito pero kung tutuusin ay hindi naman karami ang bisita.
"Palagay din ng sushi Ate." Nilagyan ko ng sushi ang plate ni Baby Eil katulad ng sinabi niya. "Thank you po! Don ako sa table niyo kakain Ate Xia ah?"
"Sige lang. Susunod ako sayo, kukuha lang din ako ng foods ko." Tumango-tango siya at pumunta sa table namin.
Kumuha ako ng mga pagkain ko, pagkatapos ko makakuha ay pumunta na ako sa table namin. Andon na rin si Elaiza. Tumabi ako sakanila at nilapag ang pagkain ko.
"Ay pwede na pala kumain? Jusmiyo, kanina pa ako nagpipigil ng gutom dito." Palihim kong inirapan si Sora. Talagang kailangan pa sabihin.
"Kukuha na ako. Kayo? Wala ba kayong balak?" Sambit ni Sora at tumayo.
"Sama na rin ako. Ikaw Elaiza?" Tanong ni Fyi kay Elaiza na ngayon ay abala sa cellphone.
"Sige lang, mamaya na ako." Sambit niya na nakatingin pa rin sa cellphone niya.
Tatlo lang kami nila Eil dito ang naiwan dahil kumuha na sila ng pagkain nila. Tinignan ko si Elaiza, lagi na siyang nasa harapan ng cellphone.
"Baby Eil." Tumingin siya sakin.
"Bakit po?" Sambit niya habang nanguya pa rin. Lumapit ako sakaniya para bumulong.
"Sino ba kausap ng Ate mo sa cellphone?" Umiling-iling siya.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...