Xiara Kim's POVNakahinga ako ng maluwag. Umupo ako sa upuan, kaharap ang mga pagkain na dapat lulutuin ko pero si Babaita na ang nagtuloy.
“Akala ko ba marunong ka magluto?” Sabi ni Babaita, halatang nang-aasar pa.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Pwede ba?” Inirapan ko siya, tinignan ko ang nakahain na tusino, itlog, at sinangag sa lamesa.
“Ayaw mo lang aminin na hindi ka marunong magluto eh.” Inirapan ko ulit siya, ang hilig niya talaga mang-asar eh ‘no?
“Tigilan mo nga ako.” Madiin kong sambit, buti naman ay tumahimik na siya.
Nagsandok ako ng sinangag sa plato naming dalawa, ibinigay ko sakaniya ang plato na may sinangag. Pasalamat siya’t pinagsandokan ko pa siya.
“Thank you, i guess?” Sambit niya, tumusok siya ng tusino at nilagay sa plato niya.
“Pag ‘yan na tikman mo, baka pati pangalan mo makalimutan mo.” Ngisi niyang giit, turo niya sa sinangag at scrambled egg.
Inirapan ko siya, ang oa naman ng pagkakasabi niyang pati pangalan ko makakalimutan ko.
Hinati ko ang tusino at sumandok ng sinangag. Isusubo ko na sana ng mapansin kong nakatitig sakin si Babaita, napa-irap ako.
“Ano na naman?” Irap kong giit.
Ngumiti siya at umiling. “Wala lang, kain ka na.”
Sinubo ko ang pagkain na nasa kutsara at dahan-dahan na nginuya.
“Ang oa mo sa part na makakalimutan ko—ay!” Napatigil ako sa pagsasalita, sumandok pa ulit ako at sinubo.
“Tastes good, right?” Napabalikwas ako, binitawan ko ang kutsara at tinidor.
Umayos ako ng upo at tinignan siya. Nakatingin siya sakin na para bang pinagmamasdan niya ang buong pagkatao ko.
“Stop looking at me like that! Creep.” Inis kong sambit, sumandok pa ako at sinubo.
“Tell me, how is it?” Turo niya sa pagkain na kanina ko pa nilalamutak.
Umiwas ako ng tingin. “It’s not that bad—but! I’m not saying it tastes good.”
Nagkitbalikat siya. “If you say so, even though na halos ubusin mo na yung nasa plato mo.”
Dahil sa sinabi niya don ko lang na pansin na isang subo nalang pala ang pagkain na nasa harapan ko.
“S-syempre! Sayang kaya, it's not good to waste food.” I said, still denying the fact that it is really tastes so damn good.
“Hm,” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay kumain na rin siya. Hindi na ako nagsalita pa at ninamnam ang lasa ng luto niya.
Swerte ang mapapang-asawa nito, sarap ba naman magluto. In fact, pwede akong mag-volunteer na maging asawa niya if siya ang magluluto para sakin sa araw-araw—wait! What the actual hell I'm thinking?!
Mahina kong kinurot ang aking sarili. You better stop thinking something like that again, Xiara. Giit ko sa isip ko, hindi ko na talaga alam kung ano bang pumapasok sa utak ko.
Lumingon ako sakaniya, na ngayon ay nakatitig sakin. “What?” I said while chewing the food in my mouth.
What's wrong with her? Kanina niya pa ako tinititigan. Tinignan ko ang daliri niya ng may ituro siya sa mukha ko, sinundan ko ang daliri niya at nakaturo ito banda sa pisnge ko.
“Anong meron sa mukha ko?” Kinapa ko ang pisnge ko, sinusubukan tanggalin kung ano man ang nasa mukha ko.
Hindi siya na sagot. Medyo napa-atras ako ng lumapit siya, “H-hey!” Saway ko sakaniya ngunit tuloy pa rin siya sa paglapit.
Nilapit niya ang kamay niya sa mukha ko, umiwas ako ng tingin at ipinikit ang aking mata.
Susuntokin niya ba ako kasi sobrang mean mo sakaniya? Kataposan ko na ba—napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang malambot niyang kamay sa pisnge ko.
“May kanin ka sa mukha,” Pinakita niya sakin ang kanin. “Ang tanga mo sa part na hindi mo pa na tanggal ‘to, kinapa mo na lahat-lahat pero ito hindi mo man lang na tanggal.”
Nangasim ang aking mukha, itinaas ko ang kamay ko at tinaas ko ang middle finger ko at inakto na para bang nanginginig ang daliri ko.
“Kita mo ‘to, ikaw ‘to oh!” Nilapit ko ang daliri ko sa mukha niya, mas pinapamukha sakaniya kung gaano ako naiinis sakaniya.
Tumawa lang siya..
Inunat ko ang katawan ko, kakatapos ko lang linisin ang pinagkainan namin. Kapal niya nga eh, ako nga nag-volunteer maghugas tapos bigla niyang dinagdagan ng mga plato na malinis na hindi naman namin ginamit.
Imbes na iilan lang sana ang huhugasan ko dumami pa, kaya tuloy na tagalan ako sa paghuhugas ng pinggan.
Pagkatapos kong malinis lahat ng na gamit namin sa kusina ay umalis na ako para puntahan siya. Galing niya rin eh, parang wala ng balak umuwi.
Na abutan ko siya sa sala habang nakahiga at nanonood ng TV, ito pa! May nginunguya pang junk food.
Lumapit ako sakaniya at binatukan siya. “Kapal din eh ‘no? Kailan mo kaya balak umuwi?”
“Aray!” Sinamaan niya ako ng tingin at hinimas-himas ang ulo niya kung saan ko siya binatukan.
“Kulang pa nga ‘yan eh! Umuwi ka na, hoy! Wala ka bang magulang na naghahanap sayo, ha?”
“Ayoko pa! At saka tignan mo sa labas, ang init-init. Papasugurin mo ba ako sa ganiyan ka-init?” Sumilip ako sa labas.
Ay ang loko! “Anong mainit? Wala ngang araw oh!”
Kakatapos lang ng ulan kaninang madaling araw ngunit wala pa ring araw, medyo malilim pa.
“Oh, malay mo umulan mamaya? Edi na ulanan pa ako?” Pangangatwiran niya pa.
“Mahiya ka naman.” Taas-kilay kong sabi. Kapal naman ng mukha nito, talagang ayaw pa umuwi.
“Mamaya, mga 10 minutes.” Nakangisi niyang giit, “Taposin ko lang ‘tong pinapanood ko.” Turo niya sa anime na bluelock na pinapanood niya.
Inirapan ko siya. “Siguradohin mo lang.” Umalis na ako sa harapan niya upang umakyat sa taas.
![](https://img.wattpad.com/cover/262502402-288-k714490.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...