Xiara Kim's POV
Oras ng klase ngayon pero dahil wala ang mga guro ay nasa labas kaming lahat. "Elaiza," Tawag ko sakaniya, lumingon siya sakin. "diba close kayo ni Sora?""Hindi naman sa close, nakakausap lang." Tumango ako. "Bakit mo na tanong?"
"Mamayang recess maki upo tayo sa table nila." Kumunot ang noo nila. "Anong tingin yan?"
"Andon si Jeya diba?" Tumango ako. "Akala ko ba ayaw mo sakanila?" Tumango ulit ako.
"Oo nga." Mas lalong kumunot ang mga noo nila. "Huwag nalang kayo magtanong. Ang kukulit ninyo eh."
"Baka naman hindi si Xiara yung bumalik satin kagahapon?" Tumango si Fyi bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Elaiza.
Grabe, mukhang mahihirapan ako ah.
"Tara na nga, balik na tayo sa classroom. Patapos na yung oras, mapagalitan pa tayo pag na huli tayo eh." Tumango sila pero halata pa rin sa mga mukha nila ang pagtataka.
Hindi ko naman talaga sila masisi pero kailangan ko gawin ‘to, hindi pwedeng siya lang ang makagalaw. Ng makarating kami ay umupo na ako, sakto lang dahil dumating na ang next subject namin.
Yumuko ako, tinatamad akong makinig. "Xia," Bulong ni Elaiza. "gets mo?"
Umiling ako. "Hindi nga ako nakikinig eh."
"Gaga ka." Bumalik siya sa ginagawa niya.
Ang tagal naman matapos. Tumungo ako sa arm tablet at ipinikit ang aking mata. Bahala na kung makaiglip, tinatamad ako makinig.
"Xiara?" Minuklat ko ang aking mata. "Buong klase ka tulog, buti hindi ka napansin." Nag-unat ako.
"Recess na ba?" Tanong ko.
"Oo, tara na." Tumayo ako at nag-ayosl lang saglit. "Sigurado ka ba na makiki upo tayo sa kanila?"
"Oo nga, paulit-ulit ka naman." Sambit ko.
"May sakit ka ba?" Kumunot ang noo ko, umiling ako. "Sigurado ka?" Inirapan ko siya.
"Oo nga." Ng matapos ako ay nauna na akong maglakad sakanila. Magpapaulit-ulit lang sila magtanong.
Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero hindi ko na sila pinansin pa. Ganon ba ka weird na makiki upo ako sakanila?
Nagkitbalikat na lamang ako. Ngumiti ako sa mga bumati sakin, pakiramdam ko dito na magsisimula ang lahat. Masigla akong pumasok sa cafeteria, pabalik kong binati ang mga bumabati sakin.
Hinanap ko kung nasan sila nakaupo. Agad akong lumapit sakanila ng makita ko sila, nagtataka pa sila kung bakit ako nasa harapan nila.
Umupo ako. "Pwede makiupo?" Nakangiting sambit ko.
"Uh naka upo ka na?" Patanong na giit ni Sora, tinaasan ako ng kilay. "Sige, i guess?" Nginitian ko siya.
Lumingon ako sakaniya, gulat siyang nakatingin sakin. "Hello. Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Huh? W-wala." Umiwas siya ng tingin sakin.
"Hoy Xiara!" Lumapit sila Elaiza sakin. "Pwede maki upo?" Sambit ni Elaiza.
"Isa ka pa. Magtatanong ka pa eh naka upo ka na nga." Sambit ni Sora at pailing-iling na tumingin sa amin.
"Pasensya na ah? Hindi ko alam sa babaeng ‘to bakit gustong makiupo sainyo." Humingi ng pasensya si Fyi at umupo sa tabi ko.
"Hindi, okay lang!" Sarcastic na sambit ni Sora. "Hindi naman nakakapagtaka kung bakit biglang andito kayo."
