Chapter 27

726 18 0
                                    

Xiara Kim's POV

"Xia, Ano na!? Late ka na naman ng dalawang oras, nasaan ka ba?" Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at ipinikit ang aking mata.

"Hindi muna ako papasok, masakit ang ulo ko." Halos pabulong na sambit ko.

"Ha?! Anong nangyare sayo? Wait lang, pupunta kami d'yan."

"Shh, 'wag na. May test ngayon si Mrs. Kenya. Baka magalit pa 'yun sainyo." Pilit kong hindi umubo dahil mas lalo lang madadagdagan ang pag-alala niya.

"Xia naman! Test lang 'yun, kaibigan ka namain. Pupunta kami d'yan." Bumuntong hininga ako.

"Elaiza, magagalit ako sainyo pagpumunta kayo dito. Sabihin niyo nalang na hindi ako makakapasok kasi masakit ang ulo ko." Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.

"S-sige na nga pero pupunta rin kami agad d'yan pag natapos ‘to."

"Sige na, magsisimula na yung sunod niyong subject."

"Mag-ingat ka d'yan ah? Oh sige na, bye." Ng matapos siyang magpaalam ay binaba ko na ang cellphone at dahan-dahan tumayo.

Tila dumilim ang paningin ko ng tumayo ako, pakiramdam ko ay pinipiga ang ulo ko at masusuka ako na wala sa oras. Dahan-dahan naglakad papunta sa kusina.

At don ko lang naalala na wala na akong mga pagkain, kinuha ko ang jacket sa upuan at lumabas ng condo. Malapit lang naman ang alfamart dito, yakap-yakap ko ang sarili ko habang naglalakad.

Minsan ay hahawak ako sa pader tuwing mandidilim ang aking paningin, kumuha ako ng basket at inilagay don ang mga kailangan kong bilhin. Hinigpitan ko ang hawak saking basket ng maramdaman ko muling parang pinipiga ang ulo ko.

Kinuha ko ang huli kong kailangan at pumunta sa counter upang magbayad, binayadan ko ito at binuhat ang mga pinamili ko. Pakiramdam ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko at masusuka na ako.

Ipinikit ko ang aking mata at sa aking pagmulat ay tila ba nandilim ang paningin ko, hinigpitan ko ang hawak ko sa mga pinamili na dala ko at humakbang.

"Shit." Mahinang mura ko ng manginig ang mga tuhod ko, hanggang sa natumba ako kasaba'y ng mga binili ko.

Pinilit kung tumayo pero hindi kaya ng mga paa ko, hanggang sa unti-unting dumilim ang paningin ko.

Jeya Lee's POV

"Oo, papunta na ako." Pinatay ko ang tawag at pumasok sa elevator, nilingon ko ang katabi ko at don ko lang napansin na kaming dalawa lang ang nasa elevator.

Nauna na akong naglakad at dumeretso sa alfamart, kumuha ako ng mga pagkain at pumunta sa counter.

Tinignan ko lang siya habang kinukuha ang mga pinamili niya, ng matapos siya ay lumabas siya ng alfamart.

"You're next, ma'am." Napalingon ako sakaniya.

"Yeah." Hinintay ko matapos ang paglagay nila sa paper bag at kinuha 'yon, habang naglalakad ako ay nahagip ko si Xiara.

Nakahinto ito sa gilid, huminto ako sa paglalakad at tinignan siyang nakatayo. Nagulat ako ng natumba ito at pilit pang tumayo, mabilis akong tumakbo kung nasaan siya.

"Xiara? Hey!" Wala akong nagawa kundi buhatin siya, dumeretso ako sa condo ko. Hindi ko naman alam kung saan ang condo niya.

Binuksan ako ang pinto at hiniga siya sa kama, "Ang taas ng lagnat mo." Bulong ko at tumayo para kumuha ng maligamgam na tubig at towel.

Muli akong bumalik sa kwarto at nilagay ang towel sa noo niya, ininit ko ang sabaw na ulam ko kanina at sinalin 'yon sa bowl. Bumalik ako sa kwarto at tinapik siya.

The Unloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon