Xiara Kim's POV
"Xiara, babalik na 'daw ang iyong ina galing sa america." Mabilis akong lumingon kay Manang at ngumiti.
"Talaga po?" Ngumiti ako ng malawak.
"Oo, sa linggo ang kanilang dating." Aniya, napakunot ang aking noo pero hindi pa rin naalis ang aking saya.
"Po? Kanilang?" Tanong ko.
"Kasama niya sina Coleen." Aniya. Unting-unti nawala ang aking ngiti.
Nilingon ko si Manang na abala sa cellphone, "Ganoon po ba? Sige po, tapos na po ako mag-aral." Sambit ko at lumingon ito sakin tyaka tumango.
Kinuha ko ang mga libro at umakyat sa taas, inilahata ko ang aking katawan sa kama. Naramdaman ko ang basa saking pisnge kaya pinunasan ko 'yon.
Andito na ulit sila, babalik na ulit ang buhay ko sa mala impyerno. Ayokong ng bumalik 'don. Masaya na ako sa pagiging malaya ko.
Napahikbi ako at sinubsob ang aking mukha sa aking unan. "Ayoko na!" Sigaw ko habang nakasubsob pa rin ang aking mukha sa unan.
BAGONG araw na naman, balak kong gumala mag-isa ngayon total wala naman akong pasok ngayon. Pakiramdam ko nga sobrang bilis ng araw ngayon. Grabe, parang kakasimula lang ng pasokan tapos ngayon malapit na mag-exam.
Wala ako ngayon sa mansion, dito na muna ako umuwi. Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ako ng condo at pumunta sa parking lot.
Pinaandar ko ang kotse ng makarating ako sa parking lot. Balak kong pumuntang mall ngayon, mamimili ako mag-isa. Sa totoo niyan ay pwede ko naman na yayain sila Fyi ngayon ang kaso pakiramdam ko mas maganda kung mag-spend naman ako ng time para sa sarili ko.
Medyo natagalan ako bago makapunta dito sa mall, hindi naman kalayuan talaga ang mall sa condo ko pero sadyang traffic talaga ngayon kaya natagalan.
Pumasok na ako ng mall ng matapos kong ma park ang kotse. "Magandang araw po." Ngumiti ako bilang ganti sa guard ng bumati siya sakin.
Dumeretso na ako sa third floor ng mall dahil andon ang mga school supplies, may mga bibilhin lang ako dahil kakailanganin ko ito. Inuna ko na ang mga ito, baka makalimutan ko pa.
Hindi naman ako nagtagal don dahil alam ko naman na kung ano-ano ang mga bibilhin ko. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng store na yun at nag-ikot muna.
Balak ko sanang bumili ng bag pero naalala ko na kakabili ko lang kaya huwag na muna. Kanina pa nga ako nag-iikot dito pero hanggang ngayon ay school supplies pa rin ang nabibili ko.
Hindi ako makapag-decide kung anong bibilhin ko. Damit sana kaso pakiramdam ko ayoko, sa bag naman ay kakabili ko lang, at ang make-up naman ay meron pa ako.
Bumaba nalang ako at pumunta sa first floor. Aalis na sana ako ng mall ng napatigil ako, tumingin ako sa arcade na nasa harap ko. Agad akong pumunta don, medyo may katagalan na rin ng huli kong punta dito.
Dito na muna ako nagpalipas ng oras, nakakatuwa nga dito dahil nagkaron pa ako ng mas madaming kaibigan. Lagi kase may mga grupong magkakaibigan dito at nakakasalamuha ko.
Tinignan ko ang oras, mahigit tatlong oras na pala ako dito, hindi ko man lang namalayan ang oras. Lumabas na ako ng arcade at muling umakyat papunta sa second floor.
Sa sobrang aliw ko kase sa arcade ay nagutom ako. Hindi pa nga ako makapili kung saan ako kakain eh, yung iba kase ay natikman ko na ang mga pagkain.
Habang nagtitingin ng makakainan ay pumakaw ng atensyon ko ang Jollibee. "What if dito ako kumain?" Bulong ko sa sarili ko.
Pakiramdam ko na balik ako sa batang ako tuwing nakikita ko ang fast food na 'to. Wala namang makakakita sa akin dito eh, siguro?
Agad akong pumasok sa Jollibee at pumila para mag-order. Hindi na nga ako natagalan pa pumila dahil may mga ibang tao na nagpapasingit sakin, nagpapasalamat nalang ako sa kanila.
Ng makuha ko ang aking order ay naghanap kagad ako ng table. Pinili ko ang medyo malapit sa entrance, i mean wala naman na akong choice? Ito nalang ang available na upuan dito eh.
Kung tutuusin ay puro mga magulang, anak at pamilya ang nandito. Hindi ko alam ay sarap na sarap akong panoorin sila, nakakaramdam nga ako ng inggit eh. Minsan hinihiling ko na maranasan din ang nararanasan nila ngayon.
Napailing nalang ako sa iniisip ko at kumain nalang. Ninamnam ko ang bawat kagat ko sa pagkain na nasa harap ko ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng may mga pumasok na nasa edaran ko lang, tumingin ako kung sino ang mga iyon at laking gulat ko ng makita ko si Babaita kasama ang kaibigan niya.
Anong ginagawa niya dito? Hindi nila ako pwedeng makita dito, ano nalang ang iisipin nila? Ako na nakain sa kainan ng mga bata? Ng mag-isa? No way.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking buhok. Sa ganong pwesto ay mabilis kong tinapos ang aking kinakain, ng matapos ko ang lahat ay tumayo na ako at lumabas don.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako don, sana ay hindi nila ako napansin dahil kung hindi? Mas gugustohin ko pang lamunin na ako ng lupa ngayon.
BINABASA MO ANG
The Unloved
RomanceAng babaeng si Xiara Kim, kilala bilang isang matalino, mayaman, at maganda. Lahat ng estudyante sa kaniyang paaralan ay tinitingala siya at tinuturing na perpekto. Maayos ang kaniyang buhay kasama ang kaniyang boyfriend ng dumating ang babaeng si J...