"Sorry, alis nalang kam—"
"No, sit down. Okay lang." Putol niya kay Fyi. Tumingin ako sakaniya na ngayo'y nakatingin na pala sakin, umiwas ako ng tingin.
"Kuha lang ako ng foods natin." Tumingin ako kay Fyi at tumango. "Balik din kagad ako." Tumingin sakin si Fyi at sumenyas.
Akala mo naman kung anong gagawin ko dito kung maka tingin. Tumango ako at inirapan siya, as if naman may papatayin ako dito kung makatingin.
"Bakit ka andito?" Lumingon ako kay Sora ng magsalita siya. "I mean, anong meron?"
Ngumiti ako sakaniya. "Wala, hindi ba pwedeng maki upo sainyo?" Sambit ko. "At saka punong-puno yung cafeteria, wala kaming mauupuan."
"Duh, papa upuin kayo ng mga yan. Kayo pa ba?" Sambit ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ayaw naman namin maging unfair."
"Oh talaga ba?" Inirapan niya ako. Siniko siya ni Jeya na mas lalong ikakunot ng noo niya.
Grabe, hindi naman talagang galit na galit siya sakin?
"Don't mind her. She's in her month, that's why she acts like that." I looked at Jeya, who's currently looking at me.
"No, it's completely fine. I understand." Ngumiti ako sakaniya. Kailangang ngumiti, kahit na nakakangalay.
"I'm back!" Umupo si Fyi sa tabi ko at ibinigay sa'min ni Elaiza ang pagkain. Lumapit sakin si Fyi at bumulong, "Did you do something? Hindi maipinta mukha ni Sora oh."
Umiling lang ako. Sus, kanina nung dumating naman sila nakasimangot na yan. Kanina maayos yung mood eh pagkatarating ko biglang sumimangot.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa'min. "Alam niyo bang may parade mamaya sa labas ng school?" Pagsisimula ko ng topic.
"Yeah." Sagot ni Jeya.
"May plano ba kayong manood mamaya?" Sambit ko. "Kung balak niyo, can I come too? Sila Fyi sana kasama ko kaso may gagawin sila."
"No, we-"
Pinutol kagad ni Jeya ang pagsasalita ni Sora. "You can. I'm planning to go there too." Maikling sagot ni Jeya na mas lalong ikakunot ng noo ni Sora.
"What? I thought you have plans-"
Muling pinutol ni Jeya ang sasabihin ni Sora. "Just eat your foods." Hindi na muling nagsalita si Sora.
"Pupunta ka rin ba, Zane? Mas maganda kung andon ka." Nakangiting giit ko sakaniya. Ilang minuto siyang hindi sumagot.
"Hindi ba’t gusto mo ring pumunta para manood?" Sambit ni Jeya kay Zane na ngayon ay tahimik lamang.
"S-sige." Napangiti ako. Tumingin siya sakin at saglit na ngumiti at agad din umiwas ng tingin sakin.
"Malapit na magsimula yung klase." Tumingin ako sa orasan dahil sa sinabi ni Elaiza.
"Una na kami ah? May gagawin pa kasi kami." Tumayo ako. "Salamat sa pag-share niyo sa upuan."
Tumango sa'min si Jeya. "You're welcome. You can sit with us whenever you want." Ngumiti ako sakaniya at umalis na.
Habang naglalakad kami ni Elaiza ay siya ay nagsalita. "Nakita niyo ba yun?" Gulat na gulat na giit ni Elaiza.
"Yung?" Tanong ko sakaniya.
"Bakit biglang ganon yung usapan niyo ni Jeya? Biglang naging okay kayo ah?" Hindi makapaniwalang sambit ni Elaiza.
"Agree, kahit ako hindi makapaniwala eh." Dagdag pa ni Fyi. "May nangyare ba? Nag-ayos na ba kayo?"
Nagkitbalikat lamang ako at hindi na sumagot sakanila. Kahit ako rin ay nagulat sa inakto ni Jeya pero mas mabuti na yun, dahil sakaniya ay mas napapadali ang gusto kong gawin.

BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